Chapter 23 "My Sister-in-Law"

3.2K 34 0
                                    

Yago De Guzman Point of View

Hating gabi na at hindi pa ako makatulog kakaisip sa nanyaring Date namin ni Felice. sobrang saya namin nun. yun na yata ang hindi ko makakalimutang Experience ko. kumain kami sa isang restaurant, pagkatapos dinala ko siya sa part at binasahan ko siya ng paborito niyang manga.

Ngayon, gusto ko sanang tawagan si Felice kaso alam kong tulog na siya. ayoko naman siyang istorbohin eh.

Maya't-maya ay biglang may kumatok sa pintuan at pinuntahan ko naman.

"Ikaw?!"

"Oo ako nga. kamusta ka Santiago De Guzman?" Bungan sa'kin ni Louie.

"Walang hiya ka may gana ka pang pumunta dito pagkatapos mo akong sesantehin noon? ang kapal mo rin ano?" sabi ko.

"Relax lang 'tol. hindi naman ako pumunta dito para makipag-resbakan sayo." sabi niya.

"Eh ano naman ang ginagawa mo dito?" tanong ko.

"nandito ako para sabihin sayo na kailangan ko ng bagong associate. my associate has been retired. alam ko namang ako ang nagkamali sa pagkaka-sesante mo noon. so, kung papayag ka, since wala ka namang permanenteng trabaho, ikaw sana ang gusto kong pumalit sa nag-retire kong associate." sagot ni Louie.

"Ha? anong ibig mong sabihin? sa firm na ako magtatrabaho?" tanong ko.

"Exactly. sa firm ka na magtatrabaho, kasama ko." sagot niya.

"at paano naman ako makakasigurado na hindi mo ako lilinlangin ha?" tanong ko ulit.

"Hmm... ok. dodoblehin ko ang sweldo mo. also, may sarili kang opisina. Yago, trust me. kung gaano mo ako pinagkatiwalaan noon, sana subukan mo na pagkatiwalaan mo ulit ako ngayon. Please Yago." sabi niya.

---Isip isip isip---

5 Minutes Later...

"Sige, susubukan kong pagkatiwalaan ka ulit. ayoko na rin kasi ng gulo eh." sabi ko sabay nakipag-shake hands ako sa kanya.

Susubukan kong kalimutan ang mga away at gulong nangyari sa aming dalawa ni Louie. dahil gusto ko na rin ng peace at maayos na buhay at magandang relasyon ko kasama ang mahal kong si Felice.. kasi nga, naniniwala ako na habang may buhay ang isang tao, pwedeng magpatawad.

Kinabukasan ay niyaya ko si Felice sa cross avenue. at habang naglalakad kami ay nasalubong namin si Donna at ang kapatid ni Felice na si Gabriel.

"Insan anong ginagawa niyo dito sa labas? saan kayo pupuntang dalawa?" tanong ko.

"Pupunta sana kami ng Supermarket eh... boring kasi sa condo eh 'tong kasama ko boring rin. ikaw ba si Felice na kapatid nitong si sir Gabe?" tanong ni Donna

"Yes ate and i know you're Donna his secretary. you know guys, bagay kayo. kayo na ba?" tanong ni Felice.

"Aah.. H.. hindi ah... magkaibigan lang kami nitong kapatid mong sobrang yabang." sagot ni Donna.

"Sandali Donna, ano bang nangyari jan sa paa mo?" tanong ko.

"Ano pa ba edi nabubog ng plato." sagot niya.

"Bakit nag-away ba kayo ni ser?" tanong ko.

"Hindi ah... basta.. sige na kailangan na naming umalis. kailangan kasi naming makaabot sa big discount sa supermarket eh... sige na.. bye." sabi ni Donna sabay umalis na sila ni Gabriel.

Balak ko pa sanang sabihin ang tungkol sa pagbabalik ko sa firm kaso mukhang nagmamadali sila eh.. di bale. itetext ko nalang sila para naman hindi sila maabala!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Donna Mendez Point of View

After naming makipag-chismisan kila Yago at sa kapatid ni sir Gabe na si Felice sa kalsada ay dumeretso na kami ni sir Gabe sa supermarket.

oh syet muntik na kaming hindi abutan ng huge discount...

buti't ginanahan ang paa kong tumakbo papunta dun..

"as i told you, tumakbo tayo.. see? nakaabot tayo sa discount na sinasabi mo. last five minutes nalang kasi eh.." sabi ni sir Gabe habang nandun kami sa discount booth.

"Oo nga. dahil kung hindi tayo umabot, ikaw ang magbabayad ng lahat ng bibilin natin dito." sabi ko sabay kinuha ko na ang discount card.

"iba talaga pag ako ang kasama mo." narinig ko pang sinabi niya.

"may sinasabi ka?" sabi ko, kunwari ay hindi ko siya narining.. pero hindi siya sumagot at nginitian niya nalang ako.

Lumalabas na naman ang pagiging mayabang nitong boss ko.!

agad na kumuha si sir Gabe ng isang malaking cart. pero napigilan ko siya. dahil ang balak ko lang naman kunin ay isang maliit na cart eh.

"Relax Donna. don't worry, ako ang magbabayad ng mga kukunin ko dito. Promise." sabi ni sir Gabe.

"Promisin mo yang mukha mo. alam mo, minsan ka lang tumupad ng mga ganyang pangako eh. kaya wala akong tiwala sayo." sabi ko.

"Really? paano kung ngayon totohanin ko? gusto mo doblehin ko pa ang ibabayad ko sayo?" tanong ni sir.

"Ang yabang mo naman... akala mo naman may pera ka." sagot ko.

"Yes i have, i'm sure mas marami pang akong dalang pera kesa sa dala-dala mo." sabi ni sir.

"Hmp! maiwan na nga kitang mayabang ka!" sabi ko.

Kuha dito, kuha doon ang pinaggagagawa ni sir Gabe sa supermarket. siguro naman siya ang magbabayad nun. at kung hindi, bahala siya sa buhay niya!

Matapos naming mamili sa supermarket ay umuwi na agad kami. at as usual, pagod na ang alalay ko na si sir Gabe.

"Grabe ka Donna, akala ko hindi na ako makakauwi ng buhay." sabi ni sir

"Talaga?" tanong ko.

"Anong talaga? paano ba naman kasi, bukod sa ako ang nag-aalalay sayo dahil sa sugat mo sa paa, ako pa ang pinabitbit mo ng mga pinamili mo." sabi niya.

"Pinamili ko? huh baka pinamili mo. hoy excuse me mr. calderon, tignan mo nga yang mga pinamili natin?! eh mas marami ka pang pinamili kesa sa akin! grabe ka naman!" sagot ko.

Hiniwalay ko agad ang mga pinamili ko sa mga pinamili niya at pagkatapos nun ay nagpalit na ako ng damit... sa cr.

Habang nasa cr ako at nagbibihis ay kinausap pa ako ni sir Gabe habang nasa labas siya.

"Donna, hindi ba sinabi ng pinsan mo na sa firm na siya magtatrabaho kasama si Louie?" tanong ni sir.

agad akong lumabas ng cr.

"Ha? talaga? eh... hindi niya nabanggit sa akin yun kanina ah.. buti nalang at nagkaayos na sila ni Louie. ilang taon na rin kasi silang hindi nagkakaayos eh." sagot ko.

"Eh tayo? may pag-asa pa?" tanong niya ulit.

"Ano? pag-asa?"

tapos bigla kong pinaandar ang tv at inilipat ko sa weather channel.

"Ayan ang PAGASA. yan nalang ang panuorin mo at baka sakaling may pag-asa ka pa. Alam mo sir Gabe, hindi naman kita pinatuloy dito sa apartment ko dahil sa pag-asang sinasabi mo. kaya ko 'to ginawa kasi, gusto kong mabago ang ugali mo. Kahit kelan ka talaga. kung ako mag-aasawa, hindi nalang ako papatol sayo. dahil ayokong mag-asawa ng sobrang Yabang na katulad mo. palagi mo nalang pinag-mamalaki ang sarili mo. akala mo naman may ipagmamalaki ka." sabi ko.

"Siya nga pala, yung si Felice na kapatid mo. mukhang mabait. at baka siya nalang ang pagkasunduan natin." sabi ko.

Dumeretso na agad ako sa kitchen para magluto ng tanghalian naming dalawa.

kahit na gaano pa ako kataray kay sir Gabe ngayon, At least, mabait parin ako diba?

TO BE CONTINUE IN CHAPTER 24

My Arrogant Boss | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon