Guys this is the final! Alam ko medyo nabadtrip kayo sa pagkawala ni Donna but this, will make the ending better.
Gabriel's Point of View
Sobra akong nangungulila ngayon sa pagkawala ni Donna lalo't nagkaroon pa kami ng mga anak. Hindi ko lubos malaman ang gagawin ko ngayon at kung paano ko palalakihin ang mga bata ng walang ina. Kawawang mga anak ko. Kung makahanap man ako ng bagong makakatuwang sa buhay, sana kasing bait siya ni Donna at sana mahalin niya ang anak ko kagaya ng pagmamahal niya sakin.
Andito ako ngayon sa condo ng mahal ko kung saan namin napag-desisyunan nila Dad at mga kaibigan niya na ilagay ang abo nito.. Ilang linggo ko na rin kasi siyang hindi nakakapunta dito kaya nilubos-lubos ko nang dalahan siya ng maraming bulaklak at karamihan sa mga bulaklak na dinala ko ay ang mga paborito niya. Maya-maya ay biglang nag-ring ang phone ko kaya sinagot ko ito.
[Gabriel...]
"Jennica? bakit anong problema?"
[Walang problema ang firm, Gabriel. Gusto lang kitang papuntahin na dito ngayon dahil may ipapakilala ako sayo.]
"Ha? Sino?"
[Basta. Pumunta ka nalang dito, matutuwa ka.]
Curious ako ah? Sino ba kasi yun? Tsaka alam naman ni Jennica na kagagaling ko lang sa matinding trauma, tapos may ipapakilala na naman siyang iba? Malakas ang kutob kong hindi kliyente yun eh. Kaya nagpaalam na muli ako kay Donna tsaka ako dumeretso sa opisina.
Fast Forward
Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa opisina at ngayon ay narito ako sa elevator. Masiglang bati ang sinalubong sakin ng mga taong kasama ko doon. Pero hindi mawala sa mukha ko ang kaba na nararamdaman ko kanina pa nang tawagan ako ni Jennica. Hindi ko mapaliwanag kung bakit ako kinakabahan pero parang may something na mali eh.
Paglabas ko ng elevator ay tumungo na ako sa office ko. Akala ko kasi andun si Jennica pero wala rin pala. Siguro nasa conference room kaya yun naman ang pinuntahan ko.
"Pare kamusta?" Bati sakin ni Mikael habang kasama ko sa paglalakad.
"Ewan ko ba. Hindi pa rin ako maka-move on sa pagkamatay ni Donna." Sabi ko.
"Ako rin naman eh. At lahat ng taong nagmamahal dito kay Donna, halos mahimatay nang malamang wala na siya. Nakakapang-hinayang. Marami sigurong pangarap si Donna para sa inyo ng anak mo noh?"
"Sinabi mo pa...."
"Saan nga ba punta mo ngayon brad?" Tanong niya.
"Sa conference room. Tumawag kasi sakin si Jennica kanina. Ang sabi, may ipapakilala daw siya sakin at sigurado daw na matutuwa ako. Mikael, nakita mo na ba yun?" I asked. Napansin ko sa mukha ni Mikael ang confusion and curiosity. Siguro ganun rin ang nararamdaman niya kaya di ko na hinintay pa ang sasabihin niya.
"Di bale na nga lang, samahan mo nalang ako papunta dun..." sabi ko.
Mabilis kaming naglakad papuntang conference room at pagdating dun ay unang pinasilip ko si Mikael sa pintuan nito. At pagharap niya sakin, isang napaka-wirdo na tingin ang ibinigay niya.
"What happened?"
"Hindi ako makapaniwala... Siya nga...."
"Siya nga? Sino?" tanong ko.
"Mr. Gabriel Calderon, Good morning." Lumabas mula sa conference room si Jennica habang nakangiti ng malapad. Napansin ko rin na siya lang ang hindi curious sa sitwasyong ito... I don't know what to do with that big fat butt... shet.
"Good morning Jennica. What's happening? Bakit parang curious kaming dalawa ni Mikael diyan sa pakikilala mo? Sino ba yun?" Tanong ko kay Jennica na lalong nagpalakas ng tibok ng puso ko.
"Bakit nga ba kayo nacu-curious sa kanya? Alam mo, hindi man siya kagaya ng babaeng minahal mo ng halos limang taon, siya naman yung masasabi mong maipagmamalaki mo at mamahalin ka ng husto. But before that, ipakikilala ko muna siya sayo. Follow my steps." Ani Jennica kaya sumunod ako sa kanya.
Si Jennica na mismo ang nagbukas ng pintuan para sakin at doon ko nadatnan ang isang babae na nakahalumbaba habang nakatakip ang kanyang ilong at bibig ng kanyang mga kamay. Redhead siya, maputi at maganda. Doon ko naalala si....
"DONNA? WHA-- WHAT'S THIS?" Halos malaglag ang panga ko nang makita ko ang itsura ng babaeng iyon. Si Donna... siya si Donna. Pero napaka-imposible naman dahil wala na siya diba? How does it happened?
"Have a sit, Gabriel." Sabi sakin ni Jennica at napaupo naman ako sa tapat ng babaeng iyon. "I would like to introduce you, Ms. Cecilia Pelaez, General Partner of Pelaez-Spencer Law Firm."
(A/N: Si Cecilia sa side)
Nang marinig ko ang pangalang Cecilia at makita siya ng husto, sobra kong naalala si Donna. I know she's different from Donna that i love, but i think this is the right sign na binigay sa'kin to help moving on from the past. Oh Cecilia, you look like Donna, you're breaking my heart.
Tumayo siya mula sa kinauupuan niya para makapag-pakilala sa akin. "Hey Mr. Calderon, I'm Cecilia Pelaez, I'm so glad to meet you. How was your day?" Tanong niya. Hindi naman ako nakasagot agad dahil speechless parin ako.
Tinignan ko siya from Head to Toe. Medyo maputi lang ng konti 'tong si Cecilia pero kuhang-kuha niya lahat ng physical appearances ni Donna including facial expressions.
"Mr. Calderon?" Then she tapped my shoulder. "What's wrong?"
Umiling lang ako. "W-wala... medyo nabigla lang ako eh..."
"I know it's so hard to move on lalo't nawalan ka ng secretary. But i'm here to help you." Aniya.
"Yeah but she's not like other secretaries. She must be my future wife. And now i don't know what's the reason why i'm still here in this world now she's gone." Sabi ko naman na pipigil-pigil sa pagpatak ng aking mga luha.
"Oh... Pardon.. But maybe there's a reason why. You should start again." She got a point. Pero sino at ano naman ang dahilan para mangyari ito? Gulong-gulo man ang isip, pero pinilit ko paring tanggapin ang consequences. Kung ano man ang dahilan, malalaman at malalaman ko rin iyon.
Cecilia made my day. At sa iksing panahon na nakausap ko siya sa conference room, doon ko nakalimutan lahat ng sakit na naramdaman ko nang mawala si Donna. Feeling ko parang bumalik na muli ang Gabriel Calderon na mahilig magkwento ng mga kayabangan sa buhay. At hindi siya naaasiwa doon. I think...
I'm in love... again...
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
My Arrogant Boss | Completed
Romance"Don't let the people you love walk by you without letting them know how you feel about them." Si Donna, ang secretary ng mayabang na boss ng isang kilalang law firm na si Gabriel Calderon. Ayaw na ayaw niya ng ugali nito, pero anong magagawa niya k...