52

86 2 0
                                    

Nagising ako ng alas tres ng madaling araw dahil na alimpungatan ako pero nakatulog din ulit ako dahil sobrang komportable ng pagkakahiga ko kahit pa medyo mabigat si Francis dahil nakaunan siya sa tiyan ko.


Nang magising ako ng bandang alas otso wala na si Francis sa tabi ko, maaga siguro siyang nagising dahil baka hindi sanay na may katabing matulog.


"Hon? San ka?" Pagtawag ko sa kaniya. Hindi muna ako diretsong bumaba dahil naghilamos muna ako at nagsuklay bago bumaba.


Paglabas ko ng kwarto, papalapit pa lang ako sa hagdanan pero may naririnig na akong nag-uusap sa ibaba. Inakala ko na baka may biglang bisita si Francis na mga co-teacher nya kaya hindi muna ako bumaba.


"Kailan kayo dumating?" Pakinig kong tanong ni Francis sa malamig na boses.


"That's not important sweetie, ang mahalaga nandito na ang Mommy. aren't you happy to see me?" Masayang tugon ng boses babae na siguro ay may edad na.


"Should I be happy?" Pabalang na sagot ni Francis.


Dahil na-curious na rin ako kung sino ba ang kausap niya ay sumilip na ako at malinaw kong nakita ang kausap niyang babae na siguro ay nasa 50's na at magara ang kasuotan at mukhang mamahalin ang mga gamit lalo na ang mga alahas niyang suot.


Parang pamilyar ang mukha niya, para bang kahawig ni Francis?


Teka...


Mama ni Francis?! 'Diba uuwi na dito 'yon?? Agh nakakahiya naman na ganito ang itsura ko!!


"Ah excuse me--" Napatalon ako sa gulat nang may humawak sa balikat ko, muntikan pa akong malaglag mabuti na lang at nakakapit ako. "Ikaw ba 'yung maid dito? My god, it so hot here. Give me lemon ice tea, bilisan mo ayokong naghihintay." Utos ng babae na tumalikod din kaagad at bumaba palapit sa kung nasaan sila Francis.


Parang pamilyar ang boses ng babaeng nag-utos sa akin? At tsaka hindi ako katulong dito!


"Ang bagal kumilos ng maid mo Francis! That's why I don't want to come here in Philippines! Ang babagal ng mga tao!" Dinig kong reklamo ng babae na talagang pamilyar ang boses, parang narinig ko na sa kung saan ang boses na iyon.


"I don't have maid." Sagot ni Francis.


"You don't have what? Kung ganon, who is the woman who peeked at you before? 'Yung nakasilip sa may stairs?? Omg... Don't tell me I just saw a freaking ghost! Oh my god Mom I don't want to be here anymore!!" Sigaw ng babae at nang makita ko ang mukha niya ay tsaka ko naalala kung saan ko sya nakita.


Siya 'yung iskandalosang babae sa restaurant na ang daming reklamo at gusto pa akong patanggalan ng trabaho. Ang liit nga naman talaga ng mundo!


"Tumahimik ka nga Janaih! Mom why did you take that woman with you and why did you come here? Didn't you agree to let me do what I wanted to do?! Bakit sinundan nyo pa ako dito!" Pasigaw na singhal ni Francis.


Iyon nga ang nanay niya. Bakit naman ayaw nyang makita ang Mommy nya? Ako nga pinapangarap kong makasama ulit si Nanay tapos sya naman pinagtatabuyan nya ang Mommy nya.


"Ganyan ba ang pag-uugali ng isang teacher? Huh Francis?! I allow you to live here alone because we have an agreement. Sa ayaw at sa gusto mo, you will do what we talked about like you said 3 years ago before I allowed you to live here in Philippines!" Singhal ng Mommy niya sabay tingin sa kung nasaan ako ngayon.


Hindi man siya nagpakita ng gulat na emosyon ay alam kong nagulat sya nang magtama ang mga mata naming dalawa. Sa sobrang taranta ko at napaakyat ako sa itaas at aksidenteng natumba ang mukhang mamahaling flower vase.


"Who is that woman and why is she peeking at us?" Maotoridad na tanong Mommy niya.


Sa sitwasyon na 'to parang mas gusto kong sabihin ni Francis na maid nya lang ako dahil sa tindig pa lang ng Mommy nya parang sisipain na ako palabas at ipagtatabuyan.


Hindi ko na nagawang magtago ulit dahil nakita naman na nila ako, pati si Francis ay nakatitig sa akin at parang wala lang.


"She?" Tanong ni Francis. "Fana, tara dito, ipapakilala kita sa kanila." Malambing siyang ngumiti at lumapit sa akin, inalalayan nya akong bumaba hanggang makalapit kami sa Mommy nya at sa babaeng kung makatingin sa akin parang gusto akong prituhin ng buhay.


"G-good Morning p-po, Ma'am.." Nakatitig siya sa akin at para bang kinikilatis ang buong pagkatao ko. Magma-mano nga sana ako kaso iniwas niya ang kamay niya kaya napahiya ako.


Hindi na ako nakatingin ng diretso sa kanila lalo na nang marinig kong tinawanan ako ng babaeng maldita na katabi ng Mommy ni Francis.


"What's funny, Janaih?" Inis na tanong ni Francis. Siguro ay nararamdaman niya ang nerbyos at kaba ko kaya hinawakan niya ang kamay ko. "Mom, she's my girlfriend. Stop staring at her like that, tinatakot mo sya!"


"Why not stare at her? And she's your girlfriend? This woman?" Tinuro ako ng Mommy niya.


"Yes." Matigas na sagot ni Francis.


Para akong inaapuyan dahil pinagpapawisan na ako sa sobrang kaba. Sa tono ng pananalita ng Mommy nya parang kulang na lang sabihin nyang hindi nya ako gusto para sa anak nya dahil mahirap lang ako at hindi nababagay sa pamilya nila.


"What's your name Hija?"


"F-fana Santa Cruz po..." Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Francis.


"Santa Cruz, Your last name is very common. Do your parents have a business? Are you an heir of a wealthy family?"


Paano ko sasabihing mahirap lang ako at wala nang mga magulang...


"Mom stop!"


"Why Francis? Tinatanong ko lang sya about her background so what's wrong with that?"


Nag-aaway na sila kaya dapat na makaalis na ako dito dahil baka ako ang pagmulan ng away nilang mag-ina.


"Mahirap lang po ako. Waiter po ako sa isang restaurant at wala na akong mga magulang, tanging ako lang ang kumakayod para buhayin ang sarili ko. Mag-isa lang po ako Ma'am at naiintindihan ko po kung ayaw nyo sa isang mahirap na katulad ko para sa anak ninyo..."


"Fana tama na..." Hindi ako nakinig kay Francis at nagpatuloy lang ako.


"Kung hindi nyo po ako gusto, ako na lang po ang lalayo 'wag nyo lang parusahan si Francis..." Luluhod pa ako sa harapan niya para magmakaawa pero hinablot na ako ni Francis.


"H-handa kang iwan ako dahil lang 'don?!" Tanong ni Francis. Pilit lang akong ngumiti sa kaniya bago nagsalita ulit ang Mommy nya.


"Kung gano'n ay didiretsuhin na kita Hija,"



•°•

Lady_Mrg

The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now