Chapter 24 "Ang Kasunduan"

2.8K 33 0
                                    

Mag-aalok si Donna ng tatlong kasunduan kay Sir Gabe. tanggapin kaya ni sir Gabe ito kapalit ng pakikipag-ayos ni Donna?

Donna Mendez Point of View

Pagkatapos kong magluto ng "Ham and Cheese Pasta" ay nilapag ko na yun sa mesa at tinawag ko na si sir Gabe para kumain ng tanghalian.

"Ayan senyorito kumain ka na." sabi ko.

"Senyorito?" tanong niya.

"Che! wag mo akong kausapin." sagot ko.

Hindi ako komportable habang kumakain ako. bukod sa nakatingin siya sa akin habang kumakain eh ang ingay pa niyang kumain.

"Yung totoo? ikaw ba yung maingay kumain o yung kutsara, tinidor at yung plato?" tanong ko kay sir.

"Sorry Donna." sabi niya

Patapos na akong kumain ay kinausap niya ulit ako.

"Donna, wala na ba tayong pag-asang magkaayos?" tanong ni sir Gabe. pero hindi ako sumasagot.

"Donna.. ano? meron ba?" tanong niya ulit kaya nabwisit na ako sa kanya. kaya hinampas ko ang kamay ko sa mesa at tumayo ako.

"Donna galit ka ba?" tanong ni sir Gabe.

"Gusto mong mag-kaayos na tayo? hmm.. sige papipiliin kita. contract o kondisyon?" sagot ko.

"Ha? ano bang sinasabi mo? anong contract o kondisyon?" tanong niya ulit.

"Contract. gagawa tayo ng kontrata na pipirmahan nating dalawa. kapalit ng pakikipag-ayos ko sayo. papayag akong makipag-ayos sayo at patatawarin kita sa lahat ng mga ginawa mong kalokohan, pero hindi na tayo magiging magkaibigan. but if you choose the conditions, bibigyan kita ng tatlong kondisyon." sagot ko.

"Ano naman yung tatlong kondisyon na yun?" tanong niya.

"Mamili ka muna sa dalawa. contract o kondisyon?" sagot ko.

"Ok sige. Kondisyon. and tell me what is the 3 conditions that i need to approve." sabi ni sir.

"Una, kailangan mong doblehin ang sweldo ko for next month. pangalawa, kalilimutan na natin ang mga nangyari nung past at yung tungkol kila Dana at Zoey. at ang panghuli....." gosh nakalimutan ko yung pangatlong kondisyon ko!

Isip isip isip!

10%

25%

50%

75%

100%

Ayun naalala ko na.

"Gusto kong magbago ka na. yung ugali mo. yung pagiging mapagmataas mo, masungit at mayabang. alam kong mahirap sayo na baguhin agad yun pero para naman ito sa sarili mo at sa firm. sabihin mo nga, matitiis ba ng mga empleyado ng firm ang ugali mo kung ganyan ka at hindi mo babaguhin? maske ako, kung hindi ka magbabago eh baka mahampas pa kita ng alarm clock! " sagot ko kay sir Gabe.

"Donna... yun lang ba?" tanong niya

"Ayan ka na naman eh. ano? papayag ka ba? sige ka gusto mo ba na ganito nalang tayo?" sagot ko.

"Okay. I'll try." sagot niya

"Wag mong subukan, gawin mo." sabi ko.

"Yea as i said. gagawin ko. dodoblehin ko na ang sweldo mo, we will forgot the past, and i'll try to be a good man for you." sagot ni sir.

"Sigurado ka? alam mo, yang ngiti mo na yan, that makes you a good man for me." sabi ko sabay ngumiti rin ako sa kanya.

"So Donna, babalik ka na sa firm?" tanong niya ulit.

"Sino naman ang nagsabing hindi na ako babalik ha? ikaw talaga.!" sagot ko.

"Sige. bukas na bukas, babalik na ako sa firm." dagdag ko pa.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gabriel Calderon Point of View

Sa sobrang tuwa ko ay nakuha ko pang yakapin si Donna.

Hay sa wakas at natapos na rin ang alitan namin ng Secretary ko.!

Akala ko nga eh hindi na niya ako mapapatawad eh.

na kahit sa tatlong kundisyon lang ako umasa ay sana matupad ko na ang lahat ng iyon.

Matapos naming kumain ni Donna ay ako na mismo ang nag volunteer na maghugas ng pinggan. siguro kung ako ang mapapangasawa nitong si Donna, baka ako lagi ang naka-duty para mag hugas ng pinggan at magluto. pero di bale. kahit na yun pa ang maging kondisyon ay tatanggapin ko, basta maging maayos lang ang relasyon naming dalawa.

"Donna, kakausapin ko si Dad mamaya kaya aalis ako." sabi ko.

"Ah. edi mabuti nang magkaayos na kayong dalawa. pero siguro naman hindi ka pa aalis." sagot ni Donna.

"ayun na nga eh. alam ko namang pag nakipag-usap na ako ngayon kay Dad, magkakaayos na rin kami. so wala na akong dahilan para mag-stay pa dito bukod sa nagkaayos na tayo." sabi ko.

"Sir Gabe, alam ko namang naging pabigat ako sayo. pero kung pupwede lang sana, na mag stay ka pa dito sa apartment ko ng mas matagal. ngayon kasi na realize ko na masaya palang kasama ka dito, hindi ako naboboring. kaya please. kahit isang linggo pa. dito ka muna." sagot niya.

"Kasama pa ba 'to sa kondisyon mo?" tanong ko.

"Hindi sir. sarili kong kahilingan ito. please. sir Gabe i need you." sagot niya sabay niyakap niya ulit ako.

"Sige na nga. hindi rin kita matiis eh. pero kahit ganito may kapalit, susundin ko 'to lahat basta sayo." sabi ko.

Dahil sa kahilingan ni Donna na mag stay pa ako sa apartment niya ay hindi nalang ako natuloy na pumunta kay Dad. instead, tinawagan ko nalang siya sa cellphone. at ayun, sa 10 minutes naming pag-uusap ni Dad ay nagkaayos narin kami at pinaalam ko rin sa kanya na kay Donna muna ako magse-stay dahil kailangan niya ako.

My Arrogant Boss | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon