"Ano?" Nakangiwi kong tanong.
Paano magkakagusto sa akin si Andy eh para ko nang kapatid 'yon? Tsaka naglolokohan lang naman sila si Aaron na liligawan ako, kaya nga sinasakyan ko lang dahil alam kong naglalaro lang sila kaya sobrang imposible.
"Kaya nga lapit ng lapit sa'yo 'yon dahil may gusto sa'yo, lalaki ako Fana kaya alam ko 'yang mga galawan na ganyan." Masungit niyang pagkakasabi.
Tumawa na lang ako at napailing-iling.
Kalokohan.
"Bakit ka tumatawa? Masaya ka na gusto ka ng lalaki na 'yon? Gusto rin naman kita ah." Naka-set na naman siguro sa 'on' ang kasungitan nya kaya sinusungitan na naman ako.
"Nagseselos ka ba sa lagay na 'yan? Huh Francis?" Panunuri ko sa kanya. Sarkastiko siyang ngumisi.
"Oo dahil girlfriend kita kaya ako lang ang dapat manligaw sa'yo. Pangako, liligawan kita kahit ikasal na tayo, liligawan kita kahit may mga anak na tayo, at liligawan pa rin kita hanggang pagtanda kaya please lang 'wag kang papatol sa lalaki na 'yon." Lumapit siya sa akin sabay hablot ng kamay ko. "Hindi ako sanay na i-share ang akin."
Kailan pa ako naging sa kanya? Aba, oo girlfriend nya ako pero hindi nya ako pagmamay-ari, kutusan ko pa 'to.
"Oo na, promise kaya bitawan mo na ako dahil mahuhuli ako sa trabaho." Pag-iiba ko na lang ng usapan.
"Hahatid na lang kita..." Bakas ang pagmamakaawa sa boses niya kaya hindi na rin ako nakatanggi at napa-oo na lang ako.
Sino ba namang makakatanggi sa lalaki na 'to?
Nang matapos akong maligo ay madalian na akong nagbihis at nag-ayos, maaga pa naman pero syempre mas mabuti nang hindi ma-late.
"Breakfast ka muna." Salubong niya sa akin paglabas ko ng kwarto at sinusuklay ang buhok ko dahil kakatapos ko lang magbihis.
"Sige, sandali lang." Nagsuot muna ako ng sapatos bago umupo at nagsimulang kumain. Napansin ko pang tumayo siya at akala ko kung ano ang gagawin nya kukuhanin lang pala ang suklay ang susuklayin ang buhok ko.
"Ang bango-bango ng honey ko..." Bulong niya na ikinibit balikat ko lang.
Nag-toothbrush na ako at hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko dahil basa pa, mamaya ko na lang aayusin pagdating sa trabaho dahil siguradong maaga pa naman at wala pang customer.
"Tara na Hon, baka ma-traffic tayo." Sabi ko at kinuha ko ang bag ko. Nauna akong maglakad palapit sa pintuan pero tumigil din ako nang mapansing hindi sya sumusunod sa akin. "Akala ko ba ihahatid mo ako?" Kunot noong tanong ko pero nakatayo lang sya doon at nakatitig sa akin. "Hays, sige na, magje-jeep na lang ako."
"Teka, hahatid kita. A-ano muna 'yung tawag mo sa'kin kanina??" Sa itsura niya ay daig pa nya ang nagpipigil ng ngiti. "Hon? Hon ba tinawag mo sa'kin??"
"Oo?" Patanong kong sagot dahil nakalimutan ko rin kung Hon ba ang tinawag ko sa kanya o Francis. "Hindi na mahalaga 'yon, tara na." Ngumiti ako.
"Well, that matters to me." Malaki ang mga ngiting sabi niya at kinuha na ang susi ng sasakyan nya. "Hahatid na kita, Hon." Napailing-iling na lang ako nang diinan niya ang pagsasabi ng Hon.
"Say it again, tawagin mo ulit akong Hon, sige na." Pangungulit niya habang nasa loob kami ng sasakyan at nagmamaneho siya.
"Para saan ba?" Natatawang tanong ko dahil sobrang kulit nya.
"Sabihin mo na lang!" Sinungitan na naman nya ako katulad ng madalas nyang gawin dati kaya hindi ko na napigil matawa dahil naaalala ko ang kasungitan nya noon, mas malala pa nga ata ang ngayon dahil inuutusan na nya ako oh.
"Wala naman akong sasabihing iba eh, tsaka na lang, Hon." Sabay pabiro akong umirap, hindi rin naman sya nakatingin eh dahil tutok siya sa pagmamaneho.
Mukha namang nakontento na sya sa sinabi ko dahil pangiti-ngiti na lang sya at namumula ang tainga.
"Dito na lang, 'wag mo nang ihinto sa tapat baka may makakita pa." Sabi ko na lang at handa na akong bumaba ng sasakyan pero dahil nga si Francis ang boyfriend ko, hindi ako nakaalis hanggang hindi ko siya hinahalikan sa pisngi. Wala naman akong pagpipilian kung hindi ang humalik kaya ginawa ko na lang para makababa na ako.
"Mag-iingat ka sa byahe." Mahinahon kong sabi at nagpaalala pa ako sa kanya na dumiretso sya agad sa bahay nya at 'wag na sa apartment.
Nang hindi ko na matanaw ang sasakyan niya, nagsimula na rin akong maglakad papalapit sa main door.
Nang makapasok ako naabutan ko kaagad si Aaron at kasama si Andy na hindi manlang ako binati. Nakakapanibago dahil araw araw kapag papasok ako madalas na sya ang unang babati ng good morning sa akin sa trabaho pero ngayon ay si Aaron lang.
"Good Morning." Nakangiting sabi ko kay Andy pero ngumiti at tango lang sya sabay bumalik na sya trabaho.
"Hayaan mo na 'yan, binangungot ata kagabi kaya hindi maganda ang gising." Pabiro akong tinapik ni Aaron sa balikat. Tumango na lang din ako at dumiretso sa locker para ilagay ang bag ko at aayusin ko na rin ang buhok ko.
Nang magsimula ang trabaho masyado kaming naging abala at hindi na nagkaroon ng time para magrelax-relax dahil grabe ang pagdating ng mga customer. Maraming customer dahil weekend na.
Pagkaalis ng isang customer may papalit na naman isa. Hindi pa nga lumalamig ang upuang inupuan ng naunang customer ay may dadating na agad. Pati ang chef rush na rush dahil sa dami ng order.
Medyo nahirapan lang ako sa isang grupo ng kababaian na umorder dahil ang dami nilang request, kung pwede daw ba pakibilisan tapos yung drinks daw nila dapat hindi masyadong may yelo tapos pinapalinis pa sa akin ang mesa nila kahit malinis naman na gusto daw nila ng mas ma-sanitze yung lamesa nila at tsaka hindi ko naman trabaho 'yon, ang trabaho ko dito ang kumuna at mag serve ng order nila.
"Bakit ba ang kupad mo? My god! Nasaan ba ang manager nyo?!" Sita ng isa sa mga babaeng nahihirapan akong asikasuhin dahil ang daming request eh hindi lang naman sila ang customer namin.
"Pasensya na ho, ano po ba ang nirerequest nyo ulit?" Magalang kong tanong kahit pa binabastos na ako ng customer na 'to na akala mo naman dinodoble nila ang bayad para mag-inarte sila ng ganito.
"Hindi na! Hindi na ako oorder at iharap mo sa akin ang manager nyo! Napakakupad nyong mga waiter---"
"Good Afternoon Ma'am, I am Christan Hallow the manager of this restaurant, how can I help you?"
Napalingon ako nang marinig ko ang boses ng manager namin. Nakita ko rin kung paano naging mapang-akit ang pagtitig ng babae kay Mr. Christan.
"Well, Wala naman, gusto ko lang na tanggalin nyo ang babae na 'to dahil ang bagal bagal kumilos or else sisiraan ko ang Diner nyo, baka hindi nyo kilala kung sino ako?"
"Sorry if we don't know who you are, you also can't order me to fire my employee especially since your complaint is meaningless. I am really sorry Ma'am but the door is widely open and you are free to come out, thank you."
•°•
Lady_Mrg
YOU ARE READING
The Unkind Fate | ✔
Teen FictionThey say love has nothing to follow if not only the heart. A student, Fana Santa Cruz, who admires her teacher is just a joke in the eyes of others. But what if the teacher, Francis Gelo Scent, and Fana fall in love with each other and forget that...