Chapter 15

60 5 0
                                    


(MPA : Yherinah)

Wow! wala akong alam na solid magmahal si Calix. Swerte nga ng babae na 'yun. Maganda sanang tulungan si Calix kaso sa ugali niya na pinapakita sa akin hays wag na lang. Bahala na siya maghanap sa babaeng 'yun!

I don't know how to help him, if I'm gonna help him ah. Imposible na rin mahanap 'yun, kung sa 12 years na ang tinagal. Ade sana kung sila talaga ang para sa isa't isa, noon pa lang ay pinagtagpo na sila. Hays, kawawang Calix.

"Maiwan na muna kita, baka magalit sa akin yung dalawa roon." pagpapaalam ko.

"Sure, mag iingat ka." -Brylee.

"Saan ka ba nag punta?" bungad ni Sam.

"Mahabang storya at hindi kayo maniniwala. Hays nakakapagod."

"Drink?" -Aby.

Tinanggap ko iyon. "Thanks."

"May nakita nga pala kami na isang lalaki, tinanong kung kilala ka namin. Nakita ka raw niya na kasama namin." pag kwekwento ni Sam.

"Ano pangalan?"

"'Yun, hindi na namin natanong dahil mas pinili niya agad na umalis. Malay ko ba ron. Feeling ko nga nantitrip lang sa amin 'yun." -Sam.

"Para sa akin, hindi naman. Magalang siya at pogi hehe." wika ni Aby.

"Ikaw ah?! pogi rin pala hanap mo ah yie." pang-aasar ni Sam.

"Wag n'yo na lang isipin 'yun, baka nga nantitrip lang 'yun!"

Bukod sa tatlo at kay kuya, wala na akong kilala na lalaking pwedeng maghanap sa akin. Hm! kakakita lang naman namin ni Lec e, kaya imposible na siya. Kaya baka nga nantitrip lang 'yun.

Nung hapon. Nag volleyball kami, at kung sinong team ang matalo, may parusa! Maayos naman ang laban nung una non kaso nag kainitan.

Palagi naman kasing mainit ang dugo ni Calix sa akin at unti-unti ko ng natatanggap 'yon! Ang hindi ko lang matanggap, ang masasakit niyang salita.

"Okay ka na?" wika ni Sam.

"Okay naman ako."

"Sumusobra na talaga siya 'no?" -Sam.

"Yamo, nandito naman kami para sayo e. Hindi namin hahayaan na maulit 'yon." -Aby.

"Thank you sainyo. Okay nga lang ako. Intindihin na lang natin siya. Napaka laki lang talaga ng problema niya."

Tatanggapin ko na lang talaga na ganon talaga siya dahil hindi masyadong nabantayan at naturuan ng leksyon. Nandiyan naman palagi si lola para sa kaniya non, pero bakit parang walang nagbago sa kaniya? Hindi ko siya kilalang lubusan ah. I mean, bakit siya ganon? Ang initin ng ulo hays. Pati yata ako nahahawa sa kaniya argh!

"Dahil nagkaroon ng problema kanina ay hindi na natin itutuloy yung parusa ng natalong team. But wait! itutuloy pa rin natin ang pag sheshare. But this time, ishehare n'yo ang kinatatakutan n'yo na mangyari sa buhay nyo." -Sir.

"Sir, like ghost or zombies?" wika ng kaklase ko.

"No, not related on that. Kinatatakutan n'yo na mangyari o nangyari sa buhay n'yo, na alam n'yo na magbibigay ito ng trauma o nagbigay ng trauma sa inyo." -Sir.

Nasa labas kami ngayon, medyo malamig na dahil gabi. Nakapabilog kami at nakaupo sa buhangin. Maganda mag kwento kung ganito ang theme.

"Okay, start na tayo. Bubunot na ako ah." -Sir. "Oh, Mr. Blake Marquez."

"Ahm, pangyayari? Maybe, my family and friends." panimula niya.

"What? kinatatakutan mo na kami ngayon ah." sabat nitong si Calix.

My Personal Assistant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon