"Ayaw mo na mag-date tayo sa labas kaya dinala ko na lang dito sa bahay ang date na gusto kong maranasan mo." Ipinaghila niya ako ng upuan.
Nandirito kami sa bakuran ng bahay niya. Alas diyes pa lamang ng gabi at malamig ang simoy ng hangin sa paligid. May isang mesa ang nakahanda at dalawang upuan para sa aming dalawa.
Walang kahit anong disenyo dahil ang pinakadisenyo ng date na ginawa nya ay ang mga bituwin at buwan. May kandila sa gitna ng mesa at mga pagkain na siya mismo ang nagluto para raw espesyal at magustuhan ko.
"May ano? Wala namang okasyon. Para saan 'tong date natin?" Napapangiti kong tanong dahil napaka-pormal niya at may dala pang isang bouquet ng rosas at may mga picture pa namin.
"Pwede bang manligaw?" Maamo niyang tanong at inabot sa akin ang mga rosas. Ako naman ay natatawa lang at pinagmamasdan siya. Sa totoo lang aaminin ko na mas nagugustuhan ko ang ganitong side ng pagkatao niya, 'yung malambing kaysa doon sa mayabang at palagi akong ginagalit.
"Manligaw?" Paglilinaw ko dahil baka mali ako ng pagkakarinig. Matagal ko na syang sinagot, ano na naman kaya ng pakulo nito?
"Manligaw. As in liligawan ulit kita." Sabay hawi niya sa buhok ko. "Pinaka gusto ko ang nakikita ang leeg mo."
"Leeg ko? bakit?" Nakakunot ang noo kong tanong.
"Basta. Hindi lahat ng tanong mo dapat sasagutin ko." Pabiro niyang tugon.
"Eh kung 'wag ko kayang sagutin ang tanong na kung pwede ka ulit manligaw, para patas."
"Mahal naman, syempre para sa'kin na lang kung bakit gusto kong nakikita ang leeg mo." Sumimangot pa siya na para bang siya ang nakakawawa sa aming dalawa.
"Sige na, 'wag ka nang sumimangot." Natatawa ko siyang tinapik sa pisngi.
"Pwede ba kitang ligawan ulit? Hon?" Tumitig siya sa aking mga mata habang nakahawak ang isang kamay sa baywang ko.
Fana! Ano ba 'to? Para akong lumulutang nito!
"Oo naman. Paulit-ulit kong ibibigay ang 'Oo' para sa'yo." Mahina siyang natawa at napaiwas ng tingin nang marinig ang sagot ko. "Oh, bakit ka namumula? Ikaw ang nagsimula nito tapos ikaw ang mas kinikilig?" Natatawa kong tanong.
Nakikita kong pinipilit niya na magseryoso pero natatalo pa rin siya ng mga ngiti niya. Okay lang 'yan mahal, mas gusto kong nakikita kang nakangiti kaysa palaging blanko at seryoso ng mukha mo.
"Ang daya mo. Ikaw dapat ang kinikilig ng ganito." Naupo na siya at inabot ang kamay ko. "Kaya hindi ka mawala-wala sa isip ko eh, palagi mo akong tinatanggalan ng karapatang magpakilig dahil imbis na ikaw ang kinikilig sa ating dalawa, nagkabaliktad!"
"Ewan ko sa'yo, Francis." Naiiling kong sagot. "Pwede namang isang putahe na lang ang hinanda mo, bakit ang dami nito eh dalawa lang naman tayong kakain." Ang dami niyang niluto. Iniisip ko tuloy na baka matakaw ang tingin nya sa akin.
"Wala lang. Okay nang sobra kaysa kulang." Pagdadahilan niya.
Nagsimula ang nakakakilig na date namin na sinet-up niya. Magdamag kaming nagkuwentuhan at marami akong mga bagay na natuklasan sa kaniya, syempre ganon din sya sa akin. Doon ko narealize na marami pa akong hindi alam sa kaniya at marami pa akong dapat malaman. Dahil sa gabing iyon ay mas napalapit at nakilala ko siya ng husto.
Nalaman ko na ang kasunduan niya at ng Mommy niya bago siya payagan na manirahan mag-isa dito. Medyo masakit sa akin na kailangan nyang gawin 'yon pero nang malaman ko na ang dahilan kung bakit kailangan niyang gawin ang bagay na iyon ay parang mababaliw ako, hindi ko kakayanin kung itutuloy niya.
YOU ARE READING
The Unkind Fate | ✔
Fiksi RemajaThey say love has nothing to follow if not only the heart. A student, Fana Santa Cruz, who admires her teacher is just a joke in the eyes of others. But what if the teacher, Francis Gelo Scent, and Fana fall in love with each other and forget that...