(MPA: Yherinah)Salamat kay Brylee gumaan 'yung pakiramdam ko kahit papaano. Naiinis ako sa lalaki na 'yon. Hindi niya alam kung gaano ako nasaktan sa ginawa niya sa'kin. Ni-sorry wala akong narinig sa kaniya, ang sama niya. Hindi niya kasi nararamdaman kaya wala siyang pake ron.
Iningatan ko 'yon nang ilang years 'yun pala siya lang ang sisira non. Papa, patawarin niyo po ako kung hindi ko po iningatan 'to. Ito nalang po yung alaala na iniwan mo po sa'kin tapos ganito pa po ang nangyari.
Nawalan ako ng ganang pumasok sa klase namin ngayon. Saka basang-basa ako ngayon kailangan ko muna magpatuyo. Tumambay lang ako sa Art Room. Kumuha ako ng isang papel at nagdrawing doon. Ginuhit ko ang mukha ni Papa't Mama roon.
"Pa! Miss na miss na po kita, gusto po kitang mayakap kahit sandali lang. Wala ng nagtatanggol sa'kin pa! Dahil wala na kayo. Pa! Mahal na mahal ko po kayo, mananatiling nasa puso ko po kayo ni mama...
Ma! Sana maging ayos na ang kalagayan mo. Gusto nakitang maka-usap at mayakap nang sobrang higpit. Ma! Lumaban ka! Alam kong kaya mo yan. I love you mama." Sabi ko sa isipan ko habang tinitingnan ang ginuhit ko.
Hindi ko rin naiwasan na umiyak sa sobrang lungkot. Niyakap ko 'yon at pumikit. Inisip na, kunwari'y kayakap ko sila. Patuloy lang ang pagpatak ng luha ko.
"Magiging maayos din ang lahat!" Sabi ko sa isipan ko at saka dumilat. Pinunasan ko ang likidong kanina pa tumutulo sa aking pisngi.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at saka lumabas ng Art Room. Pumunta ako sa Classroom namin dahil malamang ay tapos na magturo ang teacher namin.
Nakayukong naglalakad ako. Ayoko man na pumasok sa last subject namin pero kailangan. Ayokong ma-missed lahat ng subjects ko ngayong araw na'to. Tutal halfday lang parati ang pasok dito. Hindi ako pwedeng umiwas palagi kay Calix kaya kahit ayaw ko siyang makita, eh kailangan kong makita siya dahil same room lang kami. Mas gugustuhin ko pa siyang makita para lang hindi masayang ang paghihirap ni lola para lang mapag-aral ulit ako.
Yes, 4 years akong tumigil sa pag-aaral dahil sobrang daming problema. Nawala sa amin ang company namin na sobrang sikat dito sa pinas ang WORLD OF ART. Nang mawala si papa, si tita ang humawak ng business namin.
Isang araw nalang nabalitaan ko na pinatalsik ako ron, hindi ko naman magawang lumaban kahit alam kong pinamana sa'kin 'yon ni papa. Malakas ang kapit niya sa mga tao, kaya kahit sariling abugado ni papa na matalik nyang kaibigan ay kay tita siya kumampi Kaya kung lalaban akong mag-isa ay matatalo rin ako. Lalo na't wala pa akong alam sa lahat noon. Tanging si Kuya at Lola lang ang gumabay at tumulong sa akin. Kaya mas minabuti kong tumahimik nalang at umiyak sa isang tabi.
Pinalayas din ako ni tita sa bahay namin. Alam namin parehas na wala siyang karapatan na paalisin ako roon pero wala naman akong magagawa dahil malakas ang puwersa niya. Nasa akin parin ang katunayan na lahat ng pagmamay-ari ni papa ay sa akin ipinamana. Araw-araw ko 'yon tinitingnan. Kaya naging mahirap kami. Pinasok ko lahat ng trabaho na kaya ko para may pangtustos sa araw-araw.
Nilihim ko rin sa mga tao ang tungkol sa akin. Kahit papaano, masaya ako sa buhay ko ngayon. Ini-enjoy ko nalang ang bawat sandali ng buhay ko. Kahit problemado ay pilit parin akong lumalaban.
"Yherinah?" Tinayo ko ang ulo ko at nakita ko sa aking harapan si Brylee. Nasa pinto na pala ako ng classroom namin, hindi ko na pansin 'yon dahil sa mga naiisip ko.
"Bakit?" Walang ganang sambit ko.
"Hindi ka pumasok sa time ni Sir Viesa, saan ka ba pumunta?" Sambit nito.
"Ayoko kasing mahalata nila na umiyak ako kaya hindi muna ako pumasok." Wika ko.
"Ah, okay ka na ngayon?"
BINABASA MO ANG
My Personal Assistant
RomanceWould you believe in destiny? That the person you've been waiting for in so many years is already by your side? What if the person you really hated, is your first love? A story of Calix Vergara and Yherinah Mae Chaves. Their first meeting did not go...