Donna Mendez Point of View
Kinabukasan ay maaga akong tinawagan ni sir Gabe para agad na pumunta sa opisina. at pag dating ko dun ay pinag-usapan naming dalawa ang ginawang pandarambong ni Stephen sa trial.
"So how's going last night? paano ka naman nakipag-break sa boyfriend mong sira-ulo?" tanong agad ni sir Gabe sa akin.
"Sir akala ko ba eh pinapatawad mo na ako sa hindi ko pagsunod sayo? anong klaseng tanong 'to?" sabi ko.
"Oo nga. pinapatawad na kita about it. I'm just asking you kung ano ba ang sinabi mo sa kanya kagabi bago ka umuwi?" sagot niya.
"Ah... eh... Wala. nakipag-break lang ako sa kanya." sagot ko
"are you sure?" tanong niya ulit.
"Sinigawan ko siya... minura... sinampal. yun lang." sagot ko ulit. hindi na siya nakapag-salita pa at tila parang hindi naniniwala sa mga sinasabi ko. gusto pa yata neto eh siya pa ang pagsasampalin ko!
"Kung ayaw mong maniwala, hindi naman kita pinipilit. eh sir ano na ang plano natin kay Stephen? kakasuhan ba natin siya?" tanong ko.
"Of course. i will file a plunder case for him para sa mga ginawa niyang kalokohan at pag traydor sa firm." sagot ni sir Gabe.
"Eh alam ba ni Maam Jennica 'to?" tanong ko ulit kay sir pero biglang pumasok si Maam Jennica sa office ni sir.
"I know it. so ikaw lang ang hinihintay ko para pirmahan 'tong mga papeles para sa iaahing kaso para kay Stephen Huxley (Huntley changed to Huxley)" sagot ni Maam Jennica sabay agad na inabot ni sir Gabe ang mga pipirmahang papeles at agad niyang pinirmahan yun. after niyang pirmahan ay may sinabi pa siya sa'kin.
"Donna i know na nagtatago na si Stephen. may alam ka ba na lugar na pwede niyang pagtaguan?" tanong ni sir sa akin.
"Sir 1 week palang naging kami. at wala naman siyang nabanggit na lugar o apartment na tinutuluyan niya eh. pero may "Traser" tong cellphone ko. pwede nating ma-trace ang lungga ni Stephen at baka magkasama pa sila ni Trevor." sagot ko.
"Sige Donna subukan natin. it can help para sabay na nating mahuli ang dalawa." sabat ni Maam Jennica. sabay umalis na si sir Gabe para i file na sa korte ang mga kasong isasampa kila Stephen and Trevor.
Lumabas na rin ako sa office ni sir Gabe para maghilamos sa cr. nang nasa cr na ako ay bigla kong nakita si Dana na naghihilamos rin at ngumiti siya sa akin.
"Hahahuh... hindi nakakatawa at mas lalong hindi ako apektado ng happiness mo Dana. nga pala, baliw na sa 'kin ang asawa mo. pwede bang pag-usapan niyo ang problema niyong dalawa ng tigilan na ako ni sir Gabe?" sabi ko kay Dana.
"Do you mean my ex-husband? matagal na kaming hiwalay. sinubukan ko lang na bumalik dito at nagbabaka-sakaling magkabalikan kami. pero mukhang wala na akong pag-asa. nung nag-inuman nga kami, ikaw lang ang bukang-bibig niya. siguro eto na ang tamang timing para mag let go. Donna, alagaan mo si Gabriel ha? Huwag mo siyang pababayaan. Damayan mo siya sa mga pinagdadaanan niya. alam kong iniiwasan mo siya pero sana hindi man ngayon, subukan mong buksan ang puso mo para sa kanya. sige na, aalis na ako." sabi ni Dana sa 'kin at umalis na siya ng comfort room.
Akala ko ba naman eh mauuwi na naman sa away ang pag-uusap namin ni Dana sa comfort room. pero bakit hindi sinabi sa akin ni sir Gabe na matagal na silang hiwalay ng asawa niya? kaya pala parang bale-wala lang kay sir Gabe ang tungkol sa relasyon nila ni Dana.
Paglabas ko ng cr ay sumalubong si sir Gabe sa akin.
"Sir ikaw pala. anong kailangan mo?" tanong ko.
"Donna if you want, can i barrow your phone? nasabi mo kasi kanina yung tungkol sa detector ng cellphone mo. i will try kung mahahanap natin si Stephen." sagot ni sir.
"Ah sige eto oh.." sabay iniabot ko sa kanya ang cellphone ko.
sinamahan ako ni sir Gabe hanggang sa labas. lumabas na rin ako sandali para mag shopping sa mall. (huh may gana pang mag-shopping matapos ang lahat?) no. gusto ko lang kasing malibang ang sarili ko at gusto ko man lang kalimutan ang mga nangyayari kahit sa sandaling oras lang.
Nang nasa mall na ako ay napunta ako sa Department store.. dito na naman lalabas ang pagiging fashionista ko. tingin dito, tingin doon. Wala namang pera. Lol pero di bale. i promised to myself na bibilin ko lahat ng makikita ko once na maibigay na ni sir Gabe ang sweldo ko. I'm just a one day millionaire dear.
Halos inabot ako ng limang oras sa mall. 2 hours sa Dept. store, 1 hour sa supermarket tapos 3 hours akong naglilibot. ganyan ako magshopping alone. at hindi ko namalayang magaala-sais na!
Tumawag sa'kin si sir Gabe at sinabi niya sa'kin na dumeretso daw ako sa restaurant na pinupuntahan namin.
Nang makarating ako dun sa tamabayang restaurant namin ni sir Gabe ay nakita ko ang mga kotse ng pulis sa labas. at sinilip ko ang isang kotse ng pulis. then nakita kong isinasakay sa loob ang taong matagal na naming hinahanap. si TREVOR DELA TORRE. yes. nahuli na siya at may kutob din ako na magkasama sila ni Stephen.
Pumasok ako sa loob ng restaurant at nakita ko ang mga ilang pulis na nakabantay. pero nagpumilit akong tumuloy sa loob at tumakbo sa cr ng restaurant.
Pagkapasok ko sa cr ay bigla kong nakita si Stephen. sinubukan pa niyang magtago sa pintuan ng toilet pero napigilan ko siya dahil sinira ko ang pintuan.
"Stephen! sumuko ka na. hindi mo ba nakikita sa labas? ikaw nalang ang hinihintay ng mga pulis!" sabi ko kay Stephen pero matigal ang ulo nito!
"Donna help me get over this place" sabi niya.
"Anong get over this place? bakit? after ng lahat ng panglolokong ginawa mo samin ni sir sa tingin mo tutulungan pa kita? Neknek mo!" sabi ko.
"Nahuli na nga si Trevor diba? di pa ba kayo masaya dun? wala akong kasalanan kaya aalis na ako.!" sagot ni Stephen.
"Talaga? wala kang kasalanan? eh ano yung ginawa mong pag-back out sa partnership niyo ni sir Gabe sa kaso ni Hower ha? diba isa rin yun sa pinag-usapan niyo ni Trevor Dela Torre? at yung kasunduan natin tungkol sa relasyon natin? akala ko ba hindi madadawit ang firm tungkol dun?" sabi ko.
"Stephen parang awa mo na sumuko ka na!" sabi ko at bigla akong siniko ni Stephen at napahiga ako sa sahig. papatakas na sana si Stephen ng biglang napasok ni sir Gabe ang cr. napigilan ni sir Gabe si Stephen na makatakas at dinampot na siya ng mga pulis.
"Donna, are you okay? nasaktan ka ba?" tanong sa'kin ni sir Gabe.
"Matapos akong sikuhin ni Stephen sa braso sa tingin mo hindi ako nasaktan?" sagot ko.
Dali-dali na kaming lumabas ni sir Gabe sa restaurant na yun at inihatid siya ako sa Apartment ko. nang makababa na kami ay kinumpronta ko ulit siya.
"Sir nagkausap kami ni Dana kaninang umaga sa comfort room sa firm. ano 'tong nabalitaan ko sa kanya na matagal na kayong hiwalay? ang sabi mo sa'kin nagkaroon lang kayo ng misunderstanding kaya kayo hindi nagpapansin. ano ba talaga?" tanong ko kay sir Gabe.
"Donna. kaya ko lang naman nasabi yun dahil magulo lang ang isip ko nun. oo matagal na kaming hiwalay nun pero nagtataka ako kung bakit pa niya ako nilalandi at bumalik pa siya dito sa firm?" sagot ni sir Gabe.
"Alam mo ba kung bakit bumalik si Dana sa firm? dahil sayo. kaya siya bumalik, dahil nagbabaka-sakali siyang magkaayos pa kayo. pero nung nag-inuman daw kayo ay puro ako ang laman ng bibig mo! bakit nga ba pinipilit ko pa kayo ni Dana na magkaayos eh matagal na pala kayong hiwalay? akala ko si Stephen lang ang nangloko sa akin. Ikaw rin pala. pare-pareho kayong mga manloloko.!" sabi ko.
Tumakbo na ako papasok sa apartment ko at sinundan ako ni sir Gabe pero pinag-sarahan ko siya ng pinto pagkapasok ko.
"No explinations. Talk to the Door." sabi ko.
TO BE CONTINUE IN CHAPTER 19
Chapter 19?
May another flashback chapter na naman this chapter 18. fallback to Harvard at kung paano nagsimula ang buhay ni sir Gabe sa firm.!
-Faxwhispererpaulsen :)
BINABASA MO ANG
My Arrogant Boss | Completed
Romance"Don't let the people you love walk by you without letting them know how you feel about them." Si Donna, ang secretary ng mayabang na boss ng isang kilalang law firm na si Gabriel Calderon. Ayaw na ayaw niya ng ugali nito, pero anong magagawa niya k...