"Good Morning, Mr. Twazon." Parang nagpanting ang pandinig ko at napalingon ako sa babaeng tumawag sa apelyido ni Andy.
Hindi ko nagustuhan ang tono ng boses ng babae na 'yon ah..
"Sino 'yon?" Tanong ko kay Andy.
"Hindi ko kilala..." Inosenteng sagot niya at nilingon pa ang babaeng bumati sa kaniya. "Empleyado ata natin 'yon?.." Nag-aalangan niyang dagdag.
"Ang landi ng boses nya. Hindi ko gusto." Prangkang sabi ko at naunang maglakad papasok ng sasakyan.
Sumandali kami para silipin ang mga products na ishi-ship out from here to different countries. Sandaling-sandali lang kami dahil papasok pa ako at pinagbantay ko lang sandali ang nag-o-ojt na estudyante sa school.
"Galit ka ba? Hindi ko naman talaga kilala 'yon..." Halatang sinasabayan niya ang bilis ng paglakad ko. Hindi ako nagsalita hanggang sa makapasok kami sa loob ng kotse.
Nang makapag-seatbelt na ako, magsasalita pa sana sya pero hindi na natuloy dahil may tumawag sa phone niya.
"Hindi ko pa nare-recieve, subukan mo na lang isend ulit, ichecheck ko na lang later after work." Napahaba ang conversation nila ng sekretarya niyang lalaki dahil natambakan na ang kailangang pirmahan ni Andy dahil nagsunod-sunod ang dumadating na supply at sunod-sunod rin ang pag-ship out ng mga products kaya mas lalo syang naging busy.
Nakarating na kami't lahat sa school at nag-uusap pa rin sila ng sekretarya niya. Hindi na nga ako nagpaalam at bumaba na lang ako ng sasakyan.
Palagi nya kaming hinahatid sa school, nauna na sa school si Faye kaya ako na lang ang hinihintay nya. May sasakyan naman ako pero nagpapahatid pa rin ako sa kanya. Noong binili ni Andy ang kotse ko ay nag-aaral akong mag-drive noon pero naging busy ako sa trabaho kaya hindi ako nakaattend sa ilang session kaya ang ending hindi rin ako natutong mag-drive.
These past few days mas lalong nagiging busy si Andy kaya napag-isipan ko na mag-hire ng driver para hindi masayang ang kotse dahil baka masira lang, hindi nagagamit.
"Mama!" Sigaw ni Faye nang makita ako. Maging ang iba kong estudyante ay mga tuwang-tuwa nang makita akong papalapit sa class room. "Teacher look! My Mama's here na!"
"Shh, Mama told you not to shout 'diba? lalo na kapag older sa'yo ang kausap mo?" Tanong ko nang makalapit ako sa kaniya.
"Sorry po..." Nangiti na lang ako at bahagyang pinisil ang pisngi niya bago ako naupo sa chair ko.
"Teacher, my tummy hurts..." Isa sa mga estudyante kong babae ang lumapit sa akin at putlang-putla. Para akong matataranta kapah may ganitong ganap sa loob ng classroom ko.
Para syang matutumba kaya pinaupo ko muna sya ay pinainom ng tubig. Agad kong tinawagan ang guardian nya para iinform sila na dadalhin ko sa clinic ang bata.
Nang ma-inform ko na ang guardian, dinala ko sya agad sa clinic. Ninenerbyos na ako dahil sobrang lamig ng kamay nya at putlang-putla. Maging ang anak ko at ibang estudyante ay sumunod sa clinic dahil magkakaibigan halos ang mga batang ito, hindi maiwan ang isa't isa.
Ilang minuto lang ang lumipas dumating na ang yaya ng estudyanteng kong dinala sa clinic na si Jianna. Transferee si Jianna at wala pa siguro syang 2 weeks dito. Hindi ko sya dapat estudyante dahil marami na akong hina-handle pero dahil naaawa ako sa co-teacher ko na medyo may katandaan na eh tinanggap ko na dahil marami na rin syang chikiting na hina-handle.
YOU ARE READING
The Unkind Fate | ✔
Teen FictionThey say love has nothing to follow if not only the heart. A student, Fana Santa Cruz, who admires her teacher is just a joke in the eyes of others. But what if the teacher, Francis Gelo Scent, and Fana fall in love with each other and forget that...