"Akala ko po talaga Ma'am may galit kayo sa'kin, kinabahan ako." Maamong sabi ko habang nakaupo sa pagitan ni Ma'am Celyn at Sir Francis.
"Bakit naman ako magagalit sa'yo?, napakabait mong bata para may magalit sa'yo." Nakangiting sagot ni Ma'am at hinahawi ang buhok ko.
"Dahan-dahan sa paghawak kay Fana, baka mapaglihihan mo 'yan kawawa naman 'yung sanggol." May masamang hangin na naman ang bumulong sa gilid.
Kahit kailan talaga hindi matatahimik ang mundo ko kapag nandito ang garapatang teacher na 'to.
"Naku Francis, Maganda si Fana. Honestly, I want my son to get Fana’s adorableness." Pinanggigilan ni Ma'am ang pisngi ko.
Alam ko naman talaga kasing maganda ako, alam din 'yon ng lahat, ito lang talagang kutong 'to ang ayaw pang aminin na maganda talaga ako.
"Nakakalabo ba ng mata ang pagbubuntis? Dapat sigurong magsalamin ka na Celyn." Dagdag pa ni Sir. Napa-irap na lang ako.
"Lalaki po pala ang baby nyo, Ma'am." Nakangiting sabi ko. "Sino po ang tatay ng baby nyo??" Biglang naglaho ang ngiti ni Ma'am nang magtanong ako.
Napatitig pa ako kay Ma'am at nahuli kong sumulyap sya kay Sir Francis.
"Dami mong tanong, bumalik ka na sa room nyo, baka may teacher na kayo." Pilit na tumawa si Sir hanggang sa umalis na rin ako at bumalik sa room dahil may susunod pa kaming subject.
"Pst! Jade, hindi kita nakitang umuwi kagabi ah." Hindi nya ako pinansin at pinapanood lang ang mga lalaking nagbabasketball sa may covered court at tanaw sa bintana ng room namin. "Gusto mo bang magbasketball?" Tanong ko para naman pansinin nya ako.
"Hindi." Maikling sagot nya at inalis na rin ang tingin sa mga naglalaro.
"Baka naman ang gusto mo 'yung naglalaro hindi 'yung laro?" Pinilit kong 'wag ngumiti dahil baka mabatukan nya ako ng wala sa oras.
"Anong sabi mo?" Tinaasan nya ako ng kilay. Ako naman syempre, bigla akong kinabahan dahil sa tono ng boses nya na parang handang pumatay.
"W-wala ah! Wala naman akong sinasabi haha. Ang sabi ko lang, ano... maganda ang larong basketball kaya baka gusto mo, hehe. Baka lang naman..." Napalunok ako at pinagpapawisan ng bongga dahil sa lamig ng mga titig nya sa'kin.
"Kahit kailan hindi ko magugustuhan ang basketball lalo na ang lalaking 'yon na naglalaro. Pagbuhulin ko pa sila ng bola nya." Pagkatayo nya ay biglang natumba ang upuan niya kasabay ng paghablot nya sa bag.
"Hoy Jade teka saan ka pupunta! May klase pa tayo!" Pagpigil ko sa kanya pero tuloy-tuloy lang sya sa paglakad. Absent rin naman ang teacher namin kaya walang bantay.
Hays, ang hirap nyang pigilan, At oo nga pala! Wala naman akong tinuro sa mga naglalaro ah! Wala nga akong binanggit kung sino doon! Hmm, may naaamoy akong bitter na pumabag-ibig!
"Ms. Santa Cruz! Anong ginagawa mo sa labas ng silid sa kalagitnaan ng klase?! Hindi porke wala kayong bantay ay magpapasaway ka na! Halika, tingnan mo na ikaw lang ang tanging nakatayo at nasa labas!" Sigaw ng teacher sa kabilang section.
"S-sorry po Ma'am." Pumasok ako sa loob at pinagtatawanan naman ako ng mga kaklase ko. Akala mo naman ang babait talaga nila, mga plastic naman! Mabait lang kapag may kaharap na teacher pero mga demonyito't demonyita kapag kami-kami na lang ang nasa room!
"Palibhasa malakas kay Sir. Scent kaya malakas ang loob." Rinig kong bulong ng isa kong kaklase.
"Kaya nga, sumisipsip sya palagi kay Sir akala mo naman bet sya ni Sir."
YOU ARE READING
The Unkind Fate | ✔
Teen FictionThey say love has nothing to follow if not only the heart. A student, Fana Santa Cruz, who admires her teacher is just a joke in the eyes of others. But what if the teacher, Francis Gelo Scent, and Fana fall in love with each other and forget that...