26

155 6 0
                                    

"Akala ko ba magpu-food trip lang tayo? Bakit may mga reviewers kang dala!!" Pagmamaktol ko dahil pinipilit nya akong mag-review.


"Kung ayaw mo ngayon, sabado bukas at may linggo pa! Magrereview ka sa ayaw at sa gusto mo!" Matigas na pagkakasabi nya. Ako naman ay nakakailang balot na ng shawarma.


Ang sarap kasi!


"Hindi ko naman kailangan mag-review eh! May stock knowledge naman ako!" Pagrarason ko. Bakit pa magrereview kung may stock knowledge naman 'diba?


"Spell 'stock knowledge'!" Tanong nya sabay pigil sa'kin sa pagkagat ng shawarma.


Tss, basic naman!


"I-S----"


"Tanga!" Pagputol nya sa'kin. "Umpisa pa lang mali na! Kailan nagkaroon ng 'i' sa 'stock knowledge'!?" Nanggagalaiting tanong nya.


"Hindi ba stock knowlidge 'yon??" Tanong ko at napakamot pa ako sa noo.


"Ulitin mo, hindi kita rereviewhin ngayon kapag na-spell mo ang stock knowledge." Medyo kalmado na sya ngayon.


"Alam ko nga kasi spelling non! Nalilito lang ako kung tama ba o mali. Alam kong tama ang spelling ko pero feeling ko mali." Sumimangot ako sabay kakagat sana ako sa shawarma pero pinigil na naman ni Sir Francis ang kamay ko.


"Spell mo na lang para matapos na."


"S-T-O-C-K??"


"Continue." Napangiti ako dahil tama naman pala.


"N---- N ba umpisa non??" Napasapo na lang si Sir sa noo nya at parang sumusuko na.


N? Tama naman ah? Naledge?


"Wala kang stock knowledge, Fana. Out of stock na 'yang utak mo." Bumuntong hininga si Sir Francis.


"Eh Sir, Kasi naman. Bigla bigla kang nagpapa-spelling eh hindi naman ako ready. Syempre mamemental block ako."


"Spell 'mental block'."


"Sige na nga mag-review na tayo. Tama ka nga Sir, out of stock na."


"Hay nako, Fana. Paano ka papasa sa final test nyo. Hindi ka makakapag-college kapag hindi ka pumasa." Bumuntong hininga ulit sya. "Kumain ka na nga lang. Pero bukas, susunduin kita ng maaga. Magrereview ka para sa test sa ayaw at sa gusto mo."


Tulad nga nang sinabi ni Sir Francis kagabi. Alas sais pa lang nang umaga kumakatok na sya sa pintuan, hindi na nahiya, pati si Andy na nananahimik kinatok din ang pintuan para lang hingin ang duplicate ng susi ng pintuan ko.


Binigyan ko kasing duplicate si Andy dahil madalas na nawawala ko ang susi ko kaya sya ang taga bukas. Mabuti na nga lang hindi napipikon si Andy dahil nakakailang beses na akong nawawalan ng susi.


"Sabi ko sa'yo maaga kang gumising!" Pinitik na naman nya ang noo ko. "Maligo ka na nga, mukha kang nuno sa punso!"


Hinayaan ko na lang syang magbunganga na parang nanay na pinapagalitan ang anak nya dahil malelate na sa school.


Nang matapos akong maligo at magbihis ay doon na ako sa sasakyan ni Sir nagsuklay. Hindi pa nga ako nag-aagahan.


"Makasermon ka Sir ah, feeling nanay? Teacher lang naman kita ah." Inaantok pa ako kaya humiga ako sa backseat.


The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now