Chapter 11

56 4 0
                                    


(MPA : YHERINAH)

"Bakit ka nandito?" tanong ko kay Aby.

Mag-isa siyang nakaupo sa mga bench dito.

"Hindi ako makatulog." sagot niya.

"Bakit naman?"

"Siguro dahil malayo sa bahay namin. Ni-overnight with friends hindi ko naranasan noon. Oo, lagi naman akong sumasama sa mga ganito kaso 'eto ang nangyayari. Hindi makatulog, tapos kinabukasan antok na atok." pag-kwento niya.

"Baka hindi ka lang sanay."

"Siguro nga. Eh ikaw? hindi ka rin makatulog?" pabalik na tanong niya.

Tumango ako. "Hays. Alam ko na. Sabi nila, mabilis kang aantukin kapag tahimik ang lugar at habang nag-iimagine ng mga bagay bagay. Maganda rin kung sasabayan ng pakikinig sa chill music."

"Gusto mo makinig tayo?" aya ni Aby.

"Sure."

"Nakakarelax talaga 'to." wika niya.

"Sabi ko naman sayo e."

"Hey! bakit hindi pa kayo natutulog." pagsulpot ni Sam. Umupo ito sa gitna namin ni Aby.

"Hindi makatulog."

"E ikaw?" wika ni Aby.

"Umihi lang ako tapos nakita ko kayo rito." wika niya.

"Bakit pa kayo nandito? bakit hindi pa kayo magsi-tulog?" wika ni sir.

Nagising yata namin siya. Ganon na ba kaingay kami. Sa bagay kasama namin si Sam e. Abot din naman ang tawa namin dahil sa mga kinukwento ni Sam.

"Sorry po sir. Matutulog na rin po kami pamaya-maya po." wika ko.

"Osige a. Kailangan n'yo magpahinga para may lakas kayo bukas at magawa n'yo ang mga activities na hinanda namin para sainyo."

"Thank you po." wika ni Aby.

"Goodnight sir." wika ni Sam.

"Goodnight din sainyo."

"Matulog na nga tayo," aya ko sa kanila.

"Meron pa akong ibibida sainyo, teka lang hoy!" -sam.

Maaga akong gumising dahil may kailangan akong gawin, ang dare ni Calix. Gising na rin non sila sir at mga mag guguide sa amin dito.

"Oh, Yherinah. Ang aga mo yatang nagising a." tanong agad ni sir ng makita ako.

"Gusto ko po sana mag volunteer na ako na po ang magluto po ng kakainin po namin ngayon?" nahihiyang wika ko.

"Talaga? ayos naman sa akin 'yun. Mas maganda sana kung may kasama ka."

"Kaya ko naman po 'yon. Salamat po." wika ko at pumunta na sa kusina.

Para talagang nasa probinsya ka. Di-kahoy lang din dito. Siguro galing sa probinsya ang may-ari nito.

Nagsimula na ako. Hinanda ko muna ang mga sangkap. Alam kong ipipirito lang 'yon kaya nag-isip ako kung paano maging kakaiba 'yon.

Nakakapagod magluto pero kineri ko naman. Masaya naman ako na ginagawa 'yon.

Ang mga niluto ko ay; corn beef with potatoes, hotdog-egg (basta mag-kasama 'yon), meatloaf, bacon at fried rice na may margarine, carrot, potatoes and peas.

'Yon naman ang palaging inuulam pagbreakfast. 'Yon din ang nakahanda rito e. 'Yon din ang sabi ni sir hehe. Sana naman masarapan sila sa luto ko na 'to. Sana rin ay maging happy si Calix dahil nagawa ko ang dare niya.

My Personal Assistant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon