83

36 2 0
                                    

Kasalukuyan akong nagpapahinga sa E.R at kagigising ko lang din. Hindi pa rin nawawala ang pagkahilo ko.


"Wala pang resulta sa blood test na kinuha ng nurse sa'yo kaya sa ngayon kumain ka muna. Hindi ka pwedeng umayaw, pipilitin kita." Hawak ni Andy ang isang pinggan na may lamang kanin at ulam.


Kumakalam na rin ang sikmura ko kaya't kumain na ako para din hindi na ako pagalitan ni Andy. Naubos ko nga 'yung kanin. Gutom at puyat ang sigurado akong dahilan nang pagkahilo ko.


"Nagkakulay bigla ang labi mo nung kumain ka. Ayaw mo kasing makikinig sa'kin, gustong-gusto mong nalilipasan ka ng gutom." Panenermon niya habang pinupunasan ng tissue ang gilid ng labi ko.


"Umakyat na tayo sa kwarto ni Faye." Bulong ko pero umiling siya.


"Hintayin na natin ang resulta ng blood test mo." Napabuntong hininga na lamang ako at nanatiling naka-upo sa hospital bed.


Dumating ang resulta at Doctor ang nagdala nito sa amin.


"To much stress, lack of sleep and lack of nutrients. Mga dahilan ng pagkahilo ninyo, Mrs. Lalo na ngayon dapat kayong magdoble ingat kayo sa katawan ninyo." Kaharap namin ang doctor habang ang isang nurse ay kinukuha ulit ang blood pressure ko.


"Naku Doc pagalitan nyo nga nang makinig, ayaw makinig sa'kin kapag sinasabihan kong kumain na sya magagalit pa sa'kin." Napakamot pa sa ulo si Andy at napayuko naman ako dahil guilty ako sa mga sinusumbong nya.


"Ganon naman ho ata lahat ng buntis, mainitin ang ulo." Sabay tumawa ang Doctor. Nakitawa pa si Andy at tila hindi nya na-gets ang sinabi ng Doctor at nang unti-unting magsink-in sa amin ang sinabi ng Doctor ay parang gusto ko ulit himatayin.


"S-sinong buntis?!" Gulat na tanong ni Andy. Nahablot ko tuloy ang braso nya at doon ako kumapit ng mahigpit.


"Hindi nyo ba alam? She's two weeks pregnant kaya nga 'diba sinabi kong dapat ay magdoble ingat."


Parang hihimatayin ulit dahil sa mga naririnig ko. Kalahating oras ata kaming tulala at pinoproseso sa utak na buntis ako.


"Mahal, buntis ka..." Nakailang sabi na si Andy sa salitang 'yon. "Magiging totoong tatay na 'ko..."


"Matutupad na ang hiling ni Faye, ang magkaroon ng nakababatang kapatid..." Sagot ko.


Maya maya ay biglang lumapad ang mga ngiti ni Andy at pinaghahalikan ang buong mukha ko. Niyakap ako ng mahigpit at panay himas sa tiyan ko.


Ako naman ay natutuwa sa nakikita ko at para akong kinikiliti sa tuwing bubulong si Andy na magkakababy na kami. Masaya ako, masayang masaya at alam kong magiging masaya ang paggising ni Faye dahil magkakaroon na sya ng bagong kapatid.


Umalis kami sa E.R at naka wheel chair ako dahil nanlulumo ang tuhod ko, nahihilo pa rin ako kaya nag elevator na kami paakyat sa kwarto.


Nang makapasok sa kwarto, nadatnan namin si Francis na nakaupo sa tabi ni Faye at bakas ang pag-aalala sa mukha niya nang makitang nakaupo ako sa wheel chair na tinutulak ni Andy.


"What happened? Bakit ka naka-wheel chair?" Tanong niya na agad namang sinagot ni Andy.


"Nahilo at nawalan sya ng malay kanina kaya dinala ko sya sa E.R" Tipid nyang sagot at agad akong inabutan ng tubig na maiinom.


"Anong sabi ng Doctor?" Tanong pa ni Francis.


"Gutom at pagod daw." Muli ay tinipid niya ang sagot nya. Hindi naman na umimik si Francis.


The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now