Chapter 1

281 10 2
                                    

(MPA: Calix)

I came from a rich family. Noon, akala ko masayang maging mayaman at sikat. Ngayon, hindi na. Laging busy ang parents ko sa pagpapatakbo ng restaurant namin sa California at dahil don nawalan sila ng time sakin. Once a month ko lang sila nakikita. Ang naging parents ko at nakalakihan ay si Manang. Siya ang laging nasa tabi ko, hindi niya nakakaligtaan ang kaarawan ko. Lagi siyang nandiyan nung panahong nag-iisa ako at walang matakbuhan. Si Manang ang naging mommy at daddy ko. Maswerte ako sa kaniya, ngunit isang araw nagpaalam siya.

"Calix, anak. Hindi na ako p'wedeng tumagal dito. Senior citizens na'ko at hindi na ako p'wedeng magtrabaho pa." Wika ni manang habang naghahain ng breakfast.

"Manang, pwede ka naman ditong manatili. Paano ako, alam n'yo naman na hindi ko kayang mamuhay ng mag-isa dahil sinanay n'yo ako na lagi kayong nandiyan para sakin." Wika ko.

"Ayoko man umalis pero kailangan. Matagal na'kong naninilbihan dito. Kailangan kong umuwi para makasama naman ang aking mga mahal sa buhay." Wika ni Manang. Ito na yata ang pinaka masakit na nangyari sa buong buhay ko. Ang umalis si manang.

"Sino na ang makakasama ko palagi kung umalis ka na manang?" Wika ko.

"'Wag kang mag-alala may papalit sakin dito at sigurado ako na magkakasundo kayo." Wika nito, pilit ko nalang ngumiti kahit nalulungkot ako sa pag-alis ni manang. Niyakap ko si Manang. Sana makita ko siya ulit. I'm gonna miss her so much.

"Sige na, kumain ka na. Baka malate ka pa."

(MPA: Yherinah)

(Jeshu Vecema University)

Bungad agad sakin ng makalabas ako sa taxi.

Woah! The best talaga si Lola. Pinag-aral niya pa ako rito sa pinaka sikat na school sa Pilipinas.

Pumasok ako sa malaking gate. Para lang siyang bahay. Bumungad agad sakin ang naglalakihang building. May mapang ibibigay sayo sa pagpasok para malaman mo kung saan ka pupunta. Malawak ito, nakakamangha. Lumakad ako at tiningnan ang mapa na ibinigay sakin ng guard.

Malayo-layo rin ang building ng Senior High kaya makakapaglibot rin ako. Madadaanan ko ang Library, Cafeteria, Computer Room at Art room. Kaya naisipan ko na pumunta roon.

Namangha talaga ako sa daming libro sa library. Ang lawak ng library na'to, katumbas ng apat na room. Halatang mahahalin ang mga libro roon. Sobrang lawak din ng cafeteria, katumbas ng isang maliit na mall. 'Yung art room naman ang gaganda ng mga nakadesign na paintings, craft, drawings and etc. Madami sigurong nag-aaral dito? Gayon din sa computer room. Wala kang makikitang alikabok. Ang lilinis at maayos.

Nakakatuwa naman na rito ako pinag-aral ni lola. Transfer lang ako rito kaya wala pa akong I.D. Hindi ko naman talaga pinangarap na mag-aral dito ang mahalaga sakin makapag-tapos ako. Sanay naman ako sa private school dahil lagi akong pinag-aaral ng magulang ko sa mga kilalang school, pero nung may mangyaring hindi namin inaasahan nakapag-aral ako sa public school. Masaya naman don, pero hindi parin maiiwasan na lagi akong binubully. Dahil sa amo ni lola kaya ako nakapasok dito.

Cring~~~Cring~~~~Cring

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag sa akin.

"Oh? Si Lola pala." Sinagot ko iyon. "La! Bakit po kayo napatawag?" Wika ko.

[Apo, ikaw sana ang iooffer ko na magiging kapalit ko rito.]

"Sige po Lola nang makapagpahinga naman kayo kahit papaano, puro nalang kasi kayo trabaho. Para rin po masuklian ko yung paghihirap niyo para lang mapag-aral ako at matustusan ang pangangailangan namin sa araw-araw." Wika ko na nakangiti.

My Personal Assistant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon