Donna Mendez Point of View
11:30 na ng hating gabi ay hindi ako makatulog at hindi mapakali. bukod kasi sa nandyan si sir Gabe ay naka-switch on pa ang ilaw! ayaw magpaawat ni sir Gabe. ano ba? hindi ka ba makakatulog nang hindi pinapaandar ang ilaw? kaya instead na mag-inarte ako ay dinaan ko nalang sa pakikinig ng mga Instrumental na kanta. para antukin ako.
Kinabukasan ay tinanghali na ako ng gising. Hindi pa nga ako nakababangon sa Kama ay naaamoy ko na ang Breakfast ko! at pagkita ko ay nakita kong nagpre-prepare si sir Gabe ng almusal para sa aming dalawa. buti nalang pala eh pinatuloy ko siya sa apartment ko. may taga hugas na nga ako ng pinggan, may taga luto pa ako! Hahaha
"Donna, Buti nalang at gising ka na. I preparte a Breakfast for us." sabi ni sir Gabe.
"syempre gigising ako. tao eh. alangan naman hindi ako gumising sa pagkakahimbing ko. edi nawalan ka ng Secretary? napuyat nga ako ng dahil sayo. Kung hindi ka nga nagluto eh hanggang ngayon, tulog pa ako." sagot ko.
Tahimik kaming kumain ni sir Gabe at nakita ko ang saya sa mukha niya. pero di ko nalang pinansin yun. habang kumakain kami ay biglang nag flasback sa isip ko ang nangyari sa chapter 4 "Asterisk". na nagskandalo kami sa labas ng apartment ko at sa kalsada ng cross avenue. na kinabwisit ko habang nakatingin siya sa mga mata ko.
"Huwag ka ngang tumingin sa'kin ng ganyan! ang panget ng mga mata mo! naalibadbaran ako sayo!" sabi ko kay sir Gabe.
"Bakit naman? Speachless na nga ako, ayaw mo bang tinitignan nalang kita?" tanong niya.
"Alam mo, sa tuwing tumitingin sa sa akin, nagfla-flasback sa utak ko yung mga nakakabwisit na issue na nangyari sa'tin before! kagaya nalang ng pagkakatanggal ko sa firm, at yung tungkol sa inyo ni Dana." sabi ko.
"Donna, part na yun ng past natin. baka naman pwedeng kalimutan mo na ang tungkol dun. hindi naman mababago ang mga nangyari sa past eh. dahil tapos na yun at hindi na natin pwedeng balikan. kung ayaw mo namang maisip na ulit yan, edi wag ka nalang tumingin sa akin." sagot ni sir Gabe.
"You know, gusto sana kitang patawarin eh. kaso baka manghinayang at magsisi ako. hmp! wag nalang nga!" sabi ko sabay tumayo nalang ako sa mesa dala ang isang tasa ng kape.
9:30 na at nag prepare na ako para bumili sa supermarket ng mga kulang na ingredients para sa tanghalian naming dalawa. at napansin ko rin si sir Gabe; bihis na bihis siya at tila parang may pupuntahang night party. balak ko sana siyang tanungin kaso bigla kong naalala ang pinagkasunduan namin kapalit ng pag-stay ni sir Gabe sa apartment ko.
"Donna, bakit hindi ka pa naka-prepare? It's my promotion day. you must be there." sabi sa'kin ni sir Gabe.
"So kaya pala inabot ka ng 3 oras sa banyo para magpa gwapo dahil lang sa promotion mo? hay sir Gabe. natyempuhan mong masama ang pakiramdam ko ngayon. tsaka nga pala, diba may kasunduan tayo sa pag stay mo dito sa apartment ko? wag na wag mo akong kakausapin. hindi mo ba naalala yun?" sagot ko. sabay umarte ako na masakit ang ulo ko.
Nakita ko sa mukha ni sir Gabe ang pagka disapointed niya. at napansin ko rin na walang nangyaring "Ignorance" sa aming dalawa. bawat tanong niya, sinasagot ko, akala ko ba walang pansinan?
At nang pumasok na siya sa office ay nakadama ako ng pagka konsensya.
Tama ba na pahirapan ko ng ganito si sir Gabe dahil lang sa kasalanan na pinagsisisihan na niya ngayon?
TO BE CONTINUE IN CHAPTER 21
BINABASA MO ANG
My Arrogant Boss | Completed
Lãng mạn"Don't let the people you love walk by you without letting them know how you feel about them." Si Donna, ang secretary ng mayabang na boss ng isang kilalang law firm na si Gabriel Calderon. Ayaw na ayaw niya ng ugali nito, pero anong magagawa niya k...