Chapter 10

62 4 0
                                    


(MPA : YHERINAH)

"Paki lista muna ang name niyo bago pumasok sa bus. Para sa ganon ay malaman namin kung andito na ang lahat." wika ni Calix.

"Sir. Complete po." wika ko.

"Osige pasok na rin kayo." wika ni sir.

Umupo ako sa tabi ni Samantha. Si Brylee at Aby ang magkatabi at si Blake at Calix naman ay nasa likuran.

"Let's enjoy our school trip! Let's go!" wika ni sir at mga naghiyawan at nagpalakpalakan kami sa tuwa.

Wala naman akong maisip na gawin kundi ang matulog lang buong byahe.. 'Yon nga ang ginawa ko. 'Pag nagigising ako ay kakain tapos balik sa tulog ulit. Hindi ko nga napansin na nandito na pala kami sa location na pagca-camping-an namin e. Hindi ko na rin alam kung ilang oras ang binyahe namin.

Nakakapagod... matulog haha.

Hindi ko alam kung sa beach ang location ng camping namin pero ang naiisip ko ay hindi sa beach. Walang thrill ang camping kapag ganon.

Bumaba na kami at tama naman ako. Para kaming nasa probinsya lang. Ang hangin at fresh 'yon. Natatanaw ko na rin ang mga nagtataasang puno. Hays...parang ang sarap bumalik sa probinsya. Nakaka-miss ang ganito.

"Sir. Akala ko po sa beach po tayo magca-camping?" tanong ni sam.

"Oo nga po sir. Puro pang beach pa naman po ang dala kong damit." wika ng isang kaklase kong babae.

"Hindi ko ba nalinaw sa inyo. Yamo, magiging masaya ang camping natin dito at marami kayong mae-experience. Mag-eenjoy kayo at sure na sure 'yon." wika ni sir.

"I agree." wika ko.

Hindi sa pabida a. Mas masarap nga ang buhay sa probinsya e.

"Argh! whatever!" iritang rinig ko kay Althea.

"Siguradong pagod kayo, pahinga na muna kayo a. Dalhin nyo na lahat ng gamit nyo sa cottage. Tatawagin ko na lang kayo paghanda na ang tanghalian natin.." wika ni sir.

"Thank you po." wika nila.

"Kayo na bahala sa mga kaklase niyo a." wika ni sir sa amin ni Calix."

"Opo."wika ko.

Papunta na kami sa cottage na sinabi ni sir. Habang naglalakad kami...

"Kung may cottage naman bakit kailangan pa ng tent?" tanong ni Sam.

"Camping nga e." wika nitong si Blake.

"Ba't ba a. Mas okay sana kung sa beach e."wika ni Sam.

"Buti na lang onti lang ang pang-beach na damit ang dinala ko." wika ni Aby.

"Ako, halos lahat." wika ni Sam.

"Ako naman, isa lang." wika ko.

"Siguro alam mo na 'no?" wika ni Sam.

"Hindi 'no. Camping e, hindi naman pumasok sa utak ko na sa beach ang location non. Inaasahan ko na talaga na ganito ang location ng camp natin."

"Eh kayo boys?" tanong ni Sam.

"Ganon din." sagot ni Brylee.

"Same." -Blake.

"May onti akong dalang ganon." wika ni Calix.

"Magagamit kaya natin dito 'yun?" tanong ni Aby.

"Oo naman, pwede 'yun. Kahit 'yun pa ang suot natin sa pagpapasyal rito sa paligid-ligid, okay lang. Isipin na lang natin na beach 'to."

"Tama si Yherinah." wika ni Brylee.

"Astig 'yun." wika ni Blake.

"Baka rin may ibang plano si sir. Wait na lang natin ang announce niya." wika ko.

My Personal Assistant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon