Chapter 47 "4 Pics, 1 Word"

1.2K 6 0
                                    

Donna's Point of View

Excited ako ngayong pumasok sa work. Pero medyo masama ang pakiramdam ko lalo't hindi maayos ang paglalakad ko. Di bale, kering keri bells naman ito ng lola niyo.
After kong maghintay ng sobrang tagal sa elevator, sa wakas bumukas na rin. Haiistt.. Kakapagod ang init init pa sa loob as in sandwich na sandwich na ako dun eh! Mabilis naman akong tumungo sa mesa ko para tignan ang schedule ni Gabe. May meeting pala siya sa hapon kaya pala inabisuhan niya ako na hindi susunduin para makapunta dun sa bahay namin. Buti nalang talaga at nagbigay siya ng kapirasong papel para sa address ng bahay. Excited na talaga ako!! Ito na ang katuparan ng pangarap koooo!! Lol

"Hoy ikaw ba yung secretary ni Gabriel?" May isang boses akong narinig mula sa aking harapan kaya napatingala ako at itinigil ang pagta-type. Hindi ko siya kilala, pero sa itsura palang, Mukhang mapera at mayaman... At kung maka-Gabriel ah? Ano feeling close teh?

Taas kilay lang akong nakatingin sa mga mata niya at hindi ko siya sinagot. Patuloy lang ako sa pagta-type. Pero bigla nalang niyang kinalabog ang harap ng mesa ko kaya napikon na ako sa kanya.

"Ano bang problema mo ha? Kung galit ka sa mundo, wag mo sakin ibunton kasi marami pa akong ginagawa. Okay?" Mataray na sinabi ko sa bruhang iyon. Kasabay nun ay tinanggal niya ang shades nito at tumingin sakin ng masama.

"And you? Huh, THE HELL." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Isang kutong-lupang nagpakulay ng mumurahin na hair dye, I'm just asking you if you were Gabe's Assistant. Then you'll ignore me and now you will ask if what's my problem? Baka ikaw ang may problema?" Aba talagang makapal ang blush on nitong isang 'to ah? Gusto niya atang makatikim ng sampal nang pumantay ng minsan?

"Wag mo kong tawaging kutong lupa. At mas lalong hindi ako nagpakulay ng buhok! And that is one of the reason kung bakit ako nagustuhan ng BABE ko." Mapag-mataas kong sagot sa kanya. Alam ko naman kasi sa itsura niya na gusto niyang pumapel kay Gabe kaya talagang diniinan ko ang pagkakasabi ng BABE.

"Oh really? dahil lang diyan sa buhok mo pinagmamalaki mong nagustuhan ka niya? How if yun lang ang dahilan kung bakit ka MINAHAL NG BABE KO?" Sinasabi ko na nga ba e, may babae 'to! Kaya pala ginagabi ang akala ko kina Jennica siya pumupunta! Yun pala sa iba! Humanda silang dalawa sakin.

Hindi na ako nakapag-pigil pa at hinila ko ang buhok ng babaeng yun saka ko siya sinabunutan sa gilid. At dahil sa lakas ng pagkakahila ko sa buhok niya ay napahiga na siya sa sahig. During that moment, meron akong isang naalala na ganitong-ganito ang nangyari mga 5 years ago.... OO SI MS. SUGPO! I'm right! pero bakit parang namumukhaan ko ito?

(read "The Other Time" for the whole scene)

"Magsitigil nga kayo! What the hell are you doing?!" At sa wakas, pumagitna narin si Gabriel. And there, siya naman ang sinampal ko.

"Donna?"

"Walang hiya ka! Sino 'tong babaeng ito?! Kaya ka pala ginagabi ng uwi, dahil lang diyan sa HITO na yan ha!!!" Nanggagalaiti kong sigaw at halos wala na akong pakialam kung may makarinig pa ng awayan namin. Sige readers, War freak na kung war freak. Pero boyfriend ko ang inaagaw eh! Papayag ba akong kunin siya sakin?!

"Anong sabi mo, Hito? Hoy excuse me, In my smooth and glamorous look, Ikaw lang ang mag-dedare na magsabi sayong hito ako! Dahil mismo sa sarili mo, Hindi mo kayang ayusin ang sarili mo! Pweh! Kadiri ka, Hindi ko alam kung anong pinakain mo kay BABE ko at nagustuhan ka niya!" Bwisit 'to talaga!!

"NATALIA Stop! Ano bang sinasabi mo?! Hindi kita girlfriend! Si Donna ang mahal ko at hindi ikaw! Ni isang beses, hindi ako nagkaroon ng afair sayo kaya kung pwede, umalis ka na dahil nabubwisit ako sa mga taong pilit na bumabalik from the past!" Tumingin ako kay Gabriel at parang nakonsensya pa ako. Tama bang ginawa ko yun nang walang katibayan? Sa mukha palang kasi ni Gabe ay nakikita kong seryoso siya sa sinasabi niya na ako ang talagang mahal niya. Kaya kumapit ako sa kanya ng mabuti sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit para naman mapahiya yung Nata--- Teka sandali, Natalia? parang kilala ko 'to ah?

My Arrogant Boss | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon