42

125 3 0
                                    

"Seryoso ka ba?" Nakatangang tanong ko.


"Mukha ba akong nagbibiro?" May sarkasmo namang sagot nya.


Hmm.. Bakit pa manliligaw kung pwede namang kami agad. Hehe.


"Wala nang ligaw-ligaw. Dati pa nga kita nilalandi kaso ayaw mo sa'kin dati. Ngayon na gusto mo na 'ko bakit papatagalin ko pa?" Ngumisi ako at sumandal sa upuan.


"Oo, tinatanggap kong maging girlfriend mo, Mr.Scent."


"Sino ba nagsabi sa'yo na hindi kita gusto dati?"


"Wala. Ako lang."


"Well, mula noong sinabi ng Tatay mo na crush mo ako. I started to ask myself kung bakit parang ang saya ko noong narinig ko 'yon. Hindi rin nagtagal bago ko nalaman na gusto kita. Kung ayaw ko sa'yo hindi naman ako magiging mabait sa'yo. Kung hindi kita gusto hinding-hindi kita papapasukin sa bahay ko at lalong hindi kita hahayaang matulog sa kama ko."


Natahimik ako sa binato nyang salita.


So... tama pala ako? Tuwing pakiramdam ko pinagmamasdan nya ako, tama pala ang kutob ko?


Tanga mo naman Fana! Naturingan ka pang may gusto sa kanya tapos hindi mo pa binigyan ng malisya 'yung mga ginagawa nya?! Sabi ko na hindi talaga masama maging malisyosa eh!


"Ah basta! Kung gusto mo ako, Tayo na dahil ayoko nang patagalin." Alam kong walang hiya ako pero dinapuan ako ng hiya nang sabihin ko 'yon.


Inis akong tumitig sa kanya nang marinig kong tumatawa sya.


"Gago ka?" Pikon kong tanong.


"Relax."


"May nakakatawa ba? Kung ayaw mo edi 'wag! Ibaba mo 'ko! Kay Andy ako sasabay magdinner!" Singhal ko. Maiinis pa sana ako dahil hindi nya hininto pero napatikom na ang bibig ko nang makita ko ang madilim niyang mukha.


"Gusto mong bumaba? Ayan. Magsama kayo ng Andy mo." Umiwas sya ng tingin sabay hinto sa isang gilid.


"J-joke lang naman, hoy!" Agad ba pagbawi ko.


Nakakatakot naman palang magalit 'to...


"Hindi nakakatuwa." Tinitigan nya ako ng masama kaya napalunok na lang ako at tinanggal ang seatbelt ko. "Aalis ka talaga? Sige. Umalis ka." Sabay umiwas sya ng tingin.


"Hindi ako aalis." Bumuntong hininga ako. "Gagawin ko lang 'to." Umusad ako palapit sa mukha niya sabay halik sa pisngi nya. Pagkatapos ay bumalik ako sa pagkakaupo at sinuot ulit ang seatbelt.


"P-Para saan 'yon..." Bigla siyang nautal at hindi makatitig ng diretso sa akin.


"Nagbibiro lang naman kasi ako. Kakasagot ko pa lang sa'yo nagseselos ka na agad." Ngumisi pa ako.


"Sinong nagseselos?" Pa-inosenteng tanong niya sabay iwas ng tingin.


Napailing-iling na lang ako at sumandal.


"Nagugutom na 'ko." Mahinang sabi ko.


"W-wag ka nang bumaba! Kakain tayo!" Biglang sumigla ang boses niya at nagpatuloy sa pagmamaneho.


Sanay na akong close kami ni Sir. Sanay na akong sabay kaming kumakain. Sanay na rin akong nag-aasaran at nagpipikunan kami at ngayon may kailangan naman kong bagong matutunang nakasanayan, ang tawagin sya sa pangalan nya at kung paano magiging mabuting... girlfriend? sa kanya.


The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now