Chapter 40 "Inadobong Puso Ni Gabriel"

1.4K 10 1
                                    

Unique ba yung chapter title? haha.. tuluyan na kayang maadobo ang puso ni Gabriel sa makikita niya?

Donna's Point of View


TIIIKKKTIIILLAAAAOOOOOOOOKKKK!!!

Teka umaga na ba?

time checking....

>4:30AM<

What?

Ang aga naman ng alarm ng manok ng kapitbahay!

parang daig pa ang di natutulog?

ano kuya germs lang walang tulugan?!

Naramdaman ko nalang ang kamay ni Gabriel na nakalagay sa balikat ko. inalis ko ito dahil nauuhaw ako... i need water kaya lumabas ako.

Kumuha ako ng baso. pero bigla nalang akong magulat dahil may nakapasok na malaking ipis sa loob ng baso. syempre nagulat ako dahil takot ako sa ipis. pero di ako sumigaw. kakahiya naman sa mga katabi kong unit. parang ipis lang kailangan sumigaw?! ano nakakita lang ng maligno teh?

papansin much ganun?

"Dnnnaaaaaaaa!" rinig ko kay Gabriel...

"What waz dat?" sabi pa niya.

"Wala 'to sweetheart sige matulog ka lang.. may papatayin lang ako dito!!" sabi ko...

Dinampot ko ang tsinelas ko tsaka pinaghahahampas ang pader, tiles, sofa, at kung saan-saan pa pumunta ang iisang malaking ipis. Pero waley... waley talaga eh.. lumusot na sa kisame..

Kaya ayun, bumalik nalang ako sa kwarto tsaka natulog ulit.

Gabriel's Point of View

Pagkagising ko ay ginising ko na rin si Donna para itanong ang tungkol sa batang inampon niya. Ang bilis naman kasi ng pangyayari. Bakit agad-agad at walang permiso galing sa'kin samantalang boyfriend niya ako diba?

"Donna, gising..!!!" Sabay yugyog ko sa kanya. "May kailangan tayong pag-usapan..."

"Ano na naman 'yun? ang aga aga pa eh!"

"About dito sa bata..." Mabilis niyang minulat ang kanyang mga mata tsaka ito bumangon papunta ng dining area.

"Ano pa bang pag-uusapan natin tungkol kay Iris?" Tanong niya.

"Anong ano pa? Edi marami! Bakit hindi mo sinabi sakin kagabi na nag-ampon ka ng bata? Bigla ka nalang magbibitbit ng bata dito ng hindi ko alam?

"Hala!" Pasinghal niya. "Bakit sa tingin mo sa ampunan ko lang kinuha yan? Hindi mo alam ang pinag-daanan ng bata. Nakita ko siya sa mall, palaboy-laboy. Gusto niyang magkaroon ng pamilya kaya naawa ako sa kanya. Diba yan naman ang plano natin in the future? Ayaw mo ba nun?" Aniya. Natahimik ako at umupo sa upuan.

"Please, maawa ka kay Iris. Her parents died in an accident. Kung sa tingin mong hindi nangyari yun, magiging ganito ba ang buhay niya? Papaano nalang kung hindi natin siya inampon at napunta siya sa sindikato? Mas kawawa siya at hindi natin alam ang pwedeng gawin sa kanya. Magpasalamat ka nalang na may anghel na dumating sa buhay natin." She said emotionally.

Wala na akong nagawa kungdi tanggapin ang bata hindi lang dahil sa sitwasyon nito. Nangangailangan rin namin ng bata para mapatibay pa lalo ang pagsasama namin ni Donna. Mamahalin ko nalang siya kagaya ng pagmamahal ko sa babaeng mahal ko at ituturing ko siyang tunay na anak.

Paulson-Calderon Firm

9PM

"Good morning sir..." bati ng isa sa mga kasama ni Donna sa office..

My Arrogant Boss | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon