Chapter 7

66 5 0
                                    


(MPA: Yherinah)

Pagkauwi ko agad kong tinanong si Manong driver.

"Manong? Nandito na po ba si Sir Calix?" Tanong ko.

"Wala pa iha, nako baka pumunta siya roon sa lagi niyang pinupuntahan." Wika ni Manong.

"Sige po, salamat po." Pumasok na ako sa loob para makapagbihis na at makapag pahinga.

(Evening)

Lumabas ako ng bahay para i-check kung paparating na si Calix, 30 minutes akong naghintay doon. Lumabas ako ng gate para tingnan ang daanan.

"Bakit wala pa siya? Anong oras na oh? Wala naman na sila Ma'am dito, bakit ayaw pa niya na umuwi? Wait Yherinah tama ba yung naririnig ko? Concern ka na kay Calix? Wow. P'wede naman akong matulog dahil may susi rin naman siya ng gate at bahay e. Bakit kailangan ko pa siyang hintayin. Pumasok na tayo sa loob at matulog na okay!" Sambit ko sa sarili ko.

"Bakit ba kasi gusto ko siyang hintayin. Argh!" Tiningnan ko kung anong oras na. "11:19? Saan ba nagpunta iyon? So annoying."

Inaantok na ako. Sumandal ako sa pinto at ipinikit ang mata.

(MPA: Calix)

"Bro! Mauna na ako." Pag papaalam ko kay Blake.

"Sige, ingat Bro."

Lumabas na ako ng bahay nila blake at pumunta sa kotse. Nang makarating ako sa bahay namin, nakabukas ang gate. Kaya agad ako nagtaka. Nakita ko si Yherinah na nasa pinto. Lumapit ako at nakitang tulog ito.

Bakit siya rito natutulog? Iniwan pa niyang nakabukas ang gate paano kung may mangyaring masama sa kaniya? Hindi talaga siya nag iisip.

Umupo ako at pinagmasdan siya habang natutulog. Maganda pala siya kapag tinititigan ng malapitan. Kawawang Yherinah. Hindi kaya..? Hinintay niya ako umuwi?

Napatayo agad ako ng gumalaw ito. Dahan dahan niyang minulat ang kaniyang mata. Dahan-dahan rin siyang tumingin sa akin.

"Sir...?" Napatayo agad ito. "Nandito na pala kayo. Saan ba kayo nang galing? Anong oras na oh? Alam mo bang kanina pa ako naghihintay dito ah? Halos makatulog na ako rito sa labas. Ewan ko ba kung bakit ko ginawa 'yon. Kainis!" Nakakatawa siyang pagmasdan.

"Hindi ko naman sinabi na hintayin mo pa ako. Sa uulitin na malalate ako nang uwi 'wag mo na akong hintayin. Matulog ka na lang. Saka yung gate? Bakit mo iniwan ng nakabukas? Paano kung may pumasok na magnanakaw tapos dito ka pa natutulog sa labas! Pinapasakit mo na naman ang ulo ko." Wika ko.

"Sorry Sir. Nag-aalala lang naman ako eh." Wika niya.

"Nag-aalala ka? Sa'kin?"

"Ahm! Sige mauna na ako sa loob. Goodnight sir, have a nice dream." Hindi mapakaling sambit niya.

Tumalikod ito at may binulong sa sarili. Binulong pa talaga e.

"Hays. Nakakainis! Yherinah naman!"

Humakbang ito ng isa saka humarap uli.

"Kung nagugutom ka merong pagkain sa ref. Ahm sige mauna na ako." Wika niya sabay lakad ng medyo mabilis. Ibang klaseng babae!

(MPA : Yherinah)

Grabe ang sakit ng ulo ko! Hindi ko maimulat ng maayos ang mata ko. Calixxx! Bakit kasi pinagpuyatan pa kita. Kainis talaga.

Tumayo ako sa kinahihigaan ko at lumabas ng kwarto. Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako ng makita na nakatayo si Calix roon. Nakapaekis ang kaniyang kamay at seryoso ang kaniyang mukha.

My Personal Assistant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon