Chapter 18

58 4 0
                                    


(MPA : Yherinah)

"Wake up...wake up..." rinig kong wika niya.

Pagmulat ko ng mga mata ay nakita ko si Calix. Dali-dali akong umupo at nag-ayos. Panaginip lang pala.

"It's already late, kay manong ka na lang magpahatid." wika niya at hindi man lang hinintay kung may sasabihin ako.

Totoong nangyari na nakita ko si Calix na nanonood kaninang madaling araw pero walang naganap na conversation. Tahimik naman kanina at hindi ko na malayan na dito na sa sofa ako nakatulog.

Argh! ang sakit ng ulo ko. Dahil kaya 'to sa puyat? Naghanda na ako para pumasok sa school. Nanlalambot ako nang matapos ako. Nang nasa daan na kami ay...

"Iha. okay ka lang ba?" tanong ni manong.

"Opo, medyo na puyat lang po."

"Nako, mukha kasing nanlalambot ka at amputla pa."

"Po? Ayos lang po talaga ako."

"Lumapit ka nga at salatin ko ang noo mo?" lumapit nga ako. "Inaapoy ka ng lagnat ah...huwag ka muna pumasok. Pahinga ka na muna sa bahay."

"Pero po..."

"Malalagot ako kay Manang kung hahayaan kita...Bumalik na tayo sa bahay." bumalik nga kami.

Kanina naman ay nilalamig lang ako at hindi ko alam na nilalagnat na ako non. Mas napalala yata ng maligo ako, malaming na tubig pa naman 'yun.

"Pahinga ka ah...uminom ka na agad ng gamot tapos wag mong sindihan ang aircon para lumabas ang init sa katawan mo." wika ni manong.

Manong reminds me of someone, that's my dad. I really missed him so much.

"Opo, maraming salamat po."

Nang makainom ng gamot ay pumunta na ako sa kwarto para magpahinga.

(MPA : Calix)

"Calix!" tawag ni Sam.

"Why?"

"Nasaan si Yheri? Anong oras na ba't wala pa siya?" tanong niya.

"I don't know. Baka pamaya-maya ay nandiyan na siya."

"Tawagan mo kaya." utos niya.

"Wala akong number niya." pagsinungaling ko.

"May number niya ako. Kung may load lang talaga ako, hindi na ako mangungulit sayo."

"Okay! tatawagan ko na siya."

"May number naman pala."

I call her, nag riring pero no answer. "Baka busy, baka gumagayak na siya." wika ko.

"Bakit kasi hindi mo hinintay siya."

"Ako pa ang sinisi mo ah. Bagal niyo kayang kumilos."

"Tsk. Thank you na lang." wika niya.

Paano ko ba 'to naging kaibigan ha? Mas masungit pa sa akin. Siya na nga ang tinulungan. Tss, parehas sila ni Yherinah.

Natapos ang first period pero wala pa rin si Yherinah. Ano bang nangyari ron? Ganon ba siya kabagal gumayak?

"Calix...ano na? Kala ko ba darating siya? may ginawa ka bang masama sa kaniya?" Oa niya.

"Wala. Kapag mamaya at wala pa siya. Okay, ako na mismo ang pupunta sa kaniya. Balitaan ko kayo." wika ko.

(MPA : Yherinah)

Pag gising ko ay sobrang init. Para akong naligo sa pawis. Bawal naman mag aircon. Kaya nagdecide ako na sa sala ituloy ang tulog ko. Sobrang init kaya hindi muna ako nag kumot.

My Personal Assistant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon