68

40 4 0
                                    

"Ma'am kinukulit ho ako ni Faye na lumabas." Sumbong ng yaya ni Faye na kakasimula pa lang magtrabaho noong isang araw pero stress na stress na agad.


"Anak umuulan nga, hindi pwede dahil mababasa ka, kapag nabas ka magkakasakit, at kapag nagkasakit ka anong mangyayari?"


"Mama and Papa will get--- Papa! Yay! Is that a new mermaid doll??" Nagtatakbo si Faye at sinalubong ang Papa niya na kararating lang galing trabaho. Napailing na lang ako dahil nakalimutan na naman ako ng anak ko.


"Ayan nagkukulit at gustong lumabas eh umuulan nga." Pagsusumbong ko kay Andy na ngayon ay buhat-buhat na si Faye.


"May payong naman bakit hindi mo payagan? Hindi naman sya maliligo ng ulan." Sagot ni Andy. Talaga nga naman, pagdating kay Faye lahat nasusunod.


"Hay ewan ko sa'yo, ini-spoil mo 'yang anak mo kaya minsan ayaw nang makinig sa'kin." Napahilot ako sa sentido at naupo sa couch at ipinagpatuloy na lang ang pag-compute ng grades dahil malapit na ang pasahan ng card.


"Thank you po Papa!" Napatingin ako sa kanila at nakita kong ibinaba ni Faye ang laruan niya at muling nagpabuhat kay Andy. "Sleepy..." Mahinang sabi ni Faye at isinubsob ang mukha sa balikat ng Papa nya.


"Sleep na, bukas na lang kayo mag-play ni Ariel." Talagang hinele pa ni Andy si Faye hanggang makatulog. "Mahal, sunod ka na sa kwarto ah."


Tumango lang ako at bumalik sa ginagawa ko. Alas otso na ng gabi at dapat nga kanina pa tulog si Faye, hinintay lang talaga nya na dumating si Andy para maglambing bago matulog.


Ilang oras na ang dumaan, nang makaramdam na ako ng antok sumunod na ako sa itaas at pagbukas ko ng pintuan naabutan kong tulog na ang mag-ama ko. Nakayakap si Faye kay Andy habang si Andy ay hawak pa ang stuff toy ni Faye.


"Good night..." Pareho ko silang hinalikan sa noo.





Friday na ngayon, maaga kaming pumasok ni Faye sa school dahil maaga ko ring pinapasok si Jianna para makapag-review pa sila para sa gaganaping spelling contest mamaya.


"Anak seat down properly, madudumihan ang damit mo." Saway ko kay Faye dahil napakalikot niya at nilalaro pa ang maliit na flower vase na design sa ibabaw ng table ko.


"Tagal naman Jianna..." Bulong ni Faye at bored na bored na.


"Nanyan na sila kaya 'wag ka nang maglikot dyan." Pinaupo ko na si Faye sa kabilang upuan nang dumating sila Jianna.


"Good Morning, Teacher!" Pagbati ni Jianna sa akin. Ngumiti naman ako at binati rin sila bago kami nagsimulang mag-review.


"Very good Jianna, for the last, spell the word magnificent." Kasyual na pagkakasabi ko. Nagtaas ng kamay si Faye kaya siya ang tinawag ko.


"M-a-g-n-i-f-i-s-e-n-t!" Nakangiting sagot ni Faye.


"No, it supposed to be 'C' not 'S'. M-a-g-n-i-f-i-c-e-n-t, magnificent. Remember that kasi baka magkamali ka mamaya, baka kasama sya sa questions." Pagpapaliwanag ni Jianna. Nakikinig naman si Faye at nagpasalamat pa dahil itinama ni Jianna ang maling spelling niya.


The Unkind Fate | ✔Where stories live. Discover now