32

149 5 0
                                    

"Ikaw talaga nagluto nito? Ang sarap! Ito na paborito kong pagkain ngayon!" Nakangiti ako ng malapad at nagpatuloy sa pagkain ng menudo na niluto ni Sir pero ibang version kasi may gatas ang niluto nya.


"Kagabi pa nga ako nagpapalobo ng mga lobo na 'yan." Bahagya siyang natawa.


Kaming dalawa lang ang nasa bahay nya pero ang dami nyang nilutong pagkain. Nahihiya tuloy ako dahil nag-abala pa sya. Wala manlang akong dalang kahit ano para kay Sir.


"Hulaan ko na iniisip mo na naman na bakit pinaghanda kita ng ganito?"


"Ah oo... Nakakahiya naman kasi Sir." Ito ang unang beses na sobra akong nilamon ng hiya.


"Tss, kumain ka na lang dyan. Birthday mo naman kaya kahit anong gusto mo pwede." Ngumiti siya.


Muli ko na namang naramdaman ang kakaibang pakiramdam na naramdam ko kanina. Nagpo-focus na naman ang buong atensyon ko sa kanya. Wala naman syang ibang ginagawa pero bakit parang tuwang-tuwa ako habang pinapanood ko syang kumain??


Ano ba Fana! Nababaliw ka na talaga!


Dapat nagpapatayan kayong dalawa ngayon hindi parang mag-jowa na pabebeng nag-uusap!


"Ay oo nga pala, baka hanapin mo 'yung dala mo kanina. Nilagay ko 'don sa paper bag na regalo ko sa'yo." Ngumiti ulit si Sir sabay turo sa paper bag na nasa couch nya.


Lintek 'yung napkin ko!


Nanlaki naman ang mga mata ko at nagsalitan ng tingin kay Sir Francis at sa paper bag.


"R-regalo??" Utal kong tanong at tumango naman sya. "Hindi ka na dapat nag-abala Sir! Mas lalo na akong nahihiya sa'yo! H-hindi ko na kayang tanggapin 'yan, sobra na. Pinaghanda mo na nga ako kahit hindi naman tayo magkaano-ano eh, sobrang laking regalo na nito."


"Hindi kita kakausapin hanggang hindi mo tinatanggap 'yan. At 'yung isang paper bag galing kay Celyn 'yon." Pagmamatigas nya.


"Pero kasi... kahit naman ganito ako nahihiya pa rin ako. Hindi ka na dapat gumastos Sir, dapat tinabi mo na lang para sa sarili mo." Hindi nya ako sinagot kaya napabuntong hininga na lang ako. "Oo na. Tinaganggap ko na. Hindi ko alam kung paano magpapasalamat sa lahat nang ginawa mo Sir."


"Basta masaya ka sapat nang pasasalamat 'yon. Oh, alam kong crush mo 'ko pero 'wag ka namang obvious dyan. Kung makatitig ka sa'kin baka matunaw na'ko nyan." Natauhan na lang ako nang maramdaman kong pinitik nya ako sa noo.


Ito na naman. Natulala na naman ako sa kanya!


"K-kapal mo ah! Sino nagsabing crush kita? Asa ka." Pagtanggi ko at tinawanan nya lang 'yon.


"Weh? Paano kaya kung sabihin ko sa'yo na gusto rin---" Naputol ang dapat na sasabihin ni Sir Francis.


"Goodness! Mabuti naka-abot ako! Happy birthday Fana!" Bumeso si Ma'am Celyn sa akin.


"Thank you po." Nakangiting sagot ko at bumaling ulit ako ng tingin kay Sir Francis para tanungin kung ano ang dapat na sasabihin nya kanina kaso iniba na nya ang usapan.


"Kumain ka na, akala ko ba hindi ka makakapunta?" Parang dismayadong tanong ni Sir.


"Oh, gosh. Naabala ko ba? Sorry! Akala ko nasabi mo na eh! I'm really starving kaya pumunta na 'ko." Parang bata si Ma'am Celyn at nakanguso pa habang kausap si Sir.


Napabuntong hininga naman si Sir. "Kumain ka na, the little demon in your tummy may be hungry." Ngumisi si Sir.


"Hey! How could you call my son 'little demon'! I'm sueing you for that!" Hinampas ni Ma'am sa braso si Sir.


"Joke lang! Kumain ka na nga. Baka paglihihan mo pa ako at sumobra ang gwapo ng anak mo." Ewan pero para akong maduduwal sa sinabi ni Sir. "Hoy Fana! Baka gusto mong hagis kita dyan. Aminin nyo nang gwapo ako!" Singhal ni Sir nang makitang nyang umaarte ako na parang susuka. Hindi ako nasuka pero si Ma'am ay nagtatakbo sa lababo.


"Ayan lagot ka! Nakakasama ng sikmura Sir! Magkape ka hah, para naman kabahan ka ng kaunti." Ngumisi ako at tumakbo palapit kay Ma'am. "Okay lang po ba kayo?"


"I'm good. Hindi ko lang nagustuhan ang nakita kong menudo na may cream. It looks like a spoiled meat..."


"Masarap ang luto ko. Nasarapan nga si Fana eh, buntis ka lang kaya mapili ka." Pagtatanggol ni Sir sa niluto nya.


"I'm really sueing you Francis! Get out of my sight! Nasusuka ako sa'yo!" Sigaw ni Ma'am. Madrama namang umalis si Sir. "Ugh hell, I can't with this nausea." Pina-upo ko muna si Ma'am at binigyan ng tubig.


Ilang minuto lang din at bumalik na si Sir at may dala na syang sushi.


"I bought this, alam ko namang sushi ang gusto mo. Please lang Celyn, sushi na lang ang paglihihan mo at 'wag na ako. Baka maging kamukha ko 'yang little dem--"


"Little what? Sige ituloy mo." May pagbabanta sa boses ni Ma'am Celyn.


"Yang little anak mo, basta! Baka akalain nilang may anak na'ko."


"Kung alam mo lang kung ga'no ko kaayaw sa mukha mo, ibig sabihin non na ayaw ko ring makuha ng anak ko ang mukha mo! Mas gugustuhin ko pang maging kamukha sya ng tatay nya kaysa maging kamukha mo!" Singhal ni Ma'am.


"Kapag ako nagka-anak hindi ka ninang!" Sagot ni Sir.


"Matagal ka pang magkakaanak! Nag-aaral pa 'yung sinasabi mong babaeng aanakan mo!"


"Hoy bunganga mo!" Naging mahina pero may diin ang boses ni Sir. "Ay Fana, may binili nga pala akong ice cream nasa kotse, ikaw na kumuha." Ngumiti si Sir sa'kin.


Wala naman akong kamalay-malay sa ginagawa at pinag-uusapan nila kaya lumabas na lang ako at kinuha ang ice cream sa kotse.


Ang mahalaga masaya ang araw ko ngayon.



•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now