"Mom, I told you hindi naman kami magtatagal, aalis din kami kaagad." Nakahawak si Francis sa baywang ko habang kausap ang Mommy niya.
"Son, dito muna kayo. Magluluto ako ng lunch." Pamimilit naman ng ina niya.
"Fine. Pagkatapos ng lunch uuwi na kami, pagod na si Fana, Mom, kanina pa kayo nagbe-bake ng cookies." Bumuntong hininga si Francis at ako naman ay mahinang natawa.
Hindi naman nakakapagod ang pagbe-bake ng cookies ah? Nag-enjoy nga ako dahil medyo marami rin akong nakain.
Nang nagtungo na sa kusina ang Mommy ni Francis para magluto, lumabas naman kami at pumunta sa garden ng Mommy niya.
Naupo muna ako sa isang bench dahil bigla akong naging hindi komportable.
Mukhang napansin ako ni Francis kaya umupo din sya sa tabi ko at isinandal ako sa balikat niya habang hinahaplos ang likod ng palad ko.
"May problema ba?" Malambing niyang tanong.
Bumuntong hininga ako at umiling. Hindi ko rin kasi maintindihan kung bakit pakiramdam ko ang lungkot pero hindi naman. 'Yung parang wala kang gana bigla.
"May dalaw?" Mahina siyang natatawa.
"Meron... kaso kaunti lang ang lumalabas na dugo... baka low blood ako." Sagot ko at diretsong nahiga at ginawang unan ang hita niya.
"Napupuyat ka kasi sa trabaho kaya hindi nakokompleto ang tulog mo, malakas kaya maka-low blood ang pagpupuyat." Imbis na mag-alala ay sinermonan pa niya ako na para bang kasalanan ko na hindi pwedeng matulog sa trabaho.
"Doon muna tayo sa guest room, matulog ka muna habang naghihintay tayo ng lunch." Nakasimangot akong tumango at dahan-dahang bumangon.
Nakaalalay si Francis sa akin. Nadaanan namin ang Mommy niya na nagluluto pa kaya dumiretso lang kami paakyat sa guest room nila.
Nahiga ako sa kama at doon ay nakaramdam ako ng kaunting ginhawa. Akala ko nga iiwan ako ni Francis dahil baka lumabas sya ng kwarto at may iba pang gagawin pero nagkamali ako dahil humiga rin siya sa tabi ko at pinanood akong makatulog habang hinawi-hawi ang buhok ko.
Nakapikit ako ngunit hindi pa rin ako inaantok. Pinakiramdaman ko na lang si Francis.
"Fana, Mahal na mahal kita, Hon.." Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko. "Pahinga ka muna, babantayan kita. I love you."
Gusto kong makita ang mukha niya pero mas pinili ko ang manatiling nakapikit upang pakiramdaman siya.
Kung panaginip man lahat ng ito, sana huwag na akong magising. Matagal ko nang pinangarap ang makapiling sya. Matagal kong nang dinadasal-dasal na sana ay pangalan ko ang hinahanap-hanap ng isipan niya.
Panginoon, inaalay ko sa'yo ang pag-iibigan naming dalawa. Ipinagkakatiwala ko sa inyo ang puso't kaluluwa ko. Alam kong hindi ninyo hahayaang masaktan at masira ang pusong kay tagal na naghintay sa pagkakataon na'to. Inaalay ko sa'yo ang lahat ng mayroon ako, maging si Francis, alam kong ligtas ang mga ito sa piling mo.
Nasa inyo ang paniniwala at pananampalataya ko at nais kong humiling na sana ay pang-habang-buhay na regalong ito na ipinagkaloob ninyo sa isang katulad ko.
Nakapikit ako ngunit pumapatak ang aking mga luha. Hindi ko na kinaya at iminulat ko na ang aking mga mata nang maramdaman ko ang pagpunas niya sa aking mga luha.
YOU ARE READING
The Unkind Fate | ✔
Novela JuvenilThey say love has nothing to follow if not only the heart. A student, Fana Santa Cruz, who admires her teacher is just a joke in the eyes of others. But what if the teacher, Francis Gelo Scent, and Fana fall in love with each other and forget that...