Chapter 17

59 4 0
                                    


(MPA : Yherinah)

Nakalipas na ang ilang linggo, ngunit ganon pa rin ang ugali ni Calix. Mas pasungit yata ng pasungit 'yun e. Nakakapagod na at nagsasawa na rin ako sa mukha niya, buti na lang talaga at mahaba ang pasensya ko sa mokong na 'yun.

"Bro. Tomorrow is your birthday. Ano ganap?" wika ni Blake.

Bukas na? ay oo nga pala, nakalimutan ko.

"Gusto mo hangout tayo or do something you want?" suggest ni Brylee.

"Party sana." pagpaparinig ni Sam kay Calix.

"Like before? ohws, no way. Boring na 'yun." wika ni Blake.

"Bakit ba ha? hindi yung party ang nagustuhan ko ron kundi yung wine at foods. Ma fefeel mo na nasa California ka eh." wika ni Sam.

"Tsk. Palusot ka pa." wika ni Blake.

"Nye." pang-asar ni Sam.

"I suggest na, party at Calix's house?" wika ni Aby.

Good Idea, pero wala akong kahilig sa party eh. Ganito ba talaga kapag mayaman. I was rich before pero palagi lang ako nasa bahay or sa...never mind.

"It's up to you, Calix. The final decision is on you."

"Let's stay at our home." wika niya.

"KJ naman pare. Hindi ka man lang mag cecelebrate?" wika ni Blake.

"Ayoko." walang ganang wika niya.

"Bakit??" wika ni Sam.

"Ayoko, basta ayoko." wika niya.

"Okay, fine." wika ni Sam.

Nang mag break time. Pumunta kami sa cafeteria kaso hindi sumama si Calix. Mabuti nga. De joke lang. May plano kasi ako. And this is my change na kausapin sila about sa plan ko.

Pagkaupo namin ay hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. Sinabi ko na agad ang pakay ko sa kanila. "Guys, I have a plan." panimula ko.

"Whatt??" -Sam.

"About??" -Aby.

"Go ahead." -Brylee.

"Hm...spill it." -Blake.

"Let's surprise Calix."

"But How?" -Blake.

"Madali lang. 11 o'clock in the evening, mag-aayos na tayo. Don't worry, wala naman 'yun pake sa paligid niya kaya hindi niya mapapansin na wala ako ron."

"Nice." -Sam.

"Okay, sabihin natin na gumana ang plano mo na 'yan. But...saan natin gagawin?" tanong ni Blake.

"Somewhere na hindi niya matatanggihan. Yung pupunta at pupunta siya kahit anong mangyari. And naisip ko na sa bahay namin."

"Bakit naman doon?" tanong ni Aby.

"Because of Manang Suzy?" hula ni Brylee.

"Tama! kaya ano? agree ba kayo?"

"I'm in." -Blake.

"Sure naman. This will be really fun." -Sam.

"I agree." -Aby.

"Same, I agree." -Brylee.

Gusto ko na maging memorable sa kaniya ang araw niya. Nalulungkot pa rin naman ako dahil every birthday niya ay malungkot siya at hindi nakakasama ang parents niya. Kaya this time, kahit malayo ang parents niya ay may video call naman.

If this plan didn't work, arghh, ewan ko na lang talaga. Sana maging masaya siya.

"Saan ka pupunta?" rinig kong wika ni Calix mula sa itaas. Nahuli niya ako.

My Personal Assistant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon