Chapter 8

60 4 0
                                    

(MPA: Yherinah)

[Yherinah?! Nasaan ka na? Nandito na kaming lahat sa bahay ni Aby. Sinend ko na sayo yung location ng house nila sure ako alam 'yon ng driver ni Calix.] boses ni Sam.

"Hm...Wala rito si manong driver. Hindi ko tuloy alam kung saan ako sasakay nito papunta diyan. Siguro hindi muna ako sasama sa group study? Sorry." Wika ko.

[Kung alam ko lang na ganyan, dapat pala dinaanan na kita kanina diyan.] boses ni Brylee.

[Oh kaya ako, kadarating ko nga lang ngayon dito e. Mahirap pa naman kumuha o mag book ng taxi diyan.] boses ni Blake.

"Okay lang naman siguro sainyo na hindi ako makasama sa group study?" Wika ko.

[Okay lang, we understand.] boses ni Aby.

[Ibahin natin yung location bukas para makasama ka Yheri.] boses ni Sam.

"Thanks."

Binaba ko na at lumabas sa kwarto. Naghanda na ako ng breakfast ni Calix. Tamang sausage, egg, hotdog and ham lang muna ang niluto ko.

"Sir, sakto tapos na kong magluto, ihahain ko na. Give me a minute." Bungad ko ng makita si Calix.

Nang maihain ko na lahat, nagstay ako sa kusina at hihintayin na matapos siyang kumain. Iiwasan ko na talaga na magalit siya sa'kin o kahit mainis.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kusina. Nakita ko si Calix.

"Sir, mayroon pa ba kayong kailangan?" Tanong ko agad.

"Wala, sumabay ka na sakin kumain. Diba may group study kayo nila Samantha? Tamang-tama inaya rin ako ni Brylee kaya sabay na tayong pumunta roon." Wika niya at lumabas ng kusina.

Parang iba siya ngayon? Hindi ko naman nilagyan ng spell yung niluto ko. An'yare sa kaniya? Oh baka sawa na rin siya sa away? Ayos 'yon.

Matapos kumain, agad akong naligo't nagbihis. Hindi naman ako gaano katagal gumayak kaya hindi waste sa time. Paglabas ko nakasandal si Calix sa kotse habang nagce-cellphone. Lumapit ako at...

"Let's go?" Wika ko.

Hindi siya sumagot at sumakay agad sa kotse. Binuksan ko muna ang gate at hinihintay na makalabas siya saka sinarado uli ang gate at sumakay na sa kotse.

Hindi naman pala gaano kalayo ang bahay ni Aby. Mabilis kaming nakarating doon. Sinalubong agad kami ng mama ni Aby.

"Good Morning po Tita." Wika namin.

"Nasa kwarto sila Aby, halika hatid ko kayo ron." Wika ng mama ni Aby. Ngumiti at sumunod kami.

"Aby!" Tawag ni Tita kay Aby, sabay bukas ng pinto.

"Ma!" Kita kong tumayo agad si Aby. "Yherinah, Calix? ahm...pasok kayo." Wika ni Aby samin.

"Sige maiwan ko na kayo ah. Tawagin niyo na lang ako kapag gusto niyo na ng miryenda." Wika ni Tita.

"Salamat po." -Brylee, Blake.

"Thank you po." -Samantha, Calix, Me.

"Sige po Ma." -Aby.

Pumasok na kami ni Calix. Pinaupo nila kami agad. Puma-gitna ako kila Aby at Sam. Si Calix naman kila Sam at Brylee.

"Calix, diba hindi ka pumayag na sumama sa group study?" Tanong ni Sam.

"Ahm...iba kasi kapag kaibigan ko yung nagyaya sa'kin, diba Brylee?" Wika ni Calix at tumingin kay Brylee.

"Huh?"

"Diba? Inaya mo ulit ako kanina lang?"

"Ah, oo. Para din kasi na complete tayo."

"Bakit hindi ko alam na inaya mo siya kanina?" Takang wika ni Blake.

My Personal Assistant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon