Donna's Point of View
Halos mabaliw ako sa tuwing naiisip ko ang ginawa ng kumag kong boyfriend. Akala mo kasi kung sinong "perfect" kung magmayabang! Porket naimbitahan lang sa isang non-popular variety news show, sinunggaban na agad ng wala kong consent! nakalimutan niya na ba yun?
Ilang minuto ko ring hinintay ang reply ni Gabe pero hindi ito sumagot. Siguro takot na takot na ito at plano nang pagtaguan ako. Saan naman kaya magtatago yung ungas na yun?! kay Jennica? sus sigurado namang hindi siya papayag sa ganun. Si Trevor kaya? hmp! maliit lang ang space ng apartment nun at siguradong matutunton ko rin siya in 4 sides of his condo. Sa condo niya? Andun pala ang dad niya.
Sa sobrang inis ko, naibato ko nalang ang cellphone ko kaya nagkalat iyon sa sahig. And the worst is, basag pa ang LCD. Kakainis! Ang mahal-mahal pa naman nitong phone ko tapos nasira ko lang dahil kay ungas? Arrrggghh!
"Nakakabanas ka nang animalia ka, pati phone ko nasira ng dahil sayo, wag na wag kang magdadalawang isip na bumalik dito't baka palakarin kita sa labas ng nakahubad!"
Pero ilang sandali lang ay may narinig akong nagsalita mula sa likod ko.
"Miss na miss mo na siguro yung boyfriend mo kaya napilitan kang magsalita mag-isa?" Gago sino ka ba?
Lumingon ako nang may kasamang irap at inis. Nagulat naman ako sa nakita ko, mukhang ako yata ang na-surprise dito ah? 'Bat ang bilis naman?
"Yago?! Kelan ka pa dumating? akala ko ba next week pa ang---"
"Hindi, siguro nagkamali lang ng banggit sayo si Mikael. Kasama kong umuwi si Felice. Wala pa ba si Gabe? sabagay, galing yun sa interview. Baka abalang-abala pa yun sa ginawa niya." Aniya.
"Abala ba kamo? baka abala sa paghahanap ng pagtataguan..." Kunot-noo kong sabi.
"Bakit ba ang init ng dugo mo dun? Wala namang mali sa ginawa niya ah? Kabayanihan kaya yun..." Wow kabayanihan? Kelan pa kaya?!
"Ahuh... Kelan pa naging kabayanihan ang pagmamayabang ha? Pwede, panoorin mo muna kaya ulit yung interview para maliwanagan ka. Kung sa tingin mong, nagpapatawa lang siya tungkol sa sinabi niyang magyayaya siya ng babae sa bar, Hindi. Kilala ko siya at alam ko ang balak niyang gawin. FOR SHORT, MANGANGALIWA."
Hindi makapaniwala si Yago sa introduction ko sa kanya. Paano naman kasing hindi iinit ang ulo ko sa kanya eh binanggit niya pa ang gagong yun?! Sandali lang kaming nanahimik at nagsimula na rin akong magsalita.
"Sorry Yago. Ang sama pa ng pambungad ko sayo, hindi man lang kita winelcome." Disappointed kong sabi sa kanya.
"Sus wala yun naiintindihan kita. Siya nga pala, galing ka sa mall ah? May pagkain ka na bang niluto?" Tanong niya habang turo ang mga pinamili ko sa mesa.
"Kita mong kararating ko lang at di pa ako nagpapalit ng damit paglulutuin mo na ako? Excited much ah! Tsaka di ko naman alam na pupunta ka dito kaya di ako nagplanong magluto pa. Wag kang mag-alala, Magluluto nalang ako. Teka sandali, si Felice nasaan?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi sumama eh, pagod. Sige na nga, tutal kanina pa umaangal 'tong tiyan ko. hehe.."
Magka-goodtime kaming magkasama ni Yago sa loob ng condo ko. Nagmovie marathon, kumain ng marami, at nagpataba. Hanggang sa sumapit na ang madaling araw at umuwi na ito.
"Salamat ah? next time ulit, dalin ko si Felice."
"Sure, basta wala si Gabe dito, the door is always open." Nakangiti kong sagot sa kanya then pumasok na ako sa loob.
Tinignan ko lang siya na maglakad papalayo at napansin ko ang expression na bumakas sa mukha niya nang sinabi ko iyon. Siguro iniisip niya kung bakit kailangan pang hindi ko isama si Gabe. Sus eh KJ naman yun eh! ano pang aasahan ko dun?
Mariin ko nalang nilock ang pinto para di na makapasok si kumag. Hinanda ko na rin ang kama ko para matulog tsaka ko pinatay ang ilaw. Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko habang nagdarasal na sana ay umuwi na si Gabe... Sa---Sandali nga, bakit ba pinagdadasal ko pang umuwi yun?
Gabriel's Point of View
Nakakatuwa man ang mga nangyari sa Interview pero hindi ako nag-enjoy lalo na nang mabasa ko ang reply ni Donna. Sinasabi ko na ngang magagalit siya sakin eh! Pero ibang iba siya magalit ngayon kesa noon. Biruin niyong murahin pa naman ako ng malutong which is hindi niya pa nagawa noon?! Paano nalang kaya kung umuwi ako ng condo niya, baka mas lalo siyang magalit sakin!
Saan kaya ako pwedeng mag-stay? Kay dad kaya? Gising pa kaya yun?
Nagmaneho ako papuntang condo ko dahil andun si Dad (for sure) at pagdating ko dun ay kumatok ako agad sa pinto. Medyo matagal bago buksan ni dad ah? Pero okay lang at least baka matulungan niya ako.
"Oh son, come inside. Gabing gabi na ah? Bakit di ka pa natulog sa inyo?" Tanong ni Dad tsaka ko sinabayang manuod ng favorite action movies niya.
"Eh ikaw Dad, Bakit di ka pa tulog eh madaling araw na?"
"Ikaw talaga oh... Bakit ba kasi pumunta ka pa dito ng ganitong oras? Nasaan ba yung si Donna?" Tanong niya ulit kaya napayuko nalang ako.
"Si Donna kasi, nagalit siya sakin. Hindi kasi ako nagpaalam na magpa-interview ako sa News Show. At bukod pa dun, kung ano pang pinagsasabi ko sa TV na siyang nagpainit ng ulo niya. Tapos na tinext ko siya, Pinagmumura naman niya ako sa text. Di naman siya ganun gaya ng dati ah? Ano pa bang nagawa ko bukod dun eh nagbibiro lang naman ako?" Emosyonal kong sagot habang pigil na pigil sa pag-iyak.
"Son, ganyan talaga pag nagmamahal. Ang gusto lang naman ni Donna, maging maganda ang pakikitungo mo sa iba. Sa totoo lang mali naman talaga yung ginawa mo eh. At dahil sa sinabi mo, mas lalong lumayo ang loob niya sayo. Siguro kaya lang niya nagawa yun kasi mahal na mahal ka niya, kaya wag mong isipin na hindi ka niya mahal. Kung gaano karami yung pagmamahal na binibigay niya sayo, higitan mo pa iyon."
Na-amaze ako sa sinabi ni Dad. Di ko inasahang may pagka-love expert pala ito. Hindi talaga ako nagkamali na pumunta sa kanya.
Hindi na rin tumagal ang pagkwe-kwentuhan namin dahil mag-uumaga na kaya umuwi na ako. Gusto pa sana ni Dad na dito nalang ako magpalipas ng gabi pero ang sabi ko sa kanya, Aayusin ko ang problema na meron kami ni Donna ngayon at wala na akong pakialam kung galit siya sakin.
Pagdating ko sa condo niya ay nakaramdam ako ng malakas na pagtibok sa puso ko. Iniisip ko nalang na hindi ako kabado pero hindi talaga maalis. Andito na ako sa pintuan hawak ang door knob. Dahan-dahan ko itong pinihit tsaka ako pumasok sa loob. Teka 'bat ang dilim?
Pinatay niya pala ang ilaw. Tulog na tulog siya yakap-yakap ang unan ko. Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan ko ito habang tulog. Hinimas ko rin ang noo niya downwards to her cheeck. Hahalikan ko na sana siya sa labi nang maramdaman kong dumilat ang mga mata niya.
Tumingin ako. Pilit man niyang binubuka ang mga mata nito, pero di niya magawa dahil siguro sa sobrang antok. Isinara ko nalang ito para makatulog siyang muli. Tapos, tinabihan ko nalang siya sa pagtulog.
When i turned off the light...
"Donna, I know you're upset again. Maybe we should fix this. We have to be change. Ayokong magkahiwalay tayo dahil mamamatay ako. Kaya sana kung ano man ang nagawa ko ay patawarin mo na ako dahil wala nang saysay ang pamumuhay ko dito sa mundo kung mawawala ka." I sighed as my tears falling downwards to her.
TO BE CONTINUED IN CHAPTER 46.
BINABASA MO ANG
My Arrogant Boss | Completed
Romance"Don't let the people you love walk by you without letting them know how you feel about them." Si Donna, ang secretary ng mayabang na boss ng isang kilalang law firm na si Gabriel Calderon. Ayaw na ayaw niya ng ugali nito, pero anong magagawa niya k...