Chapter 9

61 4 0
                                    


(MPA: Yherinah)

Ngayon na ang labas ng mga score ng mga students sa sinagutan naming Exam. Ibinigay na ni Ma'am ang test paper namin. Maayos naman ang nakuha kong score, ganon din sila Aby, Brylee at Calix. Medyo mababa lang si Sam at Blake ng kaunti pero pasado naman.

"Yes! Makakasama ako!" Tuwang-tuwa na wika ni Sam. Kulang na lang magtatalon siya.

"Yherinah, ayaw mo ba talaga sumama?" Tanong ni Brylee.

"Sasama na ako dahil kay Calix."

"Bakit kay Calix?' Andoon tayo para mag enjoy ano ka ba!" Wika ni Blake.

"Syempre kailangan parin niya ako roon. Personal Assistant niya ako kailangan kong gampanan ang trabaho ko."

"Oo, tama ka pero p'wedeng isang tabi mo muna 'yan." Wika ni Sam.

"Na kay Calix parin ang huling desisyon, okay!"

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanila. Kinausap ako ng mama ni Calix kaninang umaga na samahan si Calix. Hindi ko alam kung bakit pa ako pinapasama roon. Alam ko naman na kaya na ni Calix ang sarili niya 'no. Malaki na kaya siya, hindi na niya kailangan na samahan ko pa siya.

Wala rin naman ako alam kung ano ang mga gagawin don dahil first time ko ito. Wala rin naman akong sapat pa na pera para sa vacation na sinasabi nila a. May pera naman pero itinatabi ko 'yon para sa hospital bills ni mama para na rin pantustos sa needs ko and kay lola.

Hindi naman sa ayaw ko ah, gusto ko rin naman dahil makakasama ko ang mga friends ko. Makakapag enjoy ako. Mae-experience ko ang kakaibang ganito. Alam ko naman na ginagawa rin 'to sa ibang bansa.

Hay ewan, nagdadalawang isip parin ako. Bahala na siguro. Kung sasama man ako ay dahil lang 'yon sa trabaho ko, hindi bilang students.

Nagrecess na kami ng mga kaibigan ko, kasama ron si Calix. Hindi ko matatawag siya na kaibigan ko hangga't hindi niya tigilan ang pambubully at mag sorry sa mga naapi niya 'no! Kung mangyari 'yon, I will accept his apologize immediately. Hay ba't ko ba 'to iniisip.

"Don't worry guys, magiging complete tayo sa vacation na 'yon." Aby said nang makitang kanina pang malungkot si Sam. Parang pasan-pasan niya ang mundo.

"Kung sino man ang hindi sumama, she or he will treat us a meal until the year is over." muntik ko ng mabuga ang iniinom kong juice sa sinabi ni Sam.

"Whatttt the--" Blake was shocked.

"Deal?" Inilagay ni Sam ang kamay niya sa gitna ng table.

"Of course, deal." Blake agreed.

"I'm not sure pa but sige...deal." Brylee also agreed.

"Deal!" Masayang sabi ni Aby.

Kaming dalawa na lang ni Calix ang hindi uma-agree sa deal na 'yon. Paano gagawin ko kung hindi ako makasama talaga diba? Saka na ako aagree kung umagree rin si Calix. Tutal 'yon naman ang pinag usapan namin ng mama niya. If he doesn't come then hindi rin ako sasama.

Hinihintay nila ang sagot namin ni Calix at ako naman hinihintay rin ang sagot ni Calix.

"Hindi ako sasama." Wika ni Calix.

Nalaan ko na ang sagot niya pero bakit nagdadalawang isip pa 'ko.

"Kj mo naman bro." Wika ni Blake.

"Hm, ikaw Yherinah ano?" Tanong ni Brylee sa akin.

"Ahm, like Calix said."

"WHATTTT... NO YHERINAH." pigil ni Sam.

"If Calix doesn't come then I won't come."

My Personal Assistant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon