Chapter 13 "Ang Diary about my dearest Boss"

4.5K 56 2
  • Dedicated kay Harvey Specter
                                    

Parang "Diary ng Panget" lang. joke..!

Donna Mendez P.O.V.

Pagkahatid namin ng magbabarkada (Rachel, Dina, ako tsaka si Mikael) kay sir Gabe sa apartment niya ay umuwi narin ako sa sarili kong apartment. another boring moment na naman 'to dahil nagsi-uwian na ang tatlong kasamahan ko. nang nakapasok na ako sa loob ng apartment ay sandali akong umupo sa sofa. pero may nakita ako na notebook na nakapatong sa mesa. walang laman. at may naka-ipit pa na sticky note na nakasulat ay:

"Make a diary about someone who makes your life different."

ewan ko kung kanino galing yun. sinusubukan ko ngang alamin kung kanino galing ang notebook pero hindi ko nakilala kahit sa writing lang. hmp! di bale na nga. hindi na siguro mahalaga kung kanino galing yun. ... ... iisipin na naman ng iba na isang secret admirer ang nagpadala nito. ah basta! idadaan ko nalang sa sulat ang story namin ni sir Gabe.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Diary Content

"Ang Diary about my dearest Boss" by Donna Mendez

Here i will share what i've been experience from my arrogant and rugged boss.

March 29, 2014

Dear Diary,

Si sir Gabe ang sakit ng ulo ko since birth! inatake na naman ako ng headache kanina sa ospital dahil sa mga pinagsasasabi sa 'kin ni sir Gabe.

Alam ko namang may feelings siya sa akin pero bakit kailangan ako pa yung magpakita sa kanya ng ganun? natatakot kaya siya na baka bastedin ko siya... gumawa na ako ng maraming palusot at butas para tigilan na niya ako pero.. wala eh. obsessed na talaga siya sa 'kin. hah..! nakakaasar talaga siya kahit kelan. di bale. ang mahalaga ok na si sir Gabe. pero ang sabi ng doktor, wag ko daw siyang bibigyan ng konsumisyon. eh dun pala nagmula ang pagkaka-collapse niya eh. ngayon ewan ko diary kung ano ang gagawin kong paliwanag sa kanya once na gumawa ako ng kapalpakan. magsisinungaling ba ako o sasabihin ang totoo?

ay ang gulo ko !! basta. trabaho nalang ang iisipin ko.

Friendship is free, but love has a replacement value.

!!

#2

Dear Diary,

May nag send sa akin ng notebook na walang laman. pero may naka dikit na sticky note na nagsasabing gawin ko daw iyon bilang diary at i dedicate ko to sa taong nagpabago ng buhay ko. isa kaya siyang secret admirer? o isang sir Gabe na gustong malaman kung ano ba ang nararamdaman ko everytime na makikita ko yung taong dinededicate ko sa diary na ito.

!!

#3

Dear Diary,

I was listening to a song ni Dennis Trillo na "Kailanman" while writing this. dito ko naalala ang pinaka awkward na moment na nangyari samin ni sir Gabe. gabi na nun at kagagaling ko lang sa isang birthday party ng kapatid ng pinsan ko. lasing ako nun at nakainom. halos padaskol-daskol na ang lakad ko dun at nakita ko si sir Gabe sa daan at naglalakad din. i was accidentally putten my arms in his shoulders. pero i know na hindi siya bumitaw.

"Donna ano bang ginagawa mo? lasing ka ata. huh ayoko nang....." sabi niya.

"ahh... alam ko na yang tinutukoy mo... (sabay tinuro ko yung ilong niya. huh si roxanne yata tong nasa katawan ko!) ayaw mo nang maulit yung nangyari satin dati hano?" ang pagkakaalam ko na sinabi ko sa kanya.

"tara na. umuwi na tayo. alam ko na ang bahay mo."

"pakialam ko kung alam mo na ang bahay ko.?" sabi ko.

Huh halos hindi ko na naintindihan ang mga pinagsasasabi niya Diary. parang qwertyuiopasdfghjklzxcvbnm lang ang laman ng utak ko nun sa sobrang kalasingan! eh pagdating namin sa apartment ko ay binigyan niya ako ng pera. pang gastos niya. nakakaasar. tinapon ko ata sa harapan iyon at pinaalis ko siya! kung hindi lang sana ako naglasing ay tinanggap ko talaga yun at nanghingi pa sana ako ng sobra! awkward o corny?

!!

I'm already 30 years old. at sa 30 years na naninirahan ako dito sa mundo eh ang dami nang nangyari na awkward sa buhay ko. pero sa dami dami ng taong naging close sa akin eh si sir Gabe pa ang pinili kong idedicate para sa diary na ito. kasi alam ko sa sarili ko na siya lang ang tanging nagpabago ng ugali ko, ng habbit ko, ng buhay ko. kahit na ganun siya kayabang, kasungit, kalandi..., eh hindi ko naman makakalimutan ang mga nagawa niya sa 'king kabutihan. TENK U A LOT SIR .... AND TENK U DIN SA SECRET ADMIRER NA NAGPADALA NG NOTEBOOK NA ITO..! ALA WATTPAD NA TO! KASI KAHIT SA GANITONG PARAAN EH NA I-SHARE KO YUNG EXPERIENCE KO SA TAONG MAHALAGA SA AKIN..

Thank You Ulit!!

-Donna.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Matapos kong isulat ang diary na umabot hanggang part 3 ay iniwan ko ulit iyon sa mesa. at umalis ako sandali para bumili ng mga ingredients para sa recipie na lulutuin ko mamaya :)

TO BE CONTINUE IN CHAPTER 14

My Arrogant Boss | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon