Donna's Point of View
Hindi pa natatapos ang pag-yayakapan namin ni Gabriel ay sumiksik na agad si Tito na tila'y masaya sa nangyari."I'm glad to see na okay na kayo. I hope this is the last, Gabriel. Donna, take care of your family to keep it stronger." Aniya.
"Sure, Dad. I mean... Tito? I'll do anything para manatiling buo ang pamilya ko. I promise." Maluha-luha kong sabi sabay yakap naman sa kanya.
Naging masaya ang gabing iyon. Sobrang saya higit pa sa inaasahan ko. I didn't expect na magiging masaya pa kami muli after all. Ano kayang magiging reaksyon ng mga kaibigan ko kapag... Bumalik na ako sa firm?
Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya't maaga rin akong nakapag-prepare. Si Iris naman, masayang-masayang nag-almusal kasama ang Daddy Gabriel niya.
"Iris, from now on, Daddy na ang itatawag mo kay Tito Gabriel, Okay?" Sabi ko sa kanya.
At sumingit naman si Gabe. "Because sooner or later, she will be facing the altar and be my wife."
"Really? Yehey! Sana po ngayon nalang please? I want to be a flower girl in your wedding!" Ani Iris na napatalon pa sa tuwa. Natawa lang kaming dalawa ni Gabe 'dun.
"Sure, one click lang sa phone ko, magpapadala na ako dito ng priest at wedding planner para ikasal na tayo." Psh corny..
"Mama..." At napalingon ako. "Pwede niyo po bang dalhin dito si Macky? Gusto ko po siyang maka-laro eh." Ani Iris na excited pa.
I nodded. "Yeah, as you wish. Make sure na hindi kayo mag-aaway ha? I'll talk to your Tito Mikael para makasama mo si Macky."
"Donna, are you sure na iiwan mo na iiwan mo na naman si Iris dito sa bahay? Baka mamaya may biglang pumasok dito at kunin siya." Ani Gabriel na natigil sa pagkain.
"Gabe, wag ka ngang mag-isip ng ganyan! Hindi mangyayari 'yon at hindi ako makakapayag. Tsaka may plano naman akong pag-aralin siya sa isang exclusive school para marami siyang maka-salamuhang iba." That's what i'd say.
He nodded. "You have a point. Right baby?" Sabay tingin kay Iris.
"Yes, Daddy. I want to study!"
Sabay kami ni Gabriel na pumasok sa opisina dahil rush hour, baka maipit kami ng traffic pag nag-kanya-kanya pa kami. Kapansin-pansin ang mga taong nadadaanan namin na hindi mawala ang mata katitingin sa akin. Pero nevermind, I'm sure pinag-uusapan lang nila ang pagbabalik ko.
"Sweetie, mauna na ako sa office. May aasikasuhin pa kasi ako eh. Later sabay tayong mag-lunch." Yaya ni Gabe sabay halik sa pisngi ko.
Hindi na ako nakasagot pa dahil sa di kalayuan, nakita kong paparating ang mga founders ng "Soh Cah Tae" Joke lang!
"Rachel, Mikael, Dina!!!" Tinawag ko sila isa-isa pero mukhang hindi nila ako nakikita. Mga bulag ba sila? Andito lang ako sa harap nila! Kaya lumapit nalang ako tsaka ko sila niyakap. They cannot believe that i'm back. Akala nila siguro tuluyan na akong isasabit sa harap ng name wall.
"Kelan ka pa nakabalik?" Tanong ni Dina.
"Nagkabalikan na kayo?" Si Rachel naman.
"Bakit hindi mo sinabi agad edi sana nagpa-welcome party kami dito!" Ani Mikael.
Na-touch naman ako sa mga sinabi nila. "You don't have to do it, Guys. The important is we fix all the things up. Everything is normal. Nga pala, invited kayo sa kasal ko ah!" Sabi ko na kinagulat nila.
BINABASA MO ANG
My Arrogant Boss | Completed
Romance"Don't let the people you love walk by you without letting them know how you feel about them." Si Donna, ang secretary ng mayabang na boss ng isang kilalang law firm na si Gabriel Calderon. Ayaw na ayaw niya ng ugali nito, pero anong magagawa niya k...