Chapter 21

57 4 0
                                    


(MPA : Yherinah)

Nandito kami ngayon sa mall. Ano naman gagawin namin dito. Boring naman nitong kasama. Tsk...parang wala naman itong pinagkaiba sa mga mall sa manila. Palagi naman siya pumupunta sa mall, hindi ba siya nagsasawa! Argh! gusto ko na pumunta sa Golden Gate Bridge!

"Wait lang." wika niya at pumasok sa bilihan ng mga phone.

Hays meron naman siyang phone! Ang gastos talaga niya. Hinintay ko siya sa labas. Hindi kalayuan ay may nakita akong bilihan ng donuts and ice cream. Kanina pa rin ako gutom kahit kakakain lang namin sa restaurant nila Calix.

Sinilip ko si Calix. Busy pa naman siya sa loob kaya bibili muna ako. Pagkabalik ko ay nasa labas na siya. Kanina pa kaya siya roon?

"Saan ka na naman ba nagpunta?" masungit na wika niya.

"Here." ipinakita ko sa kaniya ang hawak-hawak kong paper bag at plastic bag.

"What?!"

"Ikaw na nga binilhan ng pagkain, ikaw pa ang masungit diyan."

"Then??"

"Heh! Edi 'wag mo! ako na lang ang kakainin nito."

"Let's go."

"Ano pa lang ginawa mo sa loob na iyon?" tanong ko.

"Baka kumain." sagot niya.

"Pilosopo." bulong ko sa sarili.

"Malamang bumili ng phone."

"Oo na!"

Pumunta kami sa mga bench para umupo. Para talaga sa akin itong binili ko. Ginawa ko lang excuse iyon para hindi siya mas lalong magsungit. Unti-unti na akong nasasanay sa ugali niya kaya deadma na lang ako sa mga pagsusungit niya.

Kumain na lang ako habang siya ay seryosong nakatutok sa kaniyang phone. Pati ba naman dito work pa rin! sa bagay, wala naman dapat akong pake ron! Anyway, I'm not his girlfriend! duh!

Kain lang ako nang kain. Nakalimutan kong bumili ng inumin baka mabilaukan ako nito. Napatingin ako kay Calix.

"Sir." tawag ko.

"Why? pwede bang tumahimik ka na lang habang kumakain."

"Pasuyo naman oh! hindi ko alam kung saan makakabili ng inumin dito. Pwedeng bili mo ako."

Napatingin siya sa akin. "Tsk." tumayo na ito at bumili na.

For the first time yata ay sinunod niya rin ang utos ko.

"Oh!" binababa niya ang dalawang water na nakabottle.

"Bakit naman dalawa?"

"Baka kulang sayo ang isa."

Ang funny niya...'di talaga bagay sa kaniya ang joker haha. Natuwa na lang ako sa isipan ko. Hindi na siya nag phone. Nasira ko yata ang mood niya. Hehh! rason niya lang yon. Palagi naman wala siya sa mood.

"Wait. Don't move." wika niya.

Huh? what's happening?? Luh may nasa likuran ko kaya? Omg! Ayoko pang mamatay! Help me! Please! Don't kill me!

Pumikit ako dahil sa takot. May kamay na dumampi sa malapit sa pisngi ko. Ang hinlalaki niya ay dumampi naman sa gilid ng aking labi.

Minulat ko ang mga mata ko. Calix??? What?? Is?? going?? on??

"Your so clumsy." wika niya.

("When he's doing weird things na pwede naman niyang sabihin sayo para magawa mo sa sarili mo")

My Personal Assistant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon