24

148 5 0
                                    

"Akala ko action movie, bakit may iyakan!" Pinunasan ko pa ang mga luha ko dahil parang hindi naman action 'yung pinanood namin, may action movie bang puro drama at hindi pa nagkatuluyan 'yung babae tsaka lalaki kasi kahit anong pilit nila hindi talaga sila 'yung destine to each other.


"Akala ko rin nga action..." Walang buhay na sagot ni Sir kaya napalingon ako sa kanya.


"Ser ser ser may tanong ako!!" Tulala lang sya sa TV dahil tapos na ang pinapanood namin. Pangit ng katabi ko, kaumay.


"Kain tayo, ano gusto mo?" Lumingon sya sa'kin at pinakita ang phone nya na may mga pagkain na picture. "Oorder ako, pili ka na lang." Iniwan nya sa'kin 'yung phone tsaka sya tumayo at umalis.


Tss.


Nagkibit balikat na lang ako at namili ng mga pagkain. 'Yung mura lang ang pinili ko dahil baka ako ang pagbayarin nya, wala akong pera, baka ibayad ko pa kaluluwa ko nang wala sa oras.


"Hoy ser tapos na! Pa'no ba umorder dito!" Sigaw ko. Mabuti naman bumalik na sya at magkasalubong ng kilay na inagaw ang cellphone nya.


"Malamang pipindutin mo para ma-order." May sarkasmong sagot nya.


"Ah... akala ko tatapakan." Barumbadong sagot ko sabay irap.


Napaka walang kwentang kausap.


"Tapakan ko mukha mo." Umirap din sya.


"Nuod ulit tayo! May alam akong magandang palabas!" Nangiting sabi ko. "We bare bears!"


"Ano ka, bata?" Nakangising tanong nya. "Isip bata, hoy, matanda ka na. Dapat mga pang matanda pinapanood mo tulad ng--- ah... saan ba makikita 'yang we bare bears na sinasabi mo?" Nakakunot noo akong tumitig sa kanya.


"pinapanood ko dapat ano??" Tanong ko dahil hindi nya tinuloy kanina.


"Ano? Anong pinapanood? Baliw amputa, nag-iimagine ka dyan." Tumawa pa sya na parang kabado.


Hmm...


"Ano nga kasi?!" Pangungulit ko kahit naka-upo na sya sa tabi ko at nanonood ng We bare bears.


"Ano ba sinasabi mo dyan?! May naririnig ka atang hindi ko naririnig."


"Wag na nga! Tanga tangahan ka na naman eh sinabi mo na nga kanina!" Singhal ko at nakasimangot na sumandal sa upuan.


"Ilang taon ka na ba?" Tanong na lang nya.


"Baby pa 'ko. Tsaka mo na tanungin kapag naka-graduate na 'ko." Ngumisi ako. Sya naman ay pinitik ang noo ko.


"Sigurado ka bang ga-graduate ka? Hindi mo pa nga alam kung pasado ka sa subject ko." Tumawa pa sya.


"Kapag ako bumagsak sa subject mo hindi na'ko magpapakita sa'yo!"


"Ngayon pa lang binabagsak na kita." Nakangiting sagot nya.


"Aba!"


"Oh, akala ko ba hindi ka na magpapakita? Binagsak na kita ah." Nang-iinis na tanong nya.


"Oo! Mamaya na, hihintayin ko muna 'yung pagkain tapos bukas hindi mo na ko makikita. Huh, akala mo naman magaling ka magturo." Ngumisi pa ako.


"Narinig ko 'yon, Fana!"


"Malamang may tenga ka. Magulat ka wala kang tenga pero nakakarinig ka."


"Napakasama ng tabas ng dila mo, hindi ko alam kung kanino ka nagmana. Mabait ang tatay at lola mo, ikaw lang hindi."


"I'm not... I'm--- not... Basta! Hindi naman ako sila!" Sumimangot pa ako.


"Ayan, tamo. English english ka pa. Paano kita ipapasa kung ganyan ka?" Pinagkrus pa nya ang mga braso nya sabay pinakatitigan ako.


"Bakit english teacher ba kita? Ikaw nga pa-english english eh nasa pilipinas ka."


"Ikaw, kahit kailan ka. Ang hirap maki-pagdebate sa'yo. Ang dami mong bala sa dila, 'di ka nauubusan ng isasagot."


"Kasi nga matalino ako." Ngiting tagumpay ako.


"How do you say you're smart?? Can you explain from the beginning of what you have studied to what you have learned today? Maybe it's easy for you because you're smart, right?"


"Yes. I'm fine thank you and you?" Sagot ko.


"I'm asking you. My question is to easy, so you can answer it easily." Nakangisi pa sya.


"He! English englishin mo'ko sa bayan ko! Punyeta!" Sigaw ko.


"See? Pati 'yang lines mo copyright. Si Heneral Luna ang nagsabi nyan. Wala kang originality." Napailing-iling pa sya at napa-tsk.


"Bakit ba, same feelings naman ah! Ini-english mo 'ko eh nasa pilipinas ka, bayan namin 'tong mga pilipino kaya magtagalog ka." Pangangatwiran ko.


"Bayan natin. Pilipino din ako, Fana. At proud ako do'n." Nanahimik na lang ako dahil baka maging si Heneral Luna na ako at masapok ko si Sir dahil nauubos na ang pasensya ko. Para pa namang sinulid ang pasensya ko, madaling maputol.


Naka-ilang lipat na kami ng palabas dahil halos napanood na namin 'yung We bare bears kaya nilipat ni Sir sa Stitch, na napunta sa iba't ibang cartoons.


Kalahating oras din siguro bago dumating 'yung mga pagkain. Mabuti na lang si Sir Francis ang nagbayad! Nakalibre na naman ako!


"Ang sarap naman nito, ano kasi tawag dito, Sir?" Pinakita ko kay Sir 'yung kinakain ko na parang nakabalot sa parang tinapay tapos may pipino pa at giniling na baka, may gulay din. "Hoy Sir! Ano tawag dito?"


"Pagkain."


Napabagsak ang balikat ko dahil sa sobrang walang kwenta ng sagot nya. Kapag talaga kasama mo 'tong kupal na teacher na 'to, sasakit ang ulo mo.


"Alam kong pagkain 'to, ang tinatanong ko kung anong pangalan ng pagkain na 'to! Ash, lang kwentang kausap eh." Ngumiwi pa ako.


"Malay ko sa pangalan nyan, ba't di mo tanungin kung ano pangalan. Ako ba tatay nyan? Hanapan mo ng birth certificate."


Wala na. Suko na 'ko.


Basta masarap ang kinakain ko. Tapos!


Ang bobo mo Francis!


Slow motion utak mo!


"Penge ako. Ang bango ng kinakain mo, Sir." Ngumiti pa ako at tinuro 'yung hotdog na kinakain nya. "Akin na lang hotdog mo." Ngumuso pa ako para ituro 'yung hotdog nya.


"A-anong hotdog?" Gulat at nakasalubong ang kilay na tanong nya.


"Oyy, ashumerang frog." Nang-aasar akong ngumiti sa kanya.


"Mukha mo frog." Sabay umirap sya.


"Akin na lang 'yang hotdog na kinakain mo, hindi ko sinabing hotdog mo---"


"Ayan lamunin mo, corndog kasi tawag dyan! Pangit mo!" Sinungalngal pa nya sa bunganga ko 'yung hotdog tsaka sya nagwalk-out.


"Thank you! Sarap ng hotdog mo!"



•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now