medyo pasaway din pala pagdating sa story telling si sir Gabe kaya ayun, nakuha niya yung oras ko para i-kwento ko yung iba pang part ko sa chapter 5! pero eto pa ang isang point of view ni sir Gabe!
-Donna
GABRIEL CALDERON P.O.V.
Nang Makauwi na ULIT ako. pero galing kila Donna sa yoga center ay tumawag sa 'kin si Rachel. meron daw siyang gustong ipagtapat tungkol kay Donna at tungkol sa boyfriend niyang si Max. Max Max Max... parang candy lang na ang sarap durug-durugin sa loob ng bibig.
"Kuya Gabe matagal ko na tong gustong sabihin pero ayaw ni Donna na malaman mo 'to"
"ano ba yun Rachel?" tanong ko.
"kasi kuya Gabriel......"
"ano? ano ba yung gusto mong sabihin? tungkol ba to kay Donna? ano ok na ba? babalik na ba siya sa firm..." tanong ko.
teka lang, sabi ni Rachel, MATAGAL na raw niyang gusto sabihin yung sasabihin niya. eh kelan lang natanggal tong si Donna sa firm tapos mag aasam na naman ako na babalik agad siya? over...!
"hindi kuya gabe. tungkol to kila Donna and Max." sabi niya
"so ano ba yun?" tanong ko ulit.
"Kuya gabe. Wala talagang Max na boyfriend si Donna."
"What?" gulat kong tanong.
"OO. nag-imbento lang siya ng fake boyfriend sayo. hindi totoong may Max kuya gabe."
I was shock sa mga sinabi ni Rachel sa akin. at later on ay medyo natuwa ako..
--Sandali lang tol... totoo ba to? hoy..! (sabay sampal ko sa sarili kong mukha) baka nananaginip ka lang? sinasabi ko na nga ba. may pag-asa pa tong anghel na 'to.--- sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.
"eh sino naman yung nasa picture na pinakita niya sa'kin? yung sa facebook?" tanong ko.
"ah yun ba? pinlano lang nila Mikael yun. yung pinakita ni Donna sayo na picture ay isang artisa. si MAX BEESLEY yun. tapos yung nakausap mo sa cellphone ay si Mikael. nagpanggap lang siyang si Max para hindi mo na tanungin si Donna tungkol dun. alam niya kasing nagdududa ka na sa Kanya at dun sa max na yun." sabi ni Rachel.
KAKAMPI ni Donna si MIKAEL? 'tol talaga!
tinanong ko ulit si Rachel sa cp kung bakit nagawa ni Donna na magimbento ng Fake boyfriend. di kaya ayaw niya sa 'kin?
"Kuya gabe di naman ganun yun. kaya lang naman niya nagawa yun dahil pinroprotektahan ka lang niya. at ayaw niyang mahulog ang loob niya sa 'yo. dahil ang pakiramdam niya ay pinagnanasaan mo siya. ayaw niya kasing sabihin ng tao sa kanya na baka pera lang ang habol niya sayo." sabi ni Rachel.
SAD MOMENT
PARA AKONG LANTAY NA PETSAY NA NABUBULOK SA PALENGKE NUNG NALAMAN KO NA KAYA NAGAWA NI DONNA YUN AY DAHIL GUSTO NIYA AKONG IWASAN.
"Pero alam mo kuya Gabriel, sa totoo lang, Matagal na siyang may gusto sayo." rinig na rinig ko na sinabi ni Rachel at biglang nag....
NALIWANAGAN ANG ISIP KO AT NAG... BOOM! PARA AKONG SASABOG NA WHISTLE BOMB SA SAYA!
"Hah? talaga? tanong ko
"OO naman! kaya ka nga niya tinago sayo yung tungkol kay Trevor diba? hindi niya ginawa yun dahil gusto ka lang niya makatrabaho kungdi mahal ka niya. sayo lang siya naging maligaya. at ang sabi niya sa 'kin, kung gusto ka pa niyang mapatawad, ibigay mo sa kanya ang favorite flower niya." sabi ni Rachel.
BINABASA MO ANG
My Arrogant Boss | Completed
Romansa"Don't let the people you love walk by you without letting them know how you feel about them." Si Donna, ang secretary ng mayabang na boss ng isang kilalang law firm na si Gabriel Calderon. Ayaw na ayaw niya ng ugali nito, pero anong magagawa niya k...