"Kung gano'n ay didiretsuhin na kita Hija. I liked your courage to tell me that you were ready to leave my son in case I didn’t like you." Ngumisi siya at muli akong tinitigan mula ulo hanggang paa.
"Pero kahit sinabi kong handa ko syang iwan ay hindi ibig sabihin na gagawin ko talaga dahil mahal ko po si Francis, ipaglalaban ko sya kahit kayo pa ang hadlang, Ma'am." Lakas loob kong sagot. Hindi ako magpapatalo kahit pa sya ang nanay ng boyfriend ko.
"Great." Sagot niya. "Sino ba ang nagsabi na ayoko sa'yo, Hija? Hindi ako kontrabida. Francis Gelo Scent is my son, ako ang nagluwal sa kaniya, where my son is happy I am also happy but, ang bata pa ng itsura mo, how old are you?"
Unti-unti pa lang pumapasok sa akin lahat ng sinabi niya ay bigla na naman akong kinabahan. Tanggap niya ako? pero paano kung malaman nya na menor de edad pa lamang ako at ilang taon ang tanda ng anak niya sa akin. Baka doon niya ako hindi matanggap...
"Knock knock? Francis?" Lahat ng atensyon namin ay naagaw nang pumasok si Ma'am Celyn at may dalang cupcake. Nakasuot sya ng plain dress at naka-sling bag. "Aunty... Dumating na po pala kayo..." Biglang nagbago ang mood ni Ma'am.
"Oh god, Celyn... You're... You're pregnant?!" Dinig ang pagkagulat sa boses ng Mommy ni Francis.
"7 months na po..." Pilit na ngumiti si Ma'am sabay tingin sa akin. Ngumiti naman ako para iparating na okay lang ako dahil nabanggit na rin nya sa akin na may kasupladahan daw ang Mommy ni Francis at mukha ngang totoo naman.
"Who's the father? Francis anak, are you the fath---"
"Aalis muna po ako, mukhang kailangan nyo ng privacy..." Pilit akong ngumiti kahit pa ang kirot ng puso ko. Ewan ko ba, mukha namang napipilitan lang sa akin ang Mommy ni Francis. Nung nakita nya si Ma'am Celyn ang laki ng ngiti nya at kung hindi ko pa naputol ang sasabihin nya, itatanong pa nya kung si Francis daw ba ang tatay. Tss, kaharap ako na alam nyang girlfriend ng anak nya?
Hindi ko na hinintay na sumagot sila dahil lumabas na ako kahit nakapajama pa ako ay pumara na ako ng jeep. Sinilip ko pa kung sinundan ako ni Francis pero hanggang makalayo ang sinasakyan ko ay hindi ko sya nakitang lumabas ng gate o ng bahay.
Gusto kong maiyak pero hindi ko magawa.
Nang makababa ako sa jeep naglakad-lakad lang ako ng kaunti palapit sa gate ng apartment namin. Holiday ngayon kaya pagpasok pa lang sa gate ay makikita na sa bakuran ang nagkalat na kalalakihan na umuupa doon sa itaas mismo ng unit namin.
"Fana, saan ka galing?" Sumalubong sa akin si Andy. Napakunot lang ang noo ko dahil bakit kinakausap nya ako ngayon? Kahapon hindi nya ako pinapansin tapos ngayon pangiti-ngiti lang sya sa'kin? Grabe mood swing nito ah, dinaig pa ang babaeng may dalaw.
"Sa tindahan lang." Pagdadahilan ko, nakapantulog naman ako kaya hindi na halatang galing ako sa ibang bahay.
"Ah ganun ba... Galit ka ba sa'kin?"
"Hindi naman... Aray! Gago kayo kung sawa na kayo sa buhay nyo 'wag kayong mandamay! Mga letse kayo!" Sigaw ko sa mga lalaking naglalaro ng basketball dahil tinamaan nila ako ng bola.
"Pasensya! Napalakas ang hagis ko!" Sigaw ni Chris na tumatakbo palapit kay Chandler na kinuha ang bola na tumama sa akin.
"Ayusin nyo buhay nyo!" Umirap ako sa kanya at napakamot na lang sya sa ulo.
"Hindi ko naman nga ho sinasadya." Muling depensa ni Chris.
"Tama na 'yan pre, ikaw ang sasapakin ni Jade kapag inaway mo 'yan." Tinapik ni Chandler ang balikat ni Chris.
"Wala naman akong balak na awayin sya. Sorry ulit, Fana." Hindi na ako sumagot.
Baka kapag sininghalan ko pa ulit sya baka patulan na ako, mahirap na, kapatid sya ng manager namin at baka madamay ang trabaho ko sa init ng ulo ko.
Nakarating na ako sa unit ko at hindi pa rin humihiwalay si Andy sa akin. Tahimik lang sya at pinagmamasdan ang bawat kilos ko mula sa pagdadabog hanggang sa pagbulong-bulong ko ng kung ano-anong bagay sa sarili ko.
"Kwento ka naman! Usap tayo para naman mawala init ng ulo mo." Marahan siyang ngumiti sa akin. "Kwento ka lang, makikinig ako." Dagdag niya na nagpangiti na sa akin.
"Kung pwede lang nga eh." Mapakla akong tumawa. "Salamat na lang, gusto ko munang mapag-isa." Ngumiti naman siya bilang tugon at hindi na nagtanong pa, nag-thumbs up na lang siya bago umalis.
Naiwan akong mag-isa at hindi alam ang gagawin. Iniisip ko kung tama ba na umalis ako o mali na tinakbuhan ko ang pagkakataon na ibinigay sa akin para makilala ko ang ina ng lalaking mahal ko.
Ramdam ko kasi na parang ayaw niya sa akin, parang ang plastic nya at mabait lang dahil kaharap si Francis.
Sana naman nagkakamali ako ng hinala...
Umabot ng hapon bago nagparamdam si Francis. Maayos ang kasuotan niya at parang may pupuntahan, may dala rin siyang box na may nakataling ribbon.
"Bakit ka umalis kanina?" Tanong niya.
"Bakit hindi hinayaan mo akong umalis?" Pagbalik ko ng tanong sa kaniya na ikinatahimik niya. Ilang minuto ang lumipas bago siya nakapagsalita.
"May family dinner kami mamaya---"
"Pumunta ka, hindi mo naman kailangan magpaalam sa akin." Walang emosyon kong sambit.
"Hon naman..."
"Ano? Walang masama sa sinabi ko." Pagmamatigas ko. "Sigurado akong kasama nyo si Ma'am Celyn kaya umalis ka na at baka ma-traffic ka pa." Mabuti na lang ay nasambit ko ng maayos ang mga salitang iyon dahil parang mawawalan ako ng boses. Aminin ko man o hindi ay alam ko naman sa sarili ko na kinakain ako ng selos. Nagseselos ako kay Ma'am Celyn, iyon ang tanging dahilan kung bakit nagkakaganito ako.
"Anong bang problema natin? Sabihin mo sa'kin. Hindi ako aalis hanggang hindi ka nagsasabi, 'di bale nang hindi ako makapunta sa letseng dinner na 'yan kung iiwan kita dito nang ganyan! Hon, may problema ba tayo?" Kalmado ngunit seryoso niyang tanong.
Hindi muna ako sumagot dahil alam kong sa oras na sumagot ako sa tanong niya ay maluluha na lang din ako.
"Walang problema. Sige na, umalis ka na. Bukas na lang tayo mag-usap, okay?" Ngumiti ako ng bahagya pero hindi pa rin siya kumbinsido.
"Kung tungkol 'to kay Mom, halika, isasama kita sa dinner para malaman mong mali ka ng iniisip. May sasabihin din sya sa'yo, may dala na akong damit na susuotin mo kaya magbihis ka na para makaalis na tayo." Inabot niya sa akin ang box. "Hindi kita iiwan nang hindi okay kaya isasama kita para maging maayos at malinaw sa'yo ang lahat."
"Tandaan mo Hon, hindi kita ilalagay sa alanganin. Kung may binabalak si Mommy sa'yong hindi maganda, ako ang makakalaban nya, kahit sya pa ang nanay ko kung sasaktan ka nya handa akong talikuran sya para sa'yo..."
•°•
Lady_Mrg
YOU ARE READING
The Unkind Fate | ✔
Teen FictionThey say love has nothing to follow if not only the heart. A student, Fana Santa Cruz, who admires her teacher is just a joke in the eyes of others. But what if the teacher, Francis Gelo Scent, and Fana fall in love with each other and forget that...