Donna Mendez Point of View
"AARRAAYY! what did you do?" sigaw ni sir Gabe sa akin.
"Eh ano pa ba edi ginagamot ko yang sugat mo! di ba obvious?" sabi ko at tumingin siya sakin.
-insert monster look here-
"Dahan-dahanin mo naman nasasaktan ako." sabi niya.
"Ok po Sarreh!" sabi ko with matching snob.
Matapos kong gamutin ang sugat ni sir Gabe ay pinahiga ko na siya sa kama ko. pero napansin kong hindi parin siya makatulog kaya siguro tinawag niya ako.
"Donna... Donna..." sabi niya kaya lumapit ako sa kanya.
"Bakit po?" tanong ko.
"Masakit ang ulo ko." sagot niya kaya hinawakan ko ang noo niya. shet napaso ako ng noo niya! grabe kainit! siguro kung maglalagay ka ng itlog sa ibabaw ng noo ni sir Gabe, baka mapirito ng di oras.
"Naku sir Gabe mataas ang lagnat mo. kailangan mong uminom ng gamot. sandali, kukuha lang ako ng paracetamol at yelo para mapunasan ulit kita ah? grabe yang lagnat mo ang tindi! nabasa ka lang ng ulan at kakapunas ko pa lang sayo kanina tapos ganyan ka pa rin? dyan ka lang ah!" sabi ko.
sobrang nataranta ako nun kaya nagmadali akong mabuti. at dala-dala ko na ang gamot pati ang yelo na may alcohol at towel pagbalik ko sa kwarto at agad kong pinunasan ulit si sir Gabe sa noo sa braso.. at ayun, tumingin ang gago sa akin na parang maamong tuta.
"Thank you so much Donna. you prove to me that you love me." sabi niya at medyo nailang ako ng konti dun sa sinabi niya pero naglaon eh nakaramdam ako ng konting konting Kooooonting Kilig. yie!
"Wag ka ngang mag-thank you. ako dapat ang magpasalamat sayo. kung di dahil sayo, baka ako ang napuruhan. you save my life. at ikaw mismo ang nagpatunay sakin na seryoso ka sa nararamdaman mo." mangiyak-ngiyak kong sagot.
---
Di ko na rin namalayang nakatulog na ako besides his arms. sa sobrang pagod ko kasi. hanggang sa naramdaman kong naglakbay na naman ang isip ko patungong "Panaginip". pero imbes na si Stephen ang napaniginipan ko ay ibang lalaki. alam kong hindi siya yun. at hindi ko makita ang itsura ng lalaking yun. nasa harap kami ng altar, at ikinakasal ako sa kanya. at parang walang kaproble-problema sa buhay. nang hahalikan na ako ng lalaking groom ay bigla naman akong nagising! hay bwiset kainis! bitin much!! at una kong nakita ay si sir Gabe na yakap-yakap ako habang hinahawakan ang buhok ko. pero agad naman akong bumitaw sa kanya.
(A/N: Yung picture po na nasa media ay si Donna na kasalukuyang nasa panaginip at ikinakasal sa isang mystery boy.. oy oy Donna sino yan?)
"Sir Gabe..."
"Bakit?" tanong niya.
"Ang init! bitawan mo nga ako. anong oras na ba?" sabi ko.
"It's 5:00 PM. still raining." sagot niya.
"Kailangan ko nang magluto ng almusal natin. baka gutom ka na." sabi ko.
"Wait. it's too early for that. okay I will help you." sabi niya at bumangon siya sa kama.
"Ako na. hindi ka pa okay baka mabinat ka! sandali lang 'to tapos mamaya ka na bumangon para makakain na tayo." sabi ko tsaka ngumiti ako sa kanya. pero siya, nagtaray! nag-pang snob pa! hmp! bahala nga siya dyan!
Dumeretso na ako sa kitchen kong so neat and beautiful. talagang Ipagmalaki! eh totoo naman eh! Haha xD
Okay going back to the corner este going back to the kitchen na po.
at kasalukuyan akong nagluluto ng sopas para almusal namin ni sir Gabe. at habang naghihiwa ako ng carrots at repolyo, bigla siyang sumigaw at tinawag ako.
"DONNA!!"
"Aray! ah.. ano ba sir? ouchie..." sabi ko.
.
.
30 Minutes Later...
.
.
.
.
.
"Sir Gabe kakain na! bumangon ka na't magbihis ka na." sabi ko sa kanya at bumalik ulit ako sa kitchen para iprepare ang sopas sa table. at agad rin naman siyang sumunod.
"Naano yang kamay mo?" tanong niya nang makaupo na kaming dalawa sa mesa.
"Ano... kasi... may pumasok kasi na magnanakaw. tinutukan ako ng kutsilyo sabay hiniwa yung daliri ko." sabi ko at tumingin siya ng diretso sa akin.
-insert weird look here-
"De Joke lang! nahiwa yung daliri ko kanina habang hinihiwa ko yung carrots at repolyo! kasalanan mo rin kasi eh! nagulat ako sa sigaw mo kanina." dagdag ko pa.
"Teka, bakit mo ba ako tinatawag kanina?" tanong ko sa kanya habang nginunguya ko ang mainit na sopas. Awwch... napaso ako :)
"Wala lang. gusto ko lang magsisisigaw para lumabas ang ngala-ngala ko." sagot niya.
-insert i dunno look here-
"Yung totoo?"
"What?" sabi niya.
"What does this f*ck say?" tanong ko sabay dinuro ko siya.
"Shut up. kumain na nga lang tayo! mamaya may sasabihin ako sayo."
"Tungkol naman saan?" tanong ko.
"Basta mamaya sasabihin ko sayo." sabi niya at itinuloy na niya ang pagkain. ako naman, sige katingin sa kanya na parang ewan na matutunaw!
TO BE CONTINUE IN CHAPTER 34.
BINABASA MO ANG
My Arrogant Boss | Completed
Romance"Don't let the people you love walk by you without letting them know how you feel about them." Si Donna, ang secretary ng mayabang na boss ng isang kilalang law firm na si Gabriel Calderon. Ayaw na ayaw niya ng ugali nito, pero anong magagawa niya k...