Chapter 14

63 5 0
                                    

(MPA : Yherinah)

"Woaaaa!"

"Sa wakas, nakapunta ulit ako ritooo! Ang gandaaa! ang bango ng sariwang hangin!" excited na wika ni Sam.

"'Yan lang pala ang magpapabalik ng sigla mo."

"Sorry Yheri ah, hindi ko talaga ginusto na sungitan kita. Nadala lang ako ng damdamin ko."

"It's okay, kung ano man ang reason non, okay lang sa akin."

"Thanksss! bawi ako."

"Attention Students! Welcome to Boracay! First of all, I want to congratulations ya'll because naging perfect ang activities n'yo. But wait, there's more activities waiting for ya'll. Are you ready guys!" wika ni sir.

"Yes, sir!"

"Before that, take a rest and mag-iingat kayo para hindi na maulit yung masamang nangyari ah. You can swim. Alam ko naman na pang beach talaga ang mga dinala n'yong gamit haha."

"Thank you sir!"

"Okay, here's the card." inabot ni sir iyon sa amin ni Calix. "Kayo na ang bahala kung kanino n'yo yan ibibigay ah. 5 yan na cards, and 6 people kada isang room ah."

"Okay po sir."

"Mauna na kami, kayo na bahala jan. Enjoy!"

"Paano 'yan, marami ang boys. Hindi naman pwede na magsama ang babae at lalaki sa isang room."

"Problem pa ba 'yan? Ade magsama-sama na lang yung magkakakilala." wika ni Calix.

"Guys, hindi sa amin ni Calix manggagaling ang desisyon kung sino ang makakasama n'yo. Bumuo kayo at siguraduhin na 6 people lang ah."

Sila Althea at yung apat na lalaki na galing sa kabilang section ang natira.

"Sakto kayo oh." wika ko kay Brylee sabay turo kila Gav. Ay hindi rin pala dahil magiging 7 sila. Hindi naman pwede na 'yung isa sa kanila ay sa amin. Mukhang kakasya naman yata silang 7 sa isang room.

"Sa tingin mo papayag sila Althea na kayo ang makasama nila sa iisang room." wika niya.

Ipinakita ko ang card na hawak ko. "Nasa akin pa rin ang alas."

"Good luck!" wika niya.

Lumapit ako sa kanila. "So?"

"No way! Mas gugustuhin ko pa na sila Calix ang makasama namin sa room." reklamo agad ni Althea.

"Do you think parehas kayo ng gusto ha? Meron na silang kasama, kaya tayo-tayo rin ang magsasama-sama."

"No! Hindi kami payag." -Althea.

"Hinding hindi." -Alexa.

"You have no choice. Nasa akin ang card, kung hindi kayo papayag then maghanap na kayo ng matutulugan nyo."

"Tsk!"

"Ops, my point siya ron. Wala tayong choice!" -Alliah.

"So let's go." wika ko at nauna ng maglakad.

Wala rin naman akong choice kundi na ayain sila. Bahala na si batman!

"Sa kama kami, at diyan kayo sa lapag." wika ni Althea.

"That's great! mas masarap matulog sa sahig." wika ko.

"Talaga bang sila pa ang makakasama natin dito." wika ni Aby.

"Oo, no choice e."

"War na this!" wika ni Sam.

"Hindi 'yan, habaan na lang natin ang pasensya natin sa kanila hanggang sa matapos ang school trip na 'to, okay!"

My Personal Assistant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon