15

168 6 0
                                    

"Nakikiramay ako Fana"


Katatapos lamang ng libing at hindi ko alam kung paano sisimulan ang buhay ko nang mag-isa. Wala na akong pamilya, wala na.


"Mauna na'ko ha" Tumango lamang ako kay ma'am Celyn at naupo sa harap ng libingan ni tatay at lola. Itinabi ko sila kay nanay para magkakasama sila, nagpatabi na rin akong isa dahil hindi ko alam kung kailan ako tatagal, kung hanggang kailan ko kakayanin na wala na sila.


"Hanggang kamatayan tay gusto ko magkakasama tayo" Ngumiti ako ng mapait at inayos ang mga bulaklak.


"Hindi ka pa uuwi, Fana?" Mahinahong tanong ni sir Francis na nakatayo lamang sa gilid ko.


"Uuwi ako kung kailan ko gusto. Mauna na kayo" Wala sa sariling sagot ko.


"Nasa sasakyan lang ako"


"Hindi ko tinatanong, umalis ka na"


Nagsimula na naman akong umiyak nang makita ko syang papalayo. Hindi ko dapat sya ginaganito pero ayokong ipakita na ang hina hina ko, ayokong maawa sya sa'kin.


Ang laki ng naitulong ni sir sa pag aayos ko sa libingan sa burol at maging sa gastusin ay tinulungan ako ni sir. Naialis na rin ang natupok naming bahay at tanging bakas na lamang ng bahay ang nakatayo sa lupa namin. Kaisa isang ala ala na naiwan nila sa akin ay nawala na, naibenta ko na rin dahil sa kakapusan sa pag aayos sa burol nila tatay. Magtatrabaho ako at sisikapin kong maibalik sa pangalan ng Santa Cruz ang lupang ginagisnan ko.


Hindi muna ako mag aaral sa ngayon, maghahanap akong trabaho at magsisimula ng maliit na tindahan mula sa naiwan ni tatay na insurance. Nagtrabaho pala si tatay bilang isang construction worker sa isang kompanya at bago sya pumasok ay nagbubuhat muna siya ng batcha batchang isda sa palengke pangdagdag sa ipon nya na nasunog lamang ng apoy at hindi napakinabagan.


Umuupa ako sa isang apartment kahit sinabi na ni sir na pwede akong makitira sa kanya ngunit tinaggihan ko. Hiyang hiya na ako sa kanya, ang laking bagay na nang naitulong ni sir at abuso na kung titira pa ako sa bahay nya. Malaki ang utang ng loob ko kay sir kung kaya't nakonsensya ako nang pabalang ko syang kausapin kanina.


Tatapusin ko lamang ang highschool at magtatrabaho na ako para pangtustos sa sarili ko. Uunti untiin ko ang utang ko kay sir, babayaran ko lahat kahit pa sinabi nyang tulong na lang nya 'yon sa akin ay nahihiya pa rin ako.


Sa sitwasyon kong ito ay hindi ko alam kung dapat pa ba akong mahiya sa kanya, nakita na nya ang kahinaan ko, ang lakas ko, ang buong pagkatao ko at hanggang ngayon ay nandito pa rin sya at patuloy akong ginagabayan sa laban na ako lang ang makapagpapanalo.


Inabot ako ng alas onse ng gabi sa loob ng simenteryo, ayaw ko pa sanang umuwi kaso umambon kaya napilitan ako. Nandito pa rin ang sasakyan ni sir at kanina pa kaming alas nuwebe ng umaga dito. Hindi ko inaasahan na hihintayin nya ako hanggang ganitong oras.


Hindi ako sumakay sa sasakyan nya at nag abang ako ng tricycle sa labasan. Ayokong ihatid pa nya ako sa apartment dahil alam kong pagod din sya.


"Sumakay ka na" Napabaling ako ng tingin sa puti niyang sasakyan.


"Ayoko, mauna na kayo, sir." Naglakad na akong muli at nag abang ng tricycle ngunit mukhang wala na dahil anong oras na.


"Sigurado ka? simenteryo 'to tapos magpapaiwan kang mag isa?" Tumango lamang ako sa kaniya kaya umalis na sya at hindi na ako kinulit.


Hindi na ako takot dahil alam kong nandito lamang sa paligid sila tatay at binabantayan ako. Takot akong mag isa pero sa kalagayan ko ngayon ay kailangan kong harapin ang takot ko, kailangan kong harapin ang magulong mundo nang mag isa.


"Tricycle mam?" Tumango ako at sumakay sa tricycle.


Mukhang bagong gising pa si manong driver at naabala sa pag tulog.


Nang makarating ako sa tapat ng apartment ay naglabas ng cellphone 'yung driver at may tinawagan.


"Nakauwi na po ser, dunt wori ser ligtas si mam. Sige ser salamat ho" Tumingin siya sa akin. "Grabe boyfriend mo mam ang sarap sarap ng tulog ko binusinahan 'yung tricycle ko, nalaglag pa'ko mam. Bakit kaya hindi na lang sya ang naghatid sa inyo at inabala pa'ko sa pagtulog ko. Sige mam una ho ako"


Naalala kong hindi pa ako nagbabayad pero umalis na agad sya. Medyo gumaan ang mood ko dahil sa kapilyuhan ni manong driver ah.


Boyfriend?


Napailing iling iling na lang ako at pumasok na sa loob. Naligo muna ako at naupo sa kama.


"Hindi ko naman kailangan ng bahay na bato, mas gusto ko ang bahay na kahoy lang at kumpleto kaming pamilya" Mag isa akong nagsasalita habang pinagmamasdan ang bahay na tinutuluyan ko ngayon.


Malambot na higaan? ayoko. Mas gusto ko ang higaan na si tatay ang gumawa.


Karne sa pagkain? ayoko rin. Mas gusto ko ang dahon dahon at sinasamahan ni lola ng hinimay na isda.


Napapangiti na lamang ako habang inaalala ko sila ngunit hindi ko rin maiwasan ang hindi pagpatak ng luha ko. Parang nag iba ang pananaw ko sa buhay nang agawin sila sa akin. Hindi pantay, bakit mas naghihirap ang mga inosenteng tao at nabubuhay naman sa sarap ang mga masasama. Bakit 'yung mga masasamang tao, mga korap na politiko, mga magnanakaw sa gobyerno ay masaya samantalang ang mga katulad kong mahirap, baon sa utang, ang gusto lang ay makaahon sa kahirapan ay sya pang mas lalong ibinabaon.



Sa lahat ng nangyayaring ito ay isa lang ang napagtanto ko. Kailangan ay palaging handa sa anumang sakunang dadaan sa buhay natin.


Magmula sa araw na'to, mag isa na lang ako. Mag isa kong haharapin ang buhay nang walang kahit sino.




•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now