Chapter 27 "Bistodo v. 2.0"

2.8K 27 4
                                    

Laughtrip 'tong chapter na 'to nang dinescribe sa akin to ng friend kong si Shiela. thanks kay Shiela Marquez for the suggestion of chapter 27. ewan ko lang sa inyo, kung matutuwa kayo.

-Faxwhispererpaulsen

6PM na at nasa office parin ako ni sir Gabe.

"Pano ba yan sir Gabe? uuwi na ko." sabi ko.

"Wala pa ngang 7Pm uuwi ka na agad? dito ka muna." sagot ni sir Gabe.

"Pagod na ko eh." sabi ko

"Anong pagod? eh hindi ka naman nagtrabaho? uupo upo ka nga lang at natulog sa mesa mo. tapos ngayon sasabihin mong pagod ka. nakakapagod na palang umupo." sabi ni sir Gabe.

"Teka sandali. diba umalis ka kanina? papaano mo nalamang...."

"Actually sinabi ko lang yun para mamonitor ko ang mga kilos mo dito. simula kasi nang makatrabaho kita, hindi ko pa alam kung ano ang tunay mong ginagawa kapag wala ako." sabi niya

"So wala kang tiwala sakin ganun? and in the five years that we've been work together, ngayon mo lang nalaman na hayahay ako sa trabaho pag wala ka.. kay naku sir Gabe...." sabi ko.

"Aha..." at tumayo siya para lapitan ako. pero bago pa nun ay kumuha muna siya ng papel at ballpen at may isinulat siya dun sabay ibinigay niya sa akin.

"Kakaltasan kita ng sweldo sa pagiging tamad mo." sabi niya.

"Ano ka? hooy! diba may pinagkasunduan tayo? dodoblehin mo ang sweldo ko kapalit ng pakikipag-ayos ko sayo! nakalimutan mo na ba yun?" sabi ko.

"Yeah but... hindi mo naman inaayos ang trabaho mo dito eh bakit ko naman susundin ang pinagkasunduan natin?" sabi niya.

"Wala ito..."

"Donna where are you going?" tanong niya.

"Babalik na ako sa trabaho. wala kang kwentang kausap." sagot ko.

"Sandali lang!"

"Bakit?"

"Kiss muna." sabi niya.

"Sampalin kita jan eh." sabi ko.

"Eh bakit mo ako hinalikan kanina?" tanong niya.

"Ginawa ko lang yun para tigilan na tayo nila Louie at Mikael. ang kukulit kasi!" sagot ko.

"Oh baka naman.... sinamantala mo lang yun para maparamdam mo sakin na mahal mo rin ako." sabi niya.

"Baliw. makauwi na nga!" sabi ko..

"Hindi pa tapos ang trabaho mo... eto,"

Ibinigay ni sir Gabe sakin ang isang set ng dyaro at ibigay ko raw kay Maam Jennica.

"Aanihin naman ni Maam Jennica 'to?" tanong ko.

"Edi itanong mo sa kanya. utos lang niya yan sakin." sagot niya.

"Eh bakit hindi ikaw ang mag-bigay?"

"Tinatamad ako! okay? ikaw nalang. ng makabawi ka naman sa pagiging hayahay mo pag wala ako." sagot ni sir Gabe.

"Bow ties have no place here!" sabi ko.

Agad akong dumeretso sa office ni Maam Jennica kaso wala siya. pero nakita ko run ang secretary niya.

"Ay Teh... nasan si Maam Jennica?" tanong ko sa secretary.

"Maagang umalis eh. may dinner with Mr. Dela Torre." sagot niya.

Mr. Dela Torre??

"Ha? Sinong Mr. Dela Torre yun?"

"Yung Father ni Sir Trevor. rinig ko kasi na nakikiusap itong father niya na iurong na ang kaso sa anak niya." sagot ng secretary.

"Mga sira ba sila? eh nakakulong na si Trevor kasama yung walang kwenta kong boyfriend eh! mahirap nang makahanap ng matinong abogado yan dahil sa sobrang dami ng kasong sinampa sa kanya." sabi ko.

"Ewan ko nga rin sa kanila eh. hatid balita lang niyo naman ako. hindi naman ako mahilig makialam" sabi niya.

"Sige pakilagay mo nalang sa mesa niya. inutos kasi yan kay sir Gabe at ipinaabot nalang niya sakin. sabihin mo na rin na tamad ang boss ko kaya ako na mismo ang nag-abot ha?" sabi ko..

At dali-dali akong tumakbo pabalik ng opisina ni sir Gabe.

"Sir Gabe..."

"Bakit? naibigay mo na ba yung newspapers?" tanong ni sir Gabe.

"Oo.. eh wala si maam Jennica sa office niya eh... yung secretary lang niya ang nandun. nabalitaan ko kasi na nasa dinner daw siya kasama yung father ni Trevor Dela Torre. nakikiusap daw ang tatay niya na iurong na ang kaso laban sa anak niya." sagot ko.

"So?"

"ANONG SO? wala ka bang pakialam dun?"

"Wala..."

"Bakit?" tanong ko..

"Dahil wala namang magagawa ang tatay niya para makawala pa ang umag niyang anak." sabi niya.

"Grabe naman 'to. sabagay napakabigat ng kasong isinampa ng firm sa kanya. so kailangan niyang harapin yun. pero posible kayang makapag-pyansa siya." tanong ko.

"Wala siyang pag-asa dun kahit sumilip pa siya ng bintana." sagot niya.

Tumayo si sir Gabe para lumabas ng opisina niya.

"Saan ka naman pupunta?" tanong ko.

"Uuwi muna ako sandali." sagot niya.

"Ang aga naman. baka naman pwedeng ako rin?" sabi ko.

"Hindi Donna. okay. tutupad na ako sa pinagkasunduan natin. basta dito ka lang." sagot niya.

"By The way, Happy Birthday Sweetie. I love you." dagdag pa niya sabay kinindatan niya pa ako.

At ayun. umalis na siya. at ako, Mouth open open. Nganga. maghihintay ako hanggang mag 9PM. puyat na naman ako bukas nito.

TO BE CONTINUE IN CHAPTER 28

Sa tingin mo, kaya ba umuwi ng maaga si sir Gabe dahil gusto lang niyang magpahinga or

para makipag-kita kay Maam Jennica at sa Father ni Trevor?

Comment Below!

and Don't Forget to Vote.

xD

My Arrogant Boss | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon