(MPA: Yherinah)Bakit ba ako kinakabahan? Ano ba gagawin ko? Susundin ko ba yung sinabi ni Brylee sa'kin na 'wag na ituloy ito? Paano naman yung mga gastusin sa hospital bills, kailangan kong kumita.
Kung hindi ko itutuloy ito, paniguradong mahirap na akong maghanap ng ibang trabaho. Bahala na, kahit anong mangyari sa akin dito, paninindigan ko nalang. Titiisin ko nalang yung pang-aapi nung amo ko kung masama man ang ugali niya, basta magkapera lang ako ayos na sa'kin 'yon. Kailangan kong isipin ngayon ang kalagayan ni mama kaya hinding hindi na ako aatras.
Huminga muna ako bago nagdoorbell. Agad naman akong pinagbuksan ni lola.
"'Andito ka na pala apo. Pasok ka." Ani ni lola.
Ngumiti ako at lumakad. Pinagmasdan ko ang buong paligid ng bahay. Grabe parang bahay lang namin dati. Nang makapasok kami sa loob, umupo ako sa sala. Wala man lang decoration dito sa bahay na'to. Puro paint at fake na flower lang. Yamo kapag natanggap ako rito pagagandahin ko 'tong bahay na'to.
Inalok ako ni lola ng juice. Tinanggap ko 'yon, uminom ako ng onti at ibinaba sa lamesita.
"La, bakit wala man lang nakadisplay na mga pictures dito sa bahay na'to?" Tanong ko kay lola. Na-curious lang talaga ako.
"Nako, sobrang dami ngang nakadisplay na mga picture rito dati kaso pinatanggap lahat ni sir 'yon. Nagkaroon kasi ng problema sila noon hanggang ngayon hindi parin na aayos." Ani ni lola.
Pumunta ako rito para mag-apply hindi para malaman ang tungkol sa problema ng amo ko. Kaya hindi na ako muling nagtanong pa.
"Sandali lang apo may kukunin lang ako sa kwarto." Ani ni lola. Tumango nalang ako at uminom ng juice.
May nagdoorbell, hindi ko naman p'wedeng tawagin si lola dahil may kinukuha siya sa kwarto. Ako nalang ang lumabas para pagbuksan kung sino man 'yon. "Sandali lang po." Ani ko habang naglalakad papunta sa gate.
"Where's manang at manong? Wait! Who are you?" Bungad nito sa akin.
Hindi ko sila kilala pero sinagot ko rin ang tanong niya. Baka sila na yung magulang ng magiging amo ko?
"I'm Yherinah Mae Chaves. Ako po yung apo ni Manang Suzy Chaves po yung katulong po rito. Hm? May kinuha lang po si lola sa kwarto, kaya po ako yung nagbukas ng gate." Kinakabahan na sambit ko.
"Ah ikaw pala 'yon." Maikling sagot nito.
"'Wag po kayong magagalit kay lola. Please po." Ani ko. Kinakabahan parin ako.
"Bakit naman ako magagalit sa lola mo?" Nagulat ako sa sinabi niya. Ano ba isasagot ko! Nablank 'ata ang isipan ko. Argh!
"Dahil po pinapasok niya po ako agad ng walang permission niyo po. Sorry po." Ani ko at yumuko ako.
"Mabait na bata ka!" Tinayo ko ang ulo ko at tumingin sa kaniya. "Po?" Nagtatakang sambit ko.
"Tama nga si manang, mabait ka nga at magalang." Nakangiting sambit nito. "Sa loob na tayo mag-usap tungkol sa pag-aapply mo rito. Halika." Sambit nito.
Napangiti ako. Ano ba yung sinasabi ni Brylee na hindi ko magugustuhan ang first day ko rito? Ang bait kaya ng magulang ng magiging amo ko. Sigurado rin naman ako na mabait ang magiging amo ko. Kung mali man ako, ayos lang kaya ko naman paghirap 'yon, basta't kumita lang ako.
"'Eto po yung application files ko po." Sambit ko at inabot iyon.
"20 years old ka na?" Ani nito. Hindi ba halata na 20 palang ako? "Hm? Opo bakit po?" Ani ko.
BINABASA MO ANG
My Personal Assistant
RomanceWould you believe in destiny? That the person you've been waiting for in so many years is already by your side? What if the person you really hated, is your first love? A story of Calix Vergara and Yherinah Mae Chaves. Their first meeting did not go...