Nagising ako sa bulungang narinig ko. Mag-isa lang kasi akong nagbabantay kay Faye dahil umuwi sandali si Andy para magluto ng lunch na dadalhin nya dito.
Nang lumingon ako, nakabalik na nga si Andy at dala ang pagkain namin. Kasama pa ang ninong ni Faye at may dala itong regalo.
"Para sana kay Faye 'to." Inabot sa akin ni Aaron ang isang paper bag, hindi ko na sinilip ang laman at nagpasalamat na lang ako. "Kamusta na daw ang inaanak ko?"
"Wala pa ring pagbabago sabi ng Doctor." Marahas akong napabuntong hininga at hinaplos ang pisngi ni Faye.
"Mag-iisang linggo na syang natutulog, sigurado akong nagugutom na ang prinsesa ko. Miss na miss na siguro nya ang mga niluluto ko." Mahinang tumawa si Andy at ibinaba sa mesa ang pagkain. Suot din nya ang damit na pinagdadamot nya sa akin, 'yung damit na niregalo ni Faye sa kanya last year.
Hindi na rin ako nakakapasok sa trabaho at nag-leave muna ako, gusto kong ituon ang buong oras at atensyon ko kay Faye dahil mas kailangan ako ng anak ko ngayon. Si Andy naman ay inaasikaso na ang pagbabalik nya sa opisina dahil matatapos na ang bakasyon nya.
Bukas, bukas na gaganapin ang birthday ni Faye at nakansela lahat ng plinano namin ni Andy para sa birthday nya.
"Pinagawa ko na 'yung cake at dadalhin daw 'yung dress sa bahay mamaya." Malungkot na napabuntong hininga si Andy. "Hindi naman nya masusuot 'yon, excited pa naman akong makitang suot nya 'yung pinili kong design."
Dahil nga sakto lang ang laki ng kwarto ni Faye, sa bahay kami maghahanda at doon na lang ang venue para sa mga bisita ni Faye, ilalagay na lang namin sa video call si Faye para makita sya ng mga kaibigan at mga bisita nya. Darating bukas sila Jade at ang mga kaibigan ni Chandler para tumulong sa pag-asikaso sa mga bisita habang nasa hospital kami.
'Yung engrandeng birthday sana ni Faye ay nauwi sa simpleng handaan at iilan lang ang putahe dahil tinipid na namin ang pera, tumataas ang bill namin sa hospital at nagbabalak akong isanla ang ibang alahas na naipundar ko.
"Mauna na'ko Fana, Andre, napadaan lang ako, alam nyo naman, nasa itaas lang ang misis ko." Nagpaalam na si Aaron dahil bagong panganak ang asawa nya at inaayos rin nya ang pagdischarge nila ng hospital. Nakakahiya nga at hindi ko sila madalaw kahit sandali dahil ayokong iwan si Faye.
Nabalot na naman ng katahimikan ang buong silid. Pinakatitigan ko ang mukha ni Faye, napakaamo. Hindi ko inaasahang darating ako sa puntong ikakagalit ko na si Francis ang naging kamukha ng anak ko.
"Andy!" Agad kong tawag sa kanya.
"Bakit?" Gulat na tanong niya.
"Halika dito! Tingnan mo! Lumuluha si Faye!" Sa narinig ay halos inilang hakbang lang nya ang paglapit sa amin. Nagulat ako sa bigla niyang ikinilos nang makita ang luha ni Faye.
"Kawawa naman ang prinsesa ko, siguro nasasaktan sya kaya sya lumuluha..." Paghagulgol niya at pinaghahalikan sa noo si Faye. "Nandito lang si Papa, anak, lumaban ka ah, hinding-hindi ka namin iiwan ng Mama mo..."
May bumisita na hindi ko kilala at mga kaibigan pala ni Andy 'yon kaya nagpaalam muna ako at iniwan ko muna sila, nandoon naman si Andy sa loob. Nag-ikot ikot lang ako sa loob ng hospital hanggang sa napadaan na naman ako sa may church.
Sa kalagitnaan ng pagdarasal ko ay may lalaking tumabi sa akin at nagsalita ito.
"Papunta sana ako aa kwarto ni Faye kaso may bisita pala kaya dito na ako tumuloy, nandito ka rin pala." Hindi ako sumagot at tinapos ko na agad ang pagdadasal ko para makabalik na ako sa anak ko. "Fana, alam kong hindi mo ako mapapatawad ng basta basta pero sana naman huwag mong tanggalin ang karapatan ko sa bata."
Parang naging sumbat pa sa akin ang paglayo ko sa anak ko sa kapahamakan.
"Ilalayo ko sya sa kapahamakan hanggang sa makakaya ko, kaya nga nilalayo ko sa'yo ang bata dahil ikaw ang nagdadala ng sakit sa anak ko." May diing tugon ko.
"Fana hindi nating lahat ginusto ang nangyari kay Faye! Walang humiling at walang may gustong mapahamak 'yung bata!" Pagtataas nito ng boses sa akin.
"Ginusto man 'yan o hindi kasalanan mo pa rin! Kasalanan ng demonyita mong anak! Sya ang naglagay sa anak ko sa hukay at ang batang katulad ng anak mo ay hindi na dapat hinahayaang lumabas dahil baka makapinasala pa ng iba—"
"Hindi alam ng bata na mangyayari 'yon, hindi ginusto ng mga bata ang nangyari, Fana naman mag-isip ka!" Isang sampal ang ibinigay ko sa makapal niyang pagmumukha.
"Sorry ah! Pasensya na kung masyadong mabait ang anak ko kaya hindi nilabanan ang kamalditahan ng anak nyo! Sorry din ah, nasugatan din ang anak nyo!" Puno ng sarkasmo kong sumbat.
Tinalikuran ko siya at palabas na ako ng church pero hinila niya ako pabalik. Mahigpit niya akong niyakap hanggang sa hindi na ako makapalag.
"Bitawan mo 'ko! Hayop ka!" Sigaw ko.
"Fana patawarin mo ako, inaamin kong kasalanan ko ang nangyari sa anak natin at tinaganggap ko ang galit mo. Saktan mo ako hanggang gusto mo. Nagmamakaawa ako, mahal na mahal ko si Faye at nasasaktan akong ako ang naging dahilan kung bakit sya nasa ganitong sitwasyon." Lumuhod siya sa harapan ko at marahas ang pagpatak ng mga luha naming dalawa.
Pumapatak ang luha ko dahil sa galit at poot na nararamdaman ko para sa kanya. Gusto ko syang mawala na lang para matahimik na ako at ang anak ko!
"Mula umpisa pa lang ay ako na ang may kasalanan. Iniwan kita kahit alam kong ako ang ama ng dinadala mo, hinayaan kitang maghirap kahit na may magagawa naman ako para mabawi kita at para humingi ng ikalawang pagkakataon. Patawarin mo ako kung naging duwag ako at hindi kita pinaglaban... N-natakot kasi akong baka... baka ipagtabuyan mo ako... Natakot akong harapin ang mga tinakbuhan ko..."
"Pinili kong magpakasaya sa iba at kalimutan lahat ng namagitan sa'ting dalawa pero ni minsan ay hindi ako nagtagumpay na kalimutan ka. Hindi ako natagumpay na burahin ka sa sistema ko. Kahit ilang taon na ang lumipas hinahanap-hanap ko pa rin lahat nang nakasanayan kong gawin kasama ka. Maging ang mga maliliit na bagay na ginagawa natin dalawa palagi kong inaalala. Oo't sabihin nating pamilyadong tao na ako at alam kong pagtataksil ang ginagawa kong pagpantasya sa'yo kahit may asawa't mga anak na ako, hindi ko mapigilan, hanggang ngayon Fana mahal pa rin kita..."
"Ngayon ko nararamdaman ang mga salitang isinumpa mo sa akin noong araw na naghiwalay tayo... Ito ako ngayon at nakaluhod sa harapan mo, nagmamakaawa akong tanggapin mo ulit ako bilang parte ng buhay nyo ni Faye. Nagmamakaawa akong makasama ang anak ko. Pinagsisisihan ko ang lahat ng mga nagawa kong kasalanan sa'yo at kay Faye, sa mga pagkukulang ko. Patawarin ako Fana. Nagmamakaawa ako. Mahal na mahal kayo ng anak natin..."
Wala akong reaksyong ipinapakita sa kaniya ngunit ang puso ko ay sumasabog at naninikip sa galit, sa galit na bakit huli na nang bumalik sya, at galit rin dahil ayaw nya akong tanggalin sa sistema nya! Ginagawa nya akong masamang babae at nagmumukha akong naninira ng may pamilya ng may pamilya!
"Kalimutan mo na ang mga nangyari noon, at kalimutan mo na rin na nakilala mo ako maging ang anak mo. Kung kailangang ako ang magmakaawa para lang layuan mo na kami, kung gustong mong lumuhod at lumuha ako ng dugo, magmakaawa na patahimikin mo na kaming dalawa..." Patuloy ang pagpatak ng mga luha ko at hinawakan ko ang kamay niya para tulungan siyang tumayo.
Nang oras na magdikit ang mga kamay namin ay agad kong ihinila ang kamay ko dahil sa kakaibang pakiramdam ang naramdaman ko. Pakiramdam na hinding-hindi ko makakalimutan, ang pakiramdam noong unang beses na naghawak ang mga kamay naming dalawa.
Hindi pwede... Hindi ito maaring mangyari... Mahal ko si Andy. H-hindi maaring hindi nawala ang nararamdaman kong 'to para sa tunay na ama ng anak ko...
•°•
Lady_Mrg
YOU ARE READING
The Unkind Fate | ✔
Fiksi RemajaThey say love has nothing to follow if not only the heart. A student, Fana Santa Cruz, who admires her teacher is just a joke in the eyes of others. But what if the teacher, Francis Gelo Scent, and Fana fall in love with each other and forget that...