63

49 2 2
                                    

"Mabuti na lamang at nadala mo sya kaagad dito, She is already dehydrated and if we don't treat her right away it will be the cause of the patient's death."


Nagising akong may nakatusok na swero sa kaliwang kamay ko at may oxygen na nakakabit sa akin. Natulala ako nang ilang minuto bago muling pumasok sa utak ko lahat ng hinahakit ko kay Francis. Lahat ng mga masasakit na salitang binato nya sa akin pati ang pagtakbo niya sa responsibilidad niya.


Tama nga ang katagang may kakambal na sakit ang pagmamahal pero hindi naman ako nainform na ganito pala kasakit 'yon, halos patayin ka na. Halos hihilahin ka na pababa at hindi ka na hahayaang makaahon pa.


Alam kong nakita na akong gising ni Andy pero hinayaan lang niya ako. Ayoko rin na tanungin niya ako kung anong nangyari dahil sigurado akong iiyak na naman ako kapag nagkwento ako. Masakit at sariwa pa lahat sa akin. Hindi ko pa kayang magkwento.


"Nasaan sya?!" Dinig ko ang boses babaeng nasa kabilang kurtina. "Fana." Nahawi ang kurtina at bumungad siya sa akin. Bakas ang gulat sa mukha niya at naibagsak pa ang hawak niyang bag nang makita niya ako. "Anong...."


"Pagod na raw sya, Ma'am..." Pumatak ang mga luha ko nang yakapin ako ni Ma'am Celyn. "Napagod na sya sa'kin kaya pati ito ayaw na nyang panagutan..." Humihikbing bulong ko.


"I'm sorry, wala ako don para gisingin sa katotohanan si Francis. I'm sorry, Fana, wala ako noong kailangan mo ng tulong..." Lumuluha siya habang hinahaplos ang pisngi ko. "Patawarin mo 'ko..."


Matamlay pa ako at walang gana. Kaunting galaw ko ay nahihilo ako kaya hindi ko magawang umupo ng matagal nang walang nakaalalay.


"Wala naman kayong kasalanan. Sadyang naging tanga lang ako at binigay ko agad sa kanya ang pagkatao ko." Pinunasan ko ang mga luha ko at humugot ng malalim na paghinga. "Kabuwanan nyo na, sana lang kaya kong paabutin ng ganyan ang akin." Pilit akong ngumiti.


"Fana." Dinig ang pagkagulat sa boses ni Andy.


"What do you mean na sana mapaabot mo ng ganito ang sa'yo?" Hinawakan pa ni Ma'am Celyn ang tiyan ko.


"Baka hindi ko sya mahawakan ng matagal, wala akong alam sa ganitong mga bagay..." Mahinahon kong paliwanag dahil natatakot ako na baka hindi umabot ng ilang buwan ang bata sa sinapupunan ko dahil mahina ang Mama nya, hindi ko kaya.


Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko kakayanin magdala ng siyam na buwan dahil sa tuwing naiisip ko ang buhay na matatamasa ng anak ko ay nanghihina ako. Estudyante pa ako at walang katuwang sa pag-aalaga. Magugutom ang anak ko. Kung ganoon lang din ang mangyayari ay mas pipiliin kong bumitaw na lang sya para hindi nya maramdaman ang hirap na dinanas ko noon.


Ang hirap na walang makain, halos hindi makapag-aral dahil walang trabaho si tatay. Naaalala ko noon na gustong-gusto kong bumili ng ice cream pero ni piso ay walang hawak si tatay kaya ang ginawa ng tatay ko ay namulot siya ng ilang boteng plastic sa kalsada at dinala sa junk shop kapalit ang maliit na halaga.Tuwang-tuwa ako noon dahil umuwi si tatay na may dalang dalawang sorbetes para sa'kin.


Noong nakaramdam kami ng kaunting ginhawa sa buhay, nagawa ko nang mag-aral at nabibilhan na ako ni nanay ng bagong sapatos, pero nang namatay ang inay ay nawalan na naman ng trabaho si tatay at nabaon kami sa utang. Naubos ang gamit namin para mabayaran lahat ng utang na naiwan sa amin.


Naranasan kong tipirin ang isang pirasong tuyo para may ulam pa ako kinabukasan. Naranasan kong recess sa school ay isang pirasong kending tsokolate at tubig lang sapat na. Iyon ang pinaka-ayaw kong maranasan ng magiging anak ko, ang hirap.


The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now