38

144 5 0
                                    

"Tadah! Isn't she pretty? I made her look!" Tuwang-tuwang sabi ni Ma'am Celyn.


Mula sa pagkamangha ay nagbago ang reaksyon ni Sir nang bumaba ng bahagya ang mga mata niya sa dibdib ko. Agad naman akong nahiya kaya napaiwas ako ng tingin.


"Bakit ganyan ang suot mo? Kaunti na lang lalabas na 'yan!" Iritadong sabi nya.


"What's your problem? Maganda nga eh! Palibhasa hindi ka babae kaya hindi mo alam ang fassion at styles katulad ng mga ganyan!" Pagtatanggol ni Ma'am sa akin at itinago pa ako sa likod nya.


"You did this? The hell? Fassion? Style? Celyn graduation 'to kaya dapat naaayon sa estudyante ang suot nya! 'Yung hindi kabastos-bastos!" Sigaw ni Sir Francis.


"S-sorry po." Napaiyak na lang ako habang nakatago pa rin sa likuran ni Ma'am.


Kung alam ko lang na bawal pala magsuot ng ganito sana hindi na lang ito ang binili ko para hindi na nagsisigawan sila Ma'am.


"Hey! Why are you crying?!" Nag-aalalang tanong ni Ma'am. Umiling lang ako at pinunasan ang mga luha ko.


"W-wala po---"


"See? Look what you've done! You made her cry! You have no freaking right to dictate to a woman what to wear and not to wear! Walang kabastos-bastos sa suot nya! Mind your own business!" Sigaw ni Ma'am.


Napakapit naman ako sa braso nya para pigilan na sya dahil baka mag-away pa sila ni Sir Francis dahil dito.


"Hindi ko naman sya dinidiktahan! What I want to say is mababastos sya sa suot nya! I just want to protect her from those uneducated horny asses!"


"To protect? Remember Francis! Remember! Walang mababastos kung walang mambabastos! There is no basis for a woman to wear a dress para hindi siya nabastos! Even if you are wrapped in thick clothing, if someone wants to harass you mababastos ka talaga! clothing is not the problem! The problem is in people's minds!"


Bigla na lang humagulgol sa pag-iyak si Ma'am sa walang kalinawang dahilan.


Agad akong naalerto at mabuti na lang ay nahawakan ko ang braso nya bago siya napaluhod sa sahig.


"I'm sorry I didn't mean to---" Hindi na natapos si Sir Francis.


"You know whatever you're wearing was not the problem... Me, From my own experience. You know I’m not the type of woman who shows too much skin but what happened to me? Someone harassed me! I used to wear thick clothes but did it do anything to stop the man from abusing me? Wala naman 'diba? So don't fucking use the line 'Mababastos sya dahil sa soot nya' because the problem is in someone's horny mindset and not in the women’s clothing!"


"I'm really sorry. Hindi ko sinasadyang ipaalala sa'yo ang...  Nakaraan. Please forgive me..." Lumuhod si Sir kapantay ni Ma'am.


Ako ay nanatiling walang kibo dahil sa mga narinig ng dalawa ko tainga.


Biktima si Ma'am ng sexual harassment?


"I didn't ask for this to happen pero wala akong magagawa kung hindi buhayin ang batang hindi ko naman hiniling. But, I will be a good parent to him. Hindi ko hahayaang maging kagaya sya ng Papa nyang walang puso." Humihikbing sambit ni Ma'am.


Wala akong kaide-ideya na ganitong kabigat ang pinagdaraanan ni Ma'am dahil palagi siyang nakangiti at masiyahin. Sinong mag-aakala na ang mala-anghel naming teacher ay may mabigat palang pinapasan.


Inabot nang ilang minuto si Ma'am bago sya tuluyang kumalma. Pati ako ay nakahinga nang maluwag nang kumalma na sya dahil katulad ni Sir Francis ay kinakabahan at nag-aalala din ako na baka makasama kay Ma'am ang pag-iyak nya.


"Tubig po?" Inabutan ko siya ng tubig pero ngumiti lang sya ng marahan ang tumanggi.


"I'm sorry about earlier, nadala lang ako ng emosyon..." Mababang tono ng boses ni Ma'am.


Dahil nga ayaw ko nang maging emosyonal na naman si Ma'am ay iniba ko na lang ang usapan at sinubukan kong pagaanin ang atmosphere sa paligid namin.


"Oo nga pala Ma'am! Pinatawag si Sir Francis dahil malapit na daw mag-umpisa ang graduation!" Masayang sabi ko. Bigla namang napasimangot si Ma'am.


"Nasira na ang make-up ko." Nakangusong sabi nya. Natawa na lang ako dahil ang make up ko rin naman ay nasira na dahil sa pag-iyak ko kanina.


"Maganda ka naman po may make up man o wala." Ngumiti ako at bigla nyang pinisil ang pisngi ko.


"I know! Maganda tayong lahat!" Masayang sabi niya. "Aayusin ko na lang ng mabilisan ang make up mo para kapag nagstart na susunod na lang ako sa'yo dahil aayusin ko rin ang akin, uunahin ko lang ang sa'yo."


Matapos na ayusin ni Ma'am ang make up ko ay pinalabas na nya ako para daw makijoin ako sa mga kaklase ko eh wala naman akong kaclose sa mga pashneang 'yon.


"Bakit pakiramdam ko ang ganda-ganda ko sa suot kong dress." Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad-lakad.


"Maganda ka naman talaga."


Muntik pa akong matapilok nang makita kong nakatitig sa akin si Sir Francis.


"Mabuti alam mo." Pilyang sagot ko.


"Hindi ikaw ang kausap ko, masyado kang ashumera." Umirap pa sya sabay pisil sa pisngi ko.


"Eh kung hindi ako, sino ang kausap mo? Alam ko naman na maganda ako kaya hindi ko kailangang marinig 'yon mula sa'yo." Ngumisi pa ako.


"Oo na. Pagbibigyan kita ngayon dahil graduation nyo. Maganda ka na." Parang labag pa sa loob nya na tawagin akong maganda ah!


"Talaga! Lalo na 'tong dress na pinili ni Andy. Ang ganda!" Napangiti ako at humarap sa bintana ng isang classroom para tingnan ang repleksyon ko.


Nangunot naman ang noo ko nang makita ko mula sa salamin kung paano unti-unting sumimangot ang mukha ni Sir.


"Sinong pumili nyan?" Parang inis nyang tanong.


"Si Andy."


"Yung totoo. Nagde-date ba kayo?!"


"Bakit parang galit ka?"


"Hindi ako galit. Nagtatanong lang ako!"


Sa tono ng pananalita nya daig pa nya ang nagseselos. At hindi daw sya galit pero kitang-kita naman na gusto na nyang pumatay ng tao.


"Kaibigan ko lang si Andy." Ngumiti ako. Kaibigan ko lang naman talaga si Andy eh at hindi ako makikipag-date sa iba.


"Magkaibigan pero magkasama kayo kagabi? Nagde-date kayo." Umiwas pa sya ng tingin.


Naaamoy ko na 'tong si Sir Francis ah. Pakiramdam ko tuloy may gusto rin sya sa'kin, kasi 'yung nga wirdong bagay na ginagawa nya ngayon eh ginagawa ko din 'yon noon dahil crush na crush ko sya dati.


"Hindi ako makikipag-date sa iba kung hindi ikaw, Sir." At doon ay unti-unti kong nasaksihan ang pamumula ng mga pisngi niya.



•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now