Chapter 12

60 4 0
                                    


(MPA : YHERINAH)

Madami pa kami napuntahan. Pumunta kami sa hanay ng mga manok. Ginawa namin doon ay kinuha lang namin ang mga itlog doon.

Marami silang alagang hayop. Ang pinaka memorable doon ay 'yung sa kabayo. Lahat ay pumayag doon, syempre sasakay lang naman ang gagawin. Palagi ko ng na-eexperience naman 'yon kaya hindi na bago sa akin iyon.

"First time ko talaga 'yun." wika ni Sam.

"Me too, ang saya pala non." wika ni Aby.

"Teka, saan ka natuto non, Yherinah?" tanong ni Blake.

"Mahilig ang parents ko pumunta sa iba't ibang bansa. Kaya may experience na ko roon."

"Si Calix kasi first time niya lang din non." wika ni Blake.

"Talaga?" wika ni Sam.

"Yes, alam naman natin na busy talaga ang parents niya kaya wala silang bonding together." pagkwekwento ni Brylee.

"Pwede ba, 'wag n'yo silang mabanggit-banggit. Nakakawalang gana!" wika niya at biglang umalis.

"An'yari sa kaniya?" wika ni Aby.

"'Wag n'yo na lang pansinin. Masanay na lang kayo." wika ni Blake.

Napaka laki naman ng problema niya. Oo naaawa ako sa kaniya pero bakit hindi na lang niya bigyan ng isa pang chance ang parents niya? Kita ko naman na bumabawi ang mama niya, ayaw lang niyang bigyang pansinin.

Matapos kumain. Mga ilang oras din kaming nagpahinga. Activity na naman. But now, ibang activity 'yon. Mag zip line kami. 'Eto rin ang first time ko. Syempre kapag bata ka matatakutin ka.

"Meron din dito nito? Ibang klase nga naman ang lugar na 'to." wika ni Blake.

"Tayo partner." wika ni Sam sa akin.

"Paano naman ako?" wika ni Aby.

"Oh sige, pagtapos namin ni Yheri, tayo naman." wika ni Sam at tumango naman si Aby.

-----------

"'Eto lang yata ang ma-eenjoy ko sa lahat ng ginawa nating activities." -Althea.

"Ang saya kaya mag harvest ng mga fruits." -Alliah.

"Basta pagkain e'no?" -Alexa.

"Hindi ako makakapayag kung hindi si Calix ang kapartner ko ngayon dito." -Althea.

"Me too." -Alexa.

"Nakakarami na 'yang si Yherinah, pinagbibigyan ko lang siya. Akala ba niya ay hindi siya makakatikim ng away sa school trip na 'to?" -Althea.

"Chill. May tamang oras para diyan. Maraming naka-alikid kay Yherinah, baka mapahawak tayo niyan kapag pinairal mo ang galit mo sa kaniya." -Alliah.

"Tama ka." -Althea.

----------

"Calix!" rinig kong tawag ni Althea kay Calix.

Hindi sumagot si Calix. Lumapit si Althea sa kaniya. "Hm, pwedeng tayo ang partner?" pabebe pa na pagkakasabi.

"Sige na." pagpupumilit ni Althea.

"K." wala pa namang sila pero ang cold na. Grabe!

"Ayoko." rinig ko namang wika ni Brylee.

Kasama niya si Alliah, si Blake naman ay si Alexa. Tsk, astig a. "Tara na guys." wika ko sa dalawa.

"Yheri, wait." sabi ni brylee, at blake.

"Bakit?"

"Oo nga, bakit?" wika ni Sam.

"Aayain sana kita Sam." wika ni Blake.

My Personal Assistant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon