Chapter 56 "Two Lines"

2K 9 1
                                    

Donna's Point of View

"Kayong dalawa, pinagtutulungan niyo ba ako? Porket naduwal lang ako ng konti, buntis agad? Ha?"

"Bakit Sweetie, ayaw mo ba nun?" Sabi pa nito. "Para hindi na malungkot si Iris, may kapatid na siya. Malay mo Junior pa 'yan diba?"

Lumapit ako sa kanila. "Hindi naman sa ayaw ko pero katatapos lang natin sa napakahirap na problema. If ever na mabubuntis ako, mas matinding gastos ang magiging problema natin. Tsaka paano ka naman nakakasigurong buntis nga ako aber? "

Nakita kong kumuha si Gabriel ng pera mula sa wallet niya sabay bigay sa akin.

"Eto, bumili ka ng pregnancy test. Kapag positive, ibalik mo sa'kin ang pera ah!" At talagang hinamon pa ako nito ah?

Hindi na ako nakasagot pa at lumabas na ako. Kasama ko si Zoey, pumunta kami sa kalapit na pharmacy upang bumili ng pregnancy test. Habang palakad papunta dun, unti-unti akong nakakaramdam ng kaba. Yung feeling na sana hindi ako buntis? I don't know why i'm thinking like that maybe it's not the right time for us to have a child again. Ni hindi ko pa nga napapaaral si Iris, manganganak pa ako?

Biglang napansin ni Zoey ang reaksyon ko. "Bakit mukhang hindi ka masaya diyan? Ayaw mo bang magkaroon muli ng anak?"

"Hindi ko alam, Zoey. Parang hindi pa ako ready." Sabi ko.

"Naku wag mo ngang isipin 'yan. Kung pera lang ang problema mo, marami kang kaibigan na pwedeng lapitan. Ako, in case na kailangan mo." Hindi parin ako kumbinsido. Kahit pa pera ang pangunahin kong problema, hindi rin mawawala ang tinatawag na "Stress".

"Paano naman ang stress neneng?"

Tinipid na siya ng sagot. "Just manage your time."

Sabihin niyo nga sa pagkakaroon ng anak, kailangan bang i monitor mo yung oras kung kelan iiyak at kung kelan dudumi ang bata ha?!!! Hindi natin alam, baka in the next few hours, bigla nalang 'yang magugutom at madudumi! Hay pisti ka diha day!

Hindi ko nalang siya kinausap, instead, dire-diretso nalang akong pumunta papuntang pharmacy. Pero sa kasamaang palad, naabutan ko nalang doon ang guard na nakaupo sa gilid at ang pharmacist na nag-aabang na ng sasakyan. Sobra na kaming ginabi sa pag-aaway namin ni Zoey kanina! Pero di bale, buti nalang. Baka mamaya talagang hindi naman ako buntis, nagsayang pa ako ng pera para lang bumili ng pregnancy test.

Dahil gabi na rin, nauna na sa'kin si Zoey at mag-isa nalang akong umuwi. There, naabutan ko yung dalawang tulog habang naka-on ang TV. Hindi ko pa rin pinatay dahil gusto ko pang manuod. Boring ang mga palabas ngayon pero may isang channel na nakapukaw ng atensyon ko. Ang topic kasi ay Pregnancy and Child Birth.

Sinasabi doon na ang mga explinations kung paano nabubuo ang bata matapos ang pagcho-chorva. Kesyo pag nagtagpo daw ang sperm at egg cell mabubuo na daw etetchiwa.... Hanggang sa umabot sa pinaka-main topic, ang sign ng pagbubuntis.

Maraming binanggit ang babae doon. Pero ang isa sa mga naagaw ng aking atensyon ay ang Pagsusuka at Hindi pagkakaroon ng menstrual period ng halos isang buwan. Kung sila, sinasabi nilang isang buwan, ako Two Months na! Shet, bakit ngayon ko lang napansin?

Tumakbo ako papuntang banyo. Doon naghagilap ako ng kung anu-ano na pwedeng gamitin upang malaman kung buntis nga ako. At sa tagal ng paghahanap ko, nakakita ako ng isang pregnancy test na nakatago sa loob ng empty soap dish. (May takip kasi)

Sinubukan ko 'yon kung pwede pa. During that time sobra akong kinakabahan. Paano nalang kung two lines ang lumabas doon? Matutuwa kaya ako?

Hindi nagtagal ay nag-ring ang phone ko. Mabilis ko namang sinagot 'yon dahil nasa banyo ko rin naman ang cellphone.

"Hello?"

[Donna, gising ka pa pala?] Si Rachel.

"Friend oo. Pero atin atin lang 'to ah? Kanina kasi naduwal ako. Tapos ngayon napansin kong dalawang buwan na akong hindi nagkakaroon. Ano kayang ibig sabihin nun?" Painosenteng tanong ko.

Nagulat naman ako sa expression niya. [OMG! Don't tell me buntis ka!]

"Hindi ko nga alam kaya eto, nagpre-pregnancy test ako. Kinakabahan nga ako, Rachel." Sabi ko.

[Bakit ka naman kinakabahan? Dapat nga matuwa ka pa eh---]

Hindi ko na narinig pa ang iba niyang sinabi sa telepono at bigla ko itong naibagsak ng makita ang resulta ng pregnancy test. Totoo ba ito? Sobrang nanginginig ang mga kamay ko habang tinitignan iyon.

"Sweetie, anong ingay diyan?" At nagising pa si Gabriel. Paano na 'to? Anong gagawin ko pag nalaman niyang... Positive ang lumabas?

Umiiyak akong nakatingin sa salamin at sobra na akong naguguluhan sa mga nangyayari. Oo noon pinangarap naming magkaroon ng sariling anak, pero ng dumating si Iris ay natupad na lahat ng iyon. Bakit sobra sobra naman yata ito?

"Donna..."

"Gabriel..." Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Kitang kita sa mukha ni Gabe ang curiosity sa nangyari.

"What's that?" Tanong niya sabay tago ko naman sa likod ko. Ayokong ipakita sa kanya ito. Not now.

"Oh Donna, please? May tinatago ka ba sa akin?" Hindi ako makasagot sa sobrang frustration. I don't know what to do, I'm trapped.

"I'm so sorry, Gabe. I'm sorry."

He wondered. "Why're you saying sorry?"

Wala na akong nagawa kungdi ipakita sa kanya ang pregnancy test tutal bistado niya na rin ako at wala ng dahilan para magdahilan. At talagang opposite kami ng naging reaksyon. Kung ako, gulat na gulat siya rin gulat. Gulat as in surprised!

Mahigpit niya akong niyakap na halos maipit na ang internal organs ko. I cried a lot with mixed emotions. Anger and Stupidness.

"I'm so happy, my wishes granted! Thank you, Donna. You make my life so brilliant!" Aniya sabay halik sa akin.

Sa pagkakataong ito, sinubukan kong ngumiti at tanggapin nalang ang resulta at bunga ng pagmamahalan namin. Hindi ko na rin mababawi ang lahat dahil buhay na rin ang laman ng sinapupunan ko. Pero sana sa darating na nine months, hindi kami magsisi na nangyari ang lahat ng iyon na naging dahilan ng pagkakaroon namin ng Bunso.

TO BE CONTINUED IN CHAPTER 57.

Too short? Well, sensya na wala akong experience dyan! Lol

Bawi nalang next chap, I'll make it longer...

Last 4 Chapters!

Ano kayang magiging ending ng kwento uh? May idea na ba kayo?

Okay lang kahit hindi kayo mag comment below, sagutin niyo lang ang tanong ko on your mind. =)

-IownyouB :-*

My Arrogant Boss | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon