(MPA : Yherinah)5 o'clock na nang hapon, at meron pa rin kaming gagawing activity. Wala pa kaming clue ngunit sabi ni sir ay maghanap kami ng kapartner. Wala talaga akong maisip na laro na pangdalawahan lamang.
"Sam, may kapartner ka na? pwedeng..."
"Meron na, Si Aby." wika niya. Ang weird niya talaga, hindi ko man lamang malaman kung anong problema niya.
"Sige, hahanap na lang ako ng iba."
Lumapit sa akin si Brylee ng makaalis si Sam. "Brylee?"
"May kapartner ka na?" tanong niya.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, argh, ang sakit para sa akin 'to lalo na sa kaniya pero kailangan eh.
"Ahm, oo meron na." Pagsisinungaling ko.
"Ganon ba, sino naman??" tanong niya.
Sino nga ba? hindi naman pwede si Aby o si Sam. Ganon din si Blake. Okay siya na lang. "Si Calix, siya ang kapartner ko."
Sana lang ay maganda ang maging resulta ng ginagawa ko.
"Buti naman at napapayag mo siya?" wika niya.
"Oo naman, wala rin naman siyang choice."
"Sige, hahanap na ako ng makakapartner, maiwan na muna kita." paalam niya.
Ngumiti na lang ako. Agad kong pinuntahan si Calix. Haysss! patay ako nito kapag hindi ko siya napapayag. Argh! bakit kasi siya pa ang pumasok sa isipan ko kanina.
"Calix!" tawag ko sa kaniya.
"Sa ngayon pagbibigyan kita!" wika niya.
Alam na niya agad ang pakay ko sa kaniya? hindi ko inaasahan na magiging madali lang ang pag payag niya ah.
"Talaga? salamat naman! haysss." para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan.
"Huh?? wala ka man lang sasabihin don! ganon ganon lang para sayo 'yun?" wika niya.
Huh? hindi ko siya maunawaan. " Pumapayag ka? diba?"
"Pumapayag...? Saan?? ano bang sinasabi mo?"
"Eh ano bang sinasabi mo rin?"
Ang gulo ah.
"Ang sabi ko sayo, hindi mo ako tatawagin by my name kundi Mr. Vergara! hayss! hindi ka talaga nakakaintindi 'no? o sinasadya mo 'yun para mainis o magalit ako?"
'Yun pala ang tinutukoy niya, akala ko kung ano na. Madali lang naman ang pinagagawa niya kaso nawawala sa isipan ko dahil sa daming iniisip. Hayss, parang bumalik ang tinik sa lalamunan ko. Paano na kung hindi siya pumayag.
"Sorry...nakakalimutan ko lang naman."
"Anyway, ano yung sinasabi mo kanina?"
"May partner ka na ba?" tanong ko.
"Bakit naman??"
"Sagutin mo na lang, meron at wala lang naman ang isasagot."
"Tsk. Wala pa. Ano naman sayo kung wala pa akong kapartner hah? mag piprisinta ka ba?"
"Oo sana, wala pa rin akong ka partner."
Wow! ang dali lang pala. "In one condition!" ani niya.
Hindi pala. "Okay, sabihin mo."
"Malalaman mo pagkatapos ng activity natin."
"Huh? so payag ka?"
"Maybe."
BINABASA MO ANG
My Personal Assistant
RomanceWould you believe in destiny? That the person you've been waiting for in so many years is already by your side? What if the person you really hated, is your first love? A story of Calix Vergara and Yherinah Mae Chaves. Their first meeting did not go...