Chapter 19

57 4 0
                                    


(MPA : Yherinah)

Marami ang nangyari sa apat na buwan. Naging busy sa studies. Partida, grade 12 pa lang kami. Mas lalong busy kapag college na.

Naging okay ang apat na buwan. Nakikita ko na parang nagiging okay na ang family nila Calix. Hindi man katulad ng ibang family ay okay na rin 'yun. Masaya ako dahil nakatulong ako kahit papaano.

"Sasamahan mo ako." wika ni Calix.

Sem break na namin. At balak pa yata niyang magbakasyon ah. Deserve naman din namin iyon dahil sa sobrang stress na nakuha namin sa pag-aaral. Wala namang madali talaga sa mundong 'to.

"Where?"

"California."

Nagulat ako bigla. "What?? Ang layo, ano naman gagawin natin don."

"Maikling bakasyon." wika niya.

"Ayoko, matagal ng expired ang passport ko."

Gusto ko talaga, dahil gusto ni dad na pumunta ron kaso hindi lang natuloy.

"Ako na, ako na ang mag-aayos niyan lahat." wika niya.

"Huh?? talaga ba? paano kung may hindi ka alam?"

"Madali lang 'yon, pwede naman siguro na tawagan ka 'no? basta sagutin mo agad."

May mga anghel ba rito sa bahay? bakit naman bigla siyang naging ganito? sana naman araw-araw.

"Saka, ang inaalala ko rin ay sino ang magbabantay kay mama." wika ko.

"Nag hired na ako na mag babantay sa mama mo. She's a girl, kaya you don't have to worry." wika niya.

So planado na niya lahat? "Dapat si Kuya na lang ang kinuha mo. Hayss, hanggang ngayon wala pa rin siyang trabaho."

"Demanding ka pa ah. May ibang work akong inoffer sa kaniya. Sasama rin siya sa atin sa California." wika niya.

Ganito ba ang epekto sa kaniya ng December? "Ang bait mo yata."

"Mabait naman talaga ako. Kaya 'wag mo akong simulan ulit."

"Okay po. Tatahimik ako para naman kahit paano eh, maranasan ko na mabait ka ng buong araw."

"Tss. Ayusin mo na ang mga dadalhin mo. Tomorrow afternoon or evening tayo aalis."

Ang bilis lang ng takbo ng oras, ngayon na ang flight namin papuntang California. Never pa akong nakakapunta roon pero binalak na namin. Mukha ngang hindi na ako sanay sa amoy ng eroplano eh.

"Oh, magkatabi pala tayo." wika ko.

"Malamang."

"Mas gugustuhin ko pa na ikaw ang katabi ko kaysa kay kuya." wika ko habang inaayos ang seatbelt ko.

"Joke lang." bawi ko. Baka kung ano pa isipin niya.

(MPA : Althea)

"Ano ba, pati ba naman dito nakasunod ka!!" inis na wika ko.

Nandito kami sa parking lot at ang mga kaibigan ko ay iniwan ko sa loob ng restaurant para sa lalaking 'to! Argh!

"Hindi ba pwede?" wika ni Gav.

Ano ba talaga ang pakay niya sa akin? Yes, I'm pretty. Hindi na ako magtataka kung gusto niya ako.

"When the school trip started, I always saw your face everywhere. Why are you following me?"

"To make sure na hindi ka gagawa ng masama o mali." wika niya.

"What do you think of me? A criminal ha?"

My Personal Assistant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon