Donna's Point of View
Flashback
Nagising ako nang maramdaman kong may nakadantay sa mga paa ko. Si Gabriel pala. Tumayo ako at hindi ko na siya ginising pa dahil alam kong inabot na naman siya ng gabi sa daan. Hindi ko na rin siya kinompronta nang magising siya tungkol sa nangyari dahil nakonsensya rin ako kahit papaano.
Nabalot lang ng katahimikan ang buong unit habang nagluluto ako ng almusal habang siya naman ay nanunuod lang ng TV. Napansin ko rin na tanghali na pero hindi pa siya prepared para pumasok kaya kinausap ko na siya.
"Wala ka bang balak pumasok? late ka na ah?" Tanong ko pero walang reaksyon. Matagal siya bago nakasagot kaya inulit ko pa ang tanong.
"Hindi ka ba papasok? anong oras na?" Napabuntong-hininga nalang siya tsaka unti-unting nagsalita.
"Wala. Luto na ba ang almusal?" Aniya tsaka tumayo sa kinauupuan para lapitan ako habang nagluluto. Tapos, biglang hawak sa dalawang balikat ko. Lumingon ako, nakangiti siya but i didn't smiled back. Wala ako sa mood.
"Galit ka pa rin ba sakin? gusto ko lang sanang---"
"Mag-sorry? okay lang sige... pinapatawad na kita..." Dugtong ko sa sinabi niya. Halos di mawari ang naging reaksyon niya nung sinabi ko yun. Parang ngayon lang siya naging masaya ulit after ng 6 months na naging kami.
"T-- talaga? Pin--pinapatawad m--mo na ako?" Putol-putol na tanong niya at tumango nalang ako't baka pumalpak na naman ang niluto ko pag nabaling ang atensyon ko sa kanya. Yumakap siyang muli, tsaka halik sa pisngi ko.
"I love you... i love you... Promise, i will never do that again, i swear cross to my heart..." At nag sign pa. Psh.
"Sige na.. tama na't baka masunog na naman 'to sige ka!" Sabi ko na bakas na rin ang ngiti sa mukha ko.
End of Flashback.
Mabilis lang ang mga nagdaang araw at hindi ko namalayang Magpapasko na. Kagagaling ko lang sa mall kasama si Gabe, nang madatnan kong andun si Yago at Felice. Nasurprise kaming dalawa lalo na si Gabe. Mahigpit na yakap ang ibinigay namin sa kanila na para bang isa iyong "Group hug" na tinatawag.
"Kanina pa kayo?" Tanong ko.
"Actually kanina pa pero hindi naman kami na-bore dito dahil na-enjoy naman naming manuod ng TV. Balita ko okay na kayo ah? ano kamusta?" Sagot ni Yago habang tinutulungan akong mag-prepare ng salad.
"Haist! kanino mo naman nabalitaan yan? Kay mikael noh!" Pagsingit ni Gabe habang nangangamote pa.
"Eh ano naman, at least may hatid-balita tayo dito diba!"
"Tama na nga yan guys, let's have fun!" Hindi ko inakalang magaling nang magtagalog 'tong si Felice. Di na rin nakakapagtaka dahil may boyfriend naman siyang magaling sa filipino.
Nagpatuloy lang ang mga araw sa pag hahanda namin para sa noche buena. Inabot rin kami ng kalahating araw para magluto. Then, nang sumapit ang gabi ay inenjoy na namin ang natitirang oras bago ang pasko, at hindi rin mawawala doon ang Exchange gift.
"Haaay! ano ba 'to?! baso?! kanino namang nanggaling 'to? ang mahal ng niregalo ko tapos eto lang ang matatanggap ko?" Disappointed na sinabi ni Gabe nang matanggap niya na ang regalo. Marami kasi kaming sumali doon, kasama na yung mga closest friends ko sa opisina pati na rin yung Jeproks Wonderful este Jeproks Trios (Pinalitan na namin ang pangalan ng group nang maging kami ni Gabriel.)
Tumawa na lang kami at nagpatuloy lang ang pagpapalitan namin ng regalo hanggang sa dumating ang oras na ako naman ang makakatanggap ng regalo. Curious ako kung kanino nanggaling 'to dahil parang pang regalo ng patay eh.. Black kasi yung gift wrap na ginamit kaya parang nakutuban naman ako ng masama. Habang si Gabriel naman ay napansin kong natatawa pa habang tinitignan ko ang bawat sulok ng regalo.
BINABASA MO ANG
My Arrogant Boss | Completed
Romansa"Don't let the people you love walk by you without letting them know how you feel about them." Si Donna, ang secretary ng mayabang na boss ng isang kilalang law firm na si Gabriel Calderon. Ayaw na ayaw niya ng ugali nito, pero anong magagawa niya k...