77

33 2 0
                                    

"Mahal, tingnan mo 'tong gown. Ang ganda, bagay na bagay sa anak natin!" Tuwang-tuwa at tumatalon-talon pa si Andy habang papalapit sa akin. Naka-upo kasi ako sa terrace at nagkakape habang sya ay nakahiga sa salas at tumitingin ng gown para kay Faye. Siguro ay may nagustuhan syang design kaya excited na ipakita sa'kin.


"Simple lang ang design, hindi masakit sa mata ang kulay at isa pa ito 'yung exact design ng gown ni Princess Ariel. Sigurado akong magugustuhan ni Princess Faye 'to." zi-noom pa ni Andy ang image para makita ang mga maliliit na detalye ng dress.


Maganda nga at sobrang nakaka-prinsesa tingnan. May kamahalan nga lang ang presyo pero hindi na bale, basta maranasan ng anak ko ang maging prinsesa sa 7th birthday nya kahit mahal pa 'yan maglalabas at maglalabas ako ng pera.


"Yan lang ba ang sinend na design ng mananahi?" tanong ko kay Andy dahil kumuha pa sya ng magtatahi ng damit ni Faye kahit na sinabi ko nang pwede naman kaming bumili ng tahi na.


"Ito lang eh, pero sabi nya kapag daw may gusto tayong ipadagdag na design sabihin ko lang daw at gagawin nya."


"Okay na ang design na 'yan, maganda na, at isa pa magiging OA na ang gown kapag maraming nagsabit na designs." Ina-probahan ko na ang gown at excited namang sinabi ni Andy na sa mananahi para masimulan nang tahiin.



Alas otso pa lang naman ng umaga kaya pa-upo-upo pa ako at hindi pa nagluluto ng tanghalian, baka nga iutos ko na lang kay Andy 'yon dahil tinatamad akong kumilos.


Dahil nga wala akong ganang magluto, humilata na lang ako sa couch at nanood ng movies pero hindi ko nagustuhan ang mga pinapanood ko kaya pinatay ko na lang ang Tv. Wala na akong maisip na gagawin dahil sa ganitong oras nirereview ko si Faye sa mga napag-aralan namin para hindi nya makalimutan, pero dahil nga wala si Faye ay bored na bored ako.


Malamang na mamaya pang alas singko ihahatid ni Francis si Faye pauwi. Sandaling oras lang, kahapon lang umalis si Faye pero parang sobrang tagal na nyang wala dahil nasanay akong palagi ko syang nakikitang naglalaro at kinukulit ang Papa nya.


Naisipan kong tawagan ai Francis para kamustahin ang anak ko at para makausap ko si Faye kahit na sandali. Nakatatlong missed call ako bago nya sinagot ang tawag ko.


"Hello po, Mama." Boses iyon ni Faye kaya't napangiti ako.


"Bakit ikaw ang sumagot ng tawag ko? Nasaan ng Daddy mo? Don't tell me iniwan ka nyang mag-isa."


"Nasa cr po si Daddy, naliligo. We're going to Toy world and we will play there!" She giggled.


Nawala ang inis ko at napangiti na lang ako dahil masayang-masaya si Faye. Medyo nagseselos lang ako dahil hindi ko naririnig ang ganoong excitement sa boses ni Faye kapag kami ang magkasama, siguro dahil sabik pa sya sa Daddy nya na kailan lang nya nakilala.


"Kayong dalawa lang ng Daddy mo?" Tanong ko. Narinig siguro ako ni Andy at umupo sya sa tabi ko, pasimpleng bumubulong at tinatanong kung si Faye ba ang kausap ko.


"No, kasama po namin sila Jianna and Janah. Mommy Janaih can't make it because she have more important meeting daw po eh kaya kami lang nila Daddy." Tumango-tango naman ako kahit hindi naman niya nakikita.


"Oo nga pala katabi ko ang Papa mo, gusto mo bang makausap?" Masaya naman siyang umoo kaya ibinigay ko kay Andy ang phone.


"Good Morning my princess, nag-eenjoy ka ba dyan?" Naka-loud speaker ang phone kaya naririnig ko pa rin si Faye.


"Opo, sobrang saya ko po kasi maglalaro kami ng mga step sisters ko! I'm not used to be called 'Ate Faye' pero I'm starting to love it, lagi po akong tinatawag ni Jianna at Janna na Ate." Nagkatinginan naman kami ni Andy at pareho kaming napangiti dahil hindi nahihirapang mag-adjust si Faye.


The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now