Chapter 52 "It Bothers Me V2.0"

1K 7 0
                                    

Donna's Point of View

Andito ako ngayon sa condo ni Gabriel at naghihintay na makausap siya. Kaharap ang Daddy niya, pinag-usapan namin lahat ang nangyari. Hindi ko alam ang pakiramdam ko ngayo't kaharap ko na siya. Magkahalo rin ang mga emosyon na nakikita ko sa mga mata nito na siyang nagpanginig ng mga daliri ko.

"Mabait si Gabriel." Panimula niya. "Aminado akong marami ng babae ang dumaan sa mga kamay niya, pero ikaw lang ang nag-iisang minahal niya ng higit sa buhay niya. Mahirap mang paniwalaan noong una pero ng makilala kita ay doon ko na-realize na tama ang intensyon niya sayo."

Hindi ako nakapag-salita sa sinabi ni Tito. Feeling ko ay parang may dumaan na konsensya sa likod ko para sabihin na alisin ko na ang galit na nararamdaman ko sa kanya. Pero hindi pwede. After all ba naman ng pagtataksil niya, patatawarin ko ba siya?

Baka nakakalimutan mong pumunta ka dito for Iris' custody not to fix your relationship with him?

"T-Tito... K-kasi... Umm... Alam ko naman 'yon eh, pero hindi ko masikmura yung ginawa niya sa'kin at alam kong magkasama sila ni Zoey ngayon. Tukso talaga yung babaeng yun eh. Baka ang susunod na mangyari, agawin na niya si Iris sa akin. Hindi ko man totoong anak si Iris, minahal ko siya na parang tunay na anak kaya hindi ako papayag na mangyari lahat ng iyon." Sabi ko nalang. Nakita kong naalis ang pagkakunot ng noo ni TIto na parang nagpapahiwatig na naiintindihan niya ako.

"Hindi rin ako boto diyan kay Zoey." Sabi niya. "Her father was my rival in court 10 years ago. Prof din 'yon ni Gabriel sa Harvard na siyang dahilan kung bakit muntik na siyang hindi maka-graduate at kung bakit nasiwalat ang memo na nahanap mo."

Kaya pala kahit anong pinanggagagawa ko sa anak niya, hindi siya nagagalit sa akin. Dahil mas gugustuhin nalang niya na magkaroon ng manugang na secretary kesa naman sa anak ng mortal niyang kaaway. Haist... out of this world topic...

Hindi pa nagtagal ang narinig kong bumukas ang pintuan. Pero hindi ko na tinignan kung sino 'yon dahil alam kong si Gabriel na yun. Umupo siya sa couch, beside me. Hindi ko alam ang plano siya, pero inakbayan niya pa ako na parang ang gusto niyang palabasin eh walang nangyaring away sa aming dalawa.

"Gabriel?" Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko. Tumingin sa kanya ng diretso si Dad na parang may galit sa mga mata.

"Stop acting like there's no happened." Sabi ni Tito. "Alam ko na ang ginawa mong kalokohan kay Donna. Bakit ba hindi mo makalimutan 'yang ex mo? Hindi ka pa ba kuntento sa binibigay na pagmamahal sayo ni Donna? Sooner or later baka magkaanak na kayo. Paano kung maanakan mo rin si Zoey? Matatanggap mo bang magkaroon ng anak sa iba't-ibang nanay? You're shameless to your firm, Gabriel."

"Dad, you don't understand. You don't know what happened during that time. Please kahit one minute let me explain everything." Natigilan ako maske si TIto. Siguro nga tamang pakinggan muna siya bago ako magsalita ng kung anu-ano pa. Bunganga nga naman...

"Sure, you can start." Sabi ni Tito. Handa na akong makinig. Kasinungalingan man 'yan o hindi bahala na.

"Balak ko sanang sorpresahin si Donna sa park gaya ng sinabi ko sa kanya. She doesn't know that there's many surprises ahead except dun sa bahay. Ang tagal ko siyang hinintay nun kaya't wala akong nagawa kungdi maghintay lang ng maghintay hanggang sa may babaeng lumapit sa'kin at si Zoey iyon. I don't know kung paano niya ako nasundan pero ang sabi niya, hindi niya alam na andun rin pala ako sa park. Hindi ko rin alam kung anong nagtulak sa akin para yakapin siya. Siguro dahil na-miss ko siya. Pero hanggang dun nalang 'yon. Hanggang sa maabutan nalang kami ni Donna na nagyakapan. Sinugod niya kami ni hindi niya man lang alamin kung ano talaga ang nangyari. asdfghhjkllyrydtrduttft...."

I didn't listen anymore. Palusot epek! psh... Kung si Tito mauuto niya sa mga palusot niya, ako hinde! Hindi ako nadadaan sa palusot.com.ph! Ibenta kita dyan eh!

Kaya imbes na makinig pa, pinutol ko na 'yon para i-change topic na sa wastong topic at dahilan ng pagpunta ko dito.

"I'm actually didn't came here for me to listen in your explanations." Mataray kong sabi. "I'm here to talk about Iris' custody. Kinausap ko siya kahapon na sumama sa akin pero ayaw niyang sumama dahil ang gusto niya ay---" Natigil ako. Hindi ko nga pala pwedeng sabihin na Si Gabriel ang mas gusto ni Iris. Hindi naman talaga pero ayaw niyang maghiwalay kami. Pag sinabi ko kasi 'yon kay Gabe, baka gamitin niya yung dahilan para hindi ko makuha yung bata.

"Yeah?" napatango lang siya. "Ano pang gusto niya? Hindi kaya ayaw niyang umalis ka dahil hindi ako kasama? Tama diba?" Exactly what i mean. Buking na itey! What should i do? Paktay ka diha dong... I ran out of reasons.

"K-kasi... Bakit naman ganun ang magiging reaksyon niya sayo eh mas close nga kami kesa sayo?" Pabaho-baho kong sinabi. Tsss bahala na 'yan!

Unti-unti siyang lumapit sa akin. I don't know what's on his mind pero parang may kasamang pambabanta ang nakikita ko in his reaction.

"You and Iris are mine. Don't expect to much that i'll give you a freedom to start again without me. Kayo ni Max? Just like Stephen before, it bothers me. Don't tell me you didn't bother by Zoey after all."

"Ano bang pinagsasabi mo? Sinasabi mo bang nagseselos pa ako? Yes syempre girlfriend mo ako eh! At ngayong break na tayo, wala ka ng karapatang magselos dahil hindi ka na parte ng buhay ko." I'm not sure kung totoo nga ang mga sinasabi ko pero hindi iyon ang nararamdaman ko. Mahal ko pa rin si Gabriel, but i don't wanna see him for now dahil nasasaktan lang ako. Diba si Iris ang topic namin? Bakit napunta kay Zoey ang usapan? Author please help!

(A/N: Wait!! may ino-organize pa ako eh! Epal much? Choss... sige eto na!)

"Si Iris ang topic natin ngayon at hindi ang babae mo." Sabi ko nalang at nanahimik ako. Hinayaan kong may dumakdak pang iba para naman hindi mangawit ang jaw ko kasasalita.

"Yeah, what if we let her make a decision tutal dun rin naman ang punta diba? Papipiliin natin siya kung kanina siya sasama. If ever na sa akin, you don't have a choice to fix our relationship and start over again. Pero kung ikaw ang piliin niya, i'll let you to start a new life without me. Deal?"

Woah? Ano 'to pustahan? Kung sinong mananalo sa kanya ang papremyo? At kung sino ang talo, may parusa? Huh sumusobra na 'yata ito! Akala ko ba siya ang gagawa ng decision? Sa bagay kesa naman sa sarili kong desisyon ang manaig, hindi magiging masaya ang bata.

"Sure walang problema. Ibibigay ko sayo si Iris, kung mahal pa kita."

TO BE CONTINUED IN CHAPTER 53.

My Arrogant Boss | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon